Niyakap ako nito at amoy na amoy ko na naman ang pabango niya.
Hindi ako makapagsalita. Kaya yumakap nalang ako pabalik sa kanya.
"Ray... I love you." Bulong niyang muli sakin.
Parang huminto sa pagpaparty ang mga nasa tiyan ko at nastock up ang drummer na nasa dibdib ko. Nang makarecover mas lalo silang naging hyper.
"A-ano bang sinasabi mo? Baliw ka ba? Ano biglaan mo nalang sasabihin sakin yan ni..."
"Matagal na kitang gusto. Matagal na kitang gustong ligawan. Schoolmate mo ako nun nung high school. Hindi mo lang siguro ako napapansin dahil isang nerd lang naman ako nun. Tapos busy ka pa lagi makipagkumpetensiya kay Troy Agudo. Kilala na kita nung high school palang. Kaya naman nung college binago ko sariloli ko nung malaman ko pang classmate ko ang Kuya Ruzio mo at naghahanap siya ng mga kabanda. Kahit wala akong alam sa music pumasok ako ng piano class at sumali din ng voice lessons para lang makasali sa banda ng Kuya mo. Nung pinakilala kami ng Kuya mo sa iyo nung unang beses na punta namin dito. Gustong gusto kong tumalon sa saya pero naalala ko. Ni hindi mo nga pala ako kilala nun at baka hindi mo pa ako matandaan na naging classmate mo ko."
Napanganga ako sinabi ni Kuya Stephen at halos wala akong masabi.
"Nung gabi na pinasok kita sa kwarto mo. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko nun. Nasa iisang bahay. Kasama kita sa iisang bahay pero nasa loob ka lang ng kwarto mo at busy na naman sa pag-aaral." Tumatawang dagdag ni Kuya Stephen. "Pero hindi ko din akalain na... may mangyayari satin. Nababaliw ako sa mga titig mo. Makita ko lang ang mukha mo. Pakiramdam ko lahat gagawin ko na para sayo." Pagpapatuloy niya at niyakap ako nito ng mahigpit.
"Kuya Stephen." Tanging nasabi ko.
"Stephen nalang. Please... at sinasabi ko sayong akin ka na. Dahil masyado akong naduduwag aminin sa sarili kong hindi ka mapapasakin. Sorry baby girl. I just really love you. Damn. Ang corny ko na." Mapait siyang tumawa at hinaplos ang buhok ko.
Napakagat ako ng labi dahil sa mga naririnig ko. Naghahallucination na naman ata ako.
"Kaya baby girl kahit na anong mangyari. Mahal kita. Mahal na mahal. Wag mong kagatin ang labi mo. Ako na gagawa para sayo." Dagdag na bulong nito at inangat ang mukha ko at dinampi ang maiinit niyang labi sa labi ko habang nakangiti.
Hindi pala ako naghahallucination.
Damang dama ko. Yung mainit na labing nakadampi sa labi ko.
Kumakalma ang mga party lover sa tiyan ko pati narin ang nasa dibdib ko.
"I love you baby girl." Muling sambit nito sakin.
"I-I love you too." Sagot ko sa pagitan ng halik namin.
Dinikit niya ang noo niya sa noo ko at tinitigan ako.
"Ulit. Hindi ko narinig." Nakangiting sambit nito.
"Ayoko. Bahala ka dyan." Natatawang sagot ko sa kanya.
"Ayaw mo?" May pagbabantang sambit nito.
"Bakit? Anong gagawin mo?" Sambit ko rito at bigla nalang ako kiniliti.
Nagsisigaw sigaw ako at pilit na hinahawakan ang kamay niya para matigil siya. Ang loko tawa lang din ng tawa.
"Ayaw! Ayoko na!! Ahh!! Sasabihin ko na!! Tigil na kasii ahahaha ayoko na!" Pagmamakaawa ko at tinigil naman niya ang pangingiliti.
"Okay. Say it." Sambit nito at tinitigan ako.
Hinihingal akong umayos ng pagkakaupo.
"Sabi ko.. I love you more." Sambit ko sa kanya at tinitigan siya.
Isang malaking ngiti naman ang gumuhit sa mukha niya.
"TOTOO? WALANG BIRO!? So, girlfriend na kita? Akin ka na?" Sunod na sigaw nito.
Mabilis kong tinakpan ang bibig nito at tumango.
Pero inalis lang niya iyon at hinalikan ang kamay ko.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Araw araw kitang liligawan kung yun ang gusto mo. I love you baby girl." Sambit nito at tinitigan ako habang nakangiti.
Hinawakan ko ang pisngi niya at this time ako ang humalik sa mamalambot at nakakaadik niyang labi.
Kasabay nun ay ang pagbukas ng pintuan.
Bumitaw ako sa halik at nakita ko namang nakatitig samin si Kuya Ruzio.
Nakahawak pa naman si Stephen sa bewang ko.
"Ray." Seryosong tawag nito sa pangalan ko. "Sa sala ngayon na." Dagdag niya at umalis.
"Ako kakausap sa Kuya Ruzio mo." Bulong ni Stephen at ngumiti sakin.
Kung anong kaba ko itong baliw na nasa harap ko nakangiti pang lumabas ng kwarto ko.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at mabilis na sumunod kay Stephen.
Pababa palang ako ng hagdan pero rinig ko na ang pinag-uusapan nila.
"So, sinasabi mong schoolmate ka ni bunso nung high school?" Tanong ni Kuya Ruzio.
"Oo. Bakit ayaw mong maniwala?" Tanong naman ni Stephen.
"Bakit hindi kita kilala?" Tanong naman ni Troy.
"Bakit naman ako magpapakilala sayo?"
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Bakit hindi ka muna nagpaalam sakin? Taena tol. Naiinsulto ako ah."
"Hoy. Wag kang ano. Sinabi ko na sayong gusto ko kapatid mo. Sagot mo pa nga sige tol. Gusto palang naman."
Napangiwi ako sa narinig ko at bumaba na ng hagdan.
"Naku ganyan naman si Kuya Ruzio. Ulyanin na nga. Madali pa akong pinamimigay." Kunwaring nagtatampo kong sambit.
Pero joke lang yung madali akong pinamimigay. Ulyanin lang talaga yung totoo.
"H-Hoy bunsoy. Hindi ah! Busy lang kami nun magpractice nung sinabi-"
"Banda o ako?" Pangloloko sa kanya at pinipigilan ang ngumiti.
Namutla naman siya sinabi ko at mabilis na lumapit sakin.
"Oyy bunsoy wag kang ganyan. Sabi mo. Susupport mo ko sa banda ko." Nakasimangot niyang sambit kaya naman natawa nalang ako sa kanya.
Para siyang bata. Ayan si Kuya Ruzio, mahal na mahal ako niyan. Pero basta banda or musika ang pinag-uusapan minsan nasusubukan ang timbang ko sa kanyan.
"Joke lang Kuya." Natatawa kong sabi sa kanya at niyakap siya.
"Pasaway ka bunso. Pero galit pa ako wag mo ko daanin sa yakap. Boyfriend mo na si Stephen wala akong alam?-"
"Ako magluluto ng dinner. Wag na magtampo. Minudo paborito mo. Yiee~" natatawang lambing ko sa kanya.
Napangiwi naman siya at napasabunot sa buhok niya.
"Naku. Kung di lang kita mahal." Reklamo niya.
"Eh mahal mo ko. No choice. I love you Kuya Ruru." Sambit ko tsaka tumakbo sa kusina.
"Naman. Sana may kapatid akong ganyan." Narinig ko pang sambit ni Kuya Drake.