Hatred

40 3 0
                                    

Ceign's POV

Bakit pa sya nagpakita, hindi na ba sya nahiya sa sarili nya? Hindi ko dapat maramdaman ito pero wala akong magawa, I sighed and take a deep breath, Im thinking to make bar hopping on my own now, I started the car and go somewhere. Gusto ko muling magpakalasing magpakalunod sa alak ng mawala ang dinadala ko ngayon, Inakala ko ng wala na ang ganitong klase ng pakiramdam pero heto na naman nakakainis na pakiramdam ito kelan ba ito matatapos?

"One bottle of margarita please." Sabi ko sa bartender, He give a glance then give me my drink. Wala akong planong umuwi sa bahay dahil alam ko na tatanungin na naman ako ng mga tao sa bahay kung bakit ganito na naman ka miserable ang mukha ko. I hate them by asking that questions kaya dito ako magpapalipas ng magdamag.

Pangalawang bote ko na ng iniinom kong margarita ng biglang may umagaw ng basong iniinom ko. Napatingin ako ng masama dito. Si Bvonn, palagi na lang bang susulpot ang lalaking ito kung saan at papakialaman na naman ako. Hinarap ko ito at tumayo, napasuray ako at madali ako nitong nahawakan sa aking bewang, tinulak ko ito pero hindi ganoong kalakas dahil sa hilong hilo na ako, epekto marahil ng iniinom ko at nakakarami na ako.

"Bakit ba palagi ka na lang sumusulpot. At pwede wag mo akong pakialaman." asik ko sakanya pero parang wala itong narinig. Hinila ako nito at nagpupumilit na ilabas sa lugar na iyon. Hindi ako nakapalag, dahil sa namamanhid na ang buong katawan ko, sa mga oras na ito, mas malakas sya kaysa sa akin, hinang hina na ang katawan ko epekto ng alcohol na nainom ko simula pa kanina. Pinilit kong magkaroon ng lakas para kumawala sa pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba?!" sigaw ko at napatigil ito at lumapit sa akin na tila galit na galit

"Anong ano?! Hindi mo ba alam kung anong oras na? At hindi mo man lang ba alam na kanina ka pa nababastos sa loob at hindi ko kayang makitang may nangbabastos sayo, God! You're driving me crazy since I met you and I take you to my unit!" sigaw nito nagulat ako sa mga sinabi nya, anong ibig sabihin nya? wala akong maintindihan. Hindi ko na lang sya pinansin at naglakad patungo sa kotse ko pero bago pa man ako makalayo ay sinundan ako nito at pinigilan ang aking mga kamay.

"Wag mo akong pakialaman! Kung ano ang gusto ko wag kang makialam, wala kang alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, wala kang alam!" napahagulgol na ako, hindi ko alam kung bakit ako napaiyak sa harap niya, ngayon lang ako napaiyak ng ganito sa harap ng kung sino at sa hindi ko pa gaanong kilala. Niyakap ako nito at lalo akong napaiyak.

Bvonn's POV

Hindi ko alam bakit ko nasabi ang mga salitang iyon kanikanina lang, Ano bang klaseng pakiramdam ito, wala pa akong ideya sa ngayon, pero sa ngayon nakaramdam ako ng lungkot at pagkaawa sa babaeng kaharap ko ngayon, niyakap ko sya ng wala sa sarili, hindi ko alam pero siguro ito lang ang kaya kong gawin para gumaan ang kalooban nya.. Nakakalungkot pagmasdan ang maamo nitong mukha na para bang nawalan ng pagkatao. Ano bang problema nito? Gusto kong malaman. Dinala ko sya sa condo ko, hindi na ito tumutol, marahil siguro dahil hinang hina na ang kalooban nito at bukod doon ay lasing na ito hindi ko maisip na may babae akong kasama dito sa iisang higaan at magkayakap, kanina pa ito iyak ng iyak at ng sa wakas ay nakatulog na. Parang nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil parang sinamantala ko ang kalagayan nya ngayon, kaya naisip kong sa couch na lang ako matutulog dahil baka magpanic ito pagkagising bukas.

Ceign's POV

Nagising akong namulatan ang pamilyar na kwarto, Ay oo nga pala hindi na ako tumutol ng dalhin ako ni Bvonn dito sa condo nya, nahiya ako ng maisip na pumayag akong yakapin ng lalaking hindi ko naman gaanong kilala pa at ng maalala ko na umiyak pa ako sa harap nito na parang batang iniwan ng magulang na magisa sa bahay. Sinuri ko ang paligid, namataan kong sa couch ito natulog, pinagmasdan ko lang ito, lumapit ako at nakatayo sa harap nya na tinitingnan lang ito, nilapitan ko ang mukha ko para gisingin ito ngunit nagulat ako ng bigla na lang itong nagmulat na pipikit pikit pa dahil kakagising lang nito nailayo ko agad ang mukha ko dahil sa sobrang hiya, I blushed, What Ceign? Bulong ng isipan ko at saka tumalikod.

"Gising ka na pala" He said at tumayo na, noon ko lang napansin ang magandang hubog ng katawan nito, Ano ba naman Ceign kanina ka pa! Sigaw ng isip ko at napapilig

"H-Ha? Uuwi na ako" wala sa sariling sagot ko dito, Hindi ko malaman ang gagawin ko. lumapit ito sa akin at parang kumakabog ang dibdib ko sa kaba, What's with the feeling ha? 

"Okay, ihahatid kita" sagot nito at nag ayos ng sarili, maging ako ay inayos ko ang sarili ko. Ano kayang mangyayari pagkatapos ng ganitong pangyayari, nakasama ko na naman sya buong gabi, Isa lang ang bulong ng isip ko DO NOT FALL INLOVE AGAIN Ha? bakit yun biglang pumasok sa isip ko.

NEXT UD BUKAS :)

~VOTE-COMMENT-FOLLOW~

Fixing a Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon