Bvonn's Feeling

32 2 0
                                    

Bvonn's POV

Para akong tanga, hindi ko alam kung bakit kanina pa ako naiinis, sunod sunod ang paglunok ko pag nababaling ang paningin ko sa kanya. Lalo itong gumanda sa suot nya, naiinis ako kung bakit ganoon ang suot nito, parang ayokong may ibang tumitingin sa bahaging iyon ng suot niya, muli akong napalunok at naghalo ang awa at pagkagusto ko sa babaeng kaharap ko ngayon na tila ba natutuliro dahil sa pagbubukas kong muli ng usapang iyon.

"Magsalita ka Ceign. Pwede mo namang ikwento sa akin, tutal magkaibigan na tayo." sabi ko , tiningnan ako nito ng masama.

"Magkaibigan? Kelan tayo naging magkaibigan?" matabang na sagot nito, parang nakaramdam ako ng kutsilyong tumusok sa damdamin ko. Hindi ko malaman ang dahilan pero parang nasaktan ako, napatingin ako sakanya at napatungo matapos ay nagpakawala ako ng malalim at mahinahong buntong hininga. Ano yan Bvonn, Bakit ka nasasaktan? sabat ng kabilang bahagi ng isip ko. Oo nga bakit ba ako nasasaktan sa simpleng mga salita nya. Nilapitan ko ito, Dalawang pulgada marahil ang layo ko sa kanya.

"Naaawa ako sayo Ceign, Hindi ko man alam ang dahilan, pero I swear parang nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan." parang nawala ako sa mood, puro tusok sa damdamin ko ang nararamdaman ko. Hindi na ito nagsalita pa, Aalis na sana ako ngunit naisip kong magsalita muli.

"Kung iyan pala ang nasa isip mo, wala na akong magagawa, sige ikaw ang bahala. Hindi na kita papakialaman." matapos kong sabihin iyon ay lumayo na ako sa lugar na iyon, naiwan ko syang magisa na wala pa ding kibo.

Umuwi na lang ako at hindi na tinapos ang party, Parang gumuho ang buong mundo ko ng iwanan ko sya sa lugar na iyon, Awa nga lang ba talaga yan Bvonn? Nalilito na ako, Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Sasandaling panahon pa lang ang dalawang buwan upang makaramdam ako ng ganito. Pag dating ko sa bahay naabutan ko ang mga maleta sa sala, agad akong tumakbo sa dinning area ng maulinigan ko ang pamilyar na boses, Si Mama.

"Ma!" agad akong tumakbo at lumapit dito niyakap ko ito ng napakahigpit para akong batang nagsusumbong pero wala akong sinasabing salita.  Tanging pakiramdam ko lang iyon. Bumitaw ito sa pagkakayakap ko at bumaling ng malalim na tingin sa akin.

"Anak, kakadating ko lang tapos lungkot ang makikita ko dyan sa mukha mo, may nangyari ba?" anito at hinaplos haplos ang magkabilang pisngi ko. Namiss ko tuloy ang haplos ng isang ina, ganoon pa man, hindi ko ito masagot ng dahilan ng ganitong hitsura ko ngayon.

"Nako, wala Ma, namiss lang kita, kamusta kana, bakit biglaan naman yata ang pag uwi mo." sagot ko na lang para maiba ang usapan. Tumango na lang ito.

"Binibisita lang kita, Hindi ka man lang nagtetext o tumatawag man lang nagaalala ang Papa mo" 

Hindi ako makatawag o makatext kasi busy ako sa kung sino, kahit nasa bahay na ako o sa condo ko, nalilibang ang isip ko kakaisip sakanya, Tapos sasaktan ka nya ng ganyan.? napailing ako at napangiti ng bahagya ng pumasok sa isip ko iyon. Nasasaktan ka ba dahil hindi ka pala nya kaibigan o nasasaktan ka  kasi itinataboy ka nya at parang wala syang pakialam sayo. Lalo ata akong nakaramdam ng sakit sa dibdib sa mga pumapasok o umeentra sa utak ko.

CEIGN'S POV

"Oh ano, miss mo na sya girl?" si Mich na nagbasag ng katahimikan ko. Hindi ko alam kung bakit napakaapektado ko nitong mga nakaraan. Napalingon ako dito at ngumiti ng pilit,

"No, ofcourse not" natatawang sabi ko, pero deep inside hinahanap palagi ng mata ko ang imahe ng taong iyon, simula kasi noong gabing iyon hindi ko na nakita pa itong muli, Marahil siguro nasaktan ito ng sabihin kong hindi ko sya kaibigan. Maging ako ay parang nainis sa sarili ko kung bakit ko nasabi iyon, Ang tanga tanga mo Ceign!. Naisip ko na lang. nginisihan ako ni Mich at tumango.

"Bar hop tayo later" sabi ko na lang para maiba ang usapan.  Gusto ko din muna magenjoy, Malapit ng graduation, I want to  enjoy my life just for now habang hindi pa ako nagtatrabaho. Dahil binabalak kong magtayo ng sarili kong business pag dating ng mga panahong nakatapos na ako, Dahil palagi na akong magiging busy pag nangyari iyon. 

Sa ngayon parang lumipas na ang pagkaheart broken ko sa Shawn na iyon. Lipas na ang masakit na pakiramdam, pero parang mas mabigat ngayon, magkahalong lito at pananabik na ewan, Para talaga akong tanga, Tsk.!

Nakaramdam na ako ng hilo kaya itinigil ko na ang pag inom, Si Mich naman ay nakatanga pa din sa boyfriend nito na si Arj,  Nakakainggit naman ang dalawang ito napakasweet masyado.

"Hey girl, I gotta go na, Gusto ko ng magpahinga" sabi ko at tumango na lang ito.

"Sige ingat ka girl, mahal kita alam mo yan" anito natawa ako at bumeso na lang bago umalis. 

NEXT UD Malaman kung kelan, Maghahanap pa ako ng maraming inspirasyon. :)

VOTE COMMENT FOLLOW ME :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fixing a Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon