"Papa~ gusto ko iyon." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang kung anong alaala nalang ang sumagi sa utak ko.
Isang blurred at madilim. Na nagpakirot sa ulo ko.
"Aww.." inda ko at napahawak sa kotse.
"R-Ray... ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Kuya Stephen at tumango nalang ngumiti.
"Kung ganun. Tara?" Sambit nito at nilahad ang kamay niya this time hindi ko na tinanggihan iyon at hinawakan na.
Tumingin ako sa mukha niya matapos kung hawakan iyon. Ngiting ngiti naman ito sakin.
Naglakad na kami palapit ng amusement park. Ang saya ko pero habang papalapit kami ng papalapit.
Kumakabog ang dibdib ko. Ano na naman ba ito? Dulot na naman ba ito ni Kuya Stephen? Pero bakit hindi masarap sa pakiramdam? Ang sakit?
"Welcome to Falala Land~ You will enjoy the different rides - blah blah blah."
"AHHHHHHHHH!!!!"
"MOMMYYYYYY!!!"
"AHHHHHHHH K-KUYAAAA"Bakit nagiging ganto ang paligid ko? Nakakarinig ako ng mga sigawan. Hindi ito masasayang sigawan na dapat naririnig ko dahil sa mga rides. Sigawan ito na dulot ng takot.
Napatakip ako ng tenga dahil sa mga naririnig ko.
"T-Tulong... " bulog ko at pinikit ang mata ko.
At muli isang senaryo na naman ang nakita ko.
Isang madilim na paligid.
Isang madilim at mausok.
"Come to me. I will make you happy~" nakakakilabot na sambit ng isang payaso.
Ano to? Nasaan ako?
Isang payasong puno ng dugo ang damit at may hawak na isang kutsilyo.
Gusto kong sumigaw muli pero wala nang boses ang lumalabas sa bibig ko.
Papalapit na siya ng papalapit pero walang lakas ang katawan ko para gumalaw.
Napaluhod nalang ako at napapikit. Ayoko sa mga payaso. Natatakot ako. Humagulgol ako at patuloy kong naririnig ang mga kahindik hindik na sigawan.
Tulungan niyo ako. Tulong.
"AHHHHHHHHHHH" sigaw kong muli.
"RAY! RAY!?" umiiyak akong napatingin kay Kuya Stephen.
Tumingin ako sa paligid ko pero wala na ang payaso. Wala na ang mga sigawan. Maliwanag nang muli at halos pinagtitinginan na pala kami ng mga tao.
Nanlalambot man. Mabilis akong tumakbo palabas ng amusement park.
Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa lugar na iyon. Naririnig ko pa ang sigaw ni Kuya Stephen pero hindi ko siya nilingon.
Ang mga nakita kong iyon.
Ano iyon?
-
Nanlalambot at wala ako sa sarili kong nakarating sa bahay.
Hindi ko alam kung paano.
Pumasok ako ng gate at mabilis na kumatok.
Nakayuko ako at tulala.
Narinig kong bumukas ang pinto.
"Oh bunso? Akala ko... mamaya ka pa? Pinaalam ka ni-"
"K-Kuya..." nauutal kong sambit at tumingin sa kanya tsaka muling umiyak.
Gulat ang mga titig nito sakin at mabilis akong niyakap.
"Kuya... may payaso.. may sigawan. Kuya ano iyon? Kuya Ruzio..." putol putol kong sambit habang humahagulgol.
Niyakap lang akong mahigpit ni Kuya Ruzio ayokong ipikit ang mata ko dahil natatakot akong muling bumalik ang mga nakita ko.
Pero kusang bumibigat ang talukap ko at bumibigay ang katawan ko.
Pagod na pagod na ako.
-
"Nasaan si Criz? Anong nangyari?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit? Bestfriend ko si Criz."
"Girlfriend ko si Ray."
"Hoy! Kailan mo pa naging girlfriend ang kapatid ko?"Maingay at naiinis ako.
"Pero ano ngang nangyari?" Narinig kong seryosong tanong ni Troy.
"Trauma niya. Inaatake siya ng trauma niya through hallucinations." Narinig kong sambit ni Kuya Ruzio.
Trauma?
Trauma saan?
Sa clown? Kailan pa?
"H-Hindi ko alam." Nanginginig na boses ni Stephen at naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.
Unti unti ko namang dinilat ang mata ko at nakita kong nasa kwarto ko ako pati na rin ang mga kabanda ni Kuya Ruzio at si Troy.
"Kuya Ruzio. Trauma saan?" Unang tanong ko.
Gulat namang napatingin si Kuya Ruzio sakin at napalunok.
May hindi ba ako nalalaman?
Bakit parang hindi ko kilala ang sarili ko?
Ano ba ito?
Naupo ako sa kama ko at tumingin kay Kuya Ruzio.
"Bunsoy. Hindi pwede makakasama sa iyo." Sagot ni Kuya Ruzio.
"Bakit?" Tanong kong muli.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Kuya Stephen sa kamay ko.
"Sorry bunso. Hindi ko pwede sabihin saiyo." Mahinang sambit lang ni Kuya Ruzio at lumabas ng kwarto.
Kung ayaw niyang sabihin. Ako mismo aalam.
"Baby girl." Napalingon ako sa tumawag nun at tumitig sa kanya.
"I'm sorry." Sambit ko lang at umiwas ulit ng tingin.
"It's okay. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito at hinalikan ang kamay ko.
Pakiramdam ko. May nagkaclub na sa tiyan ko sa kalandian mo at gusto ko nang hampasin iyon para kumalma sama mo na ang drummer na nasa dibdib ko.
"EHEM! EHEM! ANG LANDI! EHEM!" napatingin ako sa OA na ubo ubo ni Troy.
"Dura mo na yan Troy. Kadiri." Sambit ko na ikinasimangot naman nito at lumabas ng kwarto.
Tumingin naman si Kuya Stephen kila Kuya Ethan at Kuya Drake kaya mabilis na hinila ni Kuya Ethan si Kuya Drake.
"Wait. Ayoko iwan si Babe kay Stephen. Oyy! Bitawan mo ko tol. Mamaya salakayin ni Stephen yan e." Narinig kong reklamo ni Kuya Drake pero ng wala siyang nagawa sa hila ni Kuya Ethan kasabay nun ang pagsarado ni Kuya Ethan sa pinto.
"Wala nang istorbo." Kinilabutan ako sa sinabi ng taong nasa gilid ko.
"Tse. Tulad ng sabi ko hindi na ako papayag sa gusto mo kaya-"
Naputol ang sasabihin ko ng hawakan niya ang pisngi ko at iharap ang mukha ko sa kanya.
Nakaupo na siya sa kama ko at nakatitig sakin. Nakipagtitigan ako sa kanya at parang nanghihina na naman ako. Gusto kong bumitaw sa titig pero hindi ko magawa.
Masyadong nakakaattract ang buong mukha ng taong nasa harap ko.
Kung hindi lang siya isang tukso. Iisipin kong isa siyang anghel na binigay para sakin. Kaso isa siyang dakilang aswang, halimaw at kung ano man.
"Wala kang dapat ika-sorry. Ako dapat ang nagsasabi nun. Ako dapat." Bulong nito at hinalikan ang noo ko.
Napapikit ako sa pagdampi ng labi niya sa noo ko.