Moments

23 2 0
                                    

CEIGN'S POV

Dark Green Sparkling tube dress na fitted at above the knee, pinatneran ng dark green din na sandals, Diamond necklace at hikaw.

"Perfect!" bulaslas ni Mommy, Siya ang nagabalang nagayos sa akin at nagustuhan ko naman ito, Lalo akong pumuti sa suot ko at ayos ko, Pinanatili lang ko lang na nakalugay ang kulot kong mga buhok kahit sinabi ni Mommy na itaas ko iyon, dahil masyadong reaviling ang suot ko dahil kitang kita ang kaunti ng aking dibdib.

Nakasakay na ako sa kotse ni Kuya Mike siya na daw ang maghahatid sa akin dahil baka daw mabastos ako ng kung sino, mabuti na din daw na ipagmaneho niya ako para iwas gulo sa ayos ko. Malapit na kami sa Diamond Hotel kung saan ang aqcuaintance party ng St. Bernd University, Marami na ang nakaparadang kotse sa harapan at isa isang nagbababaan ang mga estudyante sa red carpet na pakulo ng university, para daw mas maexcite ang mga estudyante. Nasa tapat na din kami ng red carpet bababa na sana ako pero may pahabol na sinabi si Kuya.

"Sis, Text mo lang ako or si Mommy if there's a problem ha?" malambing na sabi nito, napakabait talaga ng kuya ko napangiti na lang ako at tumango, bago nagpaalam.

Naglalakad na ako papasok ng entrance ng may humapit sa beywang ko, napasinghap ako ng mapagtanto ko kung sino iyon.

"Bvonn what are you doing?" naiiritang bulong ko dito, ayoko ng eskandalo kaya palihim ko syang tiningnan ng masama. Nakangiti lang ito habang nililitratuhan kami ng mga Photograper na kasali din sa pakulo ng School. Ngumiti din ako dahil ayokong pumangit sa litrato dahil alam kong titingnan ni Mommy iyon.

"Bakit ganyan ang suot mo?" hindi nito sinagot ang tanung ko sa halip ay tinanong nito kung bakit ganoon ang kasuotan ko, Napakunot bigla ang noo ko ng makitang parang naasar ito sa akin, Ano bang problema sa suot ko?

Nakapasok na ang lahat sa function room ng hotel, Malapit ng magsimula ang program, pero nakahapit pa din sa beywang ko ang kamay ng walangya, Agad kong tinanggal iyon, Pero hindi sya pumayag sa halip ay pinagsabihan pa ako.

"Wag mo alisin ang kamay ko dyan kung ayaw mong may lumapit na ibang lalaki sayo" masungit na saad nito, napatanga ako, anong pinuputok ng butsi nitong lalaking ito. Inirapan ko sya bago magsalita.

"Ano ka ba, nakakahiya baka isipin ng mga tao na boyfriend kita." sabi kong nagtataray. Pinasadahan ako nito ng malalim na tingin.

"Bakit hindi ba? Ikaw na nga ang may sabi kahapon na boyfriend mo ako." anito, na ikinapula ng mukha ko. Oo nga ako ang nagsimula kaya heto ang kinalabasan. Hindi na ako nagsalita hinayaan ko na lang siya dahil wala na akong maapuhap na salita, nangingibabaw ang kaba at pagkailang ko sa posisyon namin ngayon.  Habang nagtatalumpati ang mga head ng school, minasdan ko ang katabi ko seryosong nanonood lang ito, Napagtantu ko na ang gwapo gwapo nya pala ngayong gabing ito, or let just say, mas lalo syang gumwapo sa suot nyang formal attire, Napasinghap ako ng biglang bumaling ang tingin nya sa akin, iniba ko ng direksyon ang mata ko.

"Alam kong ang gwapo ko, libre ka naman tumingin Babe" natatawang sabi nito, Aba at ang kapal ng mukha, talagang nagyabang pa, inirapan ko ito.

"Kukuha lang ako ng pagkain, at saka gusto ko na din umupo." Sabi ko lang para maiba ang usapan, mangbabasag pa naman ang Bvonn na ito,  Lalakad na sana ako pero naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, naramdaman ko ang mga enerhiyang nagwawala sa loob ko na para bang doble doble ang kuryente nito, napatitig lang ako sa kamay ko na hawak nya ngayon.

"Don't look like that, Ayokong bitiwan ka dahil baka kung sino pang kumuha sayo." saad nitong parang nahihiya at iniba ang direksyon ng tingin. Natouch naman ako sa sinabi niya, para tuloy nakaramdam ako ng pagkabahala sa nararamdaman ko ngayon, wala na ako sa sariling pinagpatuloy ang paglalakad, habang hawak nito ang kamay ko. Kumakain na kami ng may Lumapit sa table namin, Apat na pares kami sa table, Ako, si Bvonn at sila Mich at Arj na magkadate ngayon, mga kaibigan ko sila. Napatingin sila sa babaeng lumapit sa amin maganda ito pero napakakapal ng make up na akala mo'y magsasagala, Nakilala ko sya bigla, classmate ko sya sa isang subject hindi ko lang maalala kung saan. Tumabi ito kay Bvonn at kumapit sa braso nito, Napataas ang kilay ko dahil doon. Ang Landi mo! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

"Bvonn Let's go there sa table namin" Aba at may pagkabastos din pala itong haliparot na ito, Binitawan ko ang kamay ko na hawak ni Bvonn parang nainis ito sa sinabi ko.

"Go ahead, mukhang kailangan ka nya" naiiritang sabi ko, gusto ko sanang bawiin dahil baka umalis nga ito at maglapitan pa ang ibang lalaki sa akin. Napakunot noo ito.

"No Daisy, Kasama ko ang girlfriend ko" napanganga ako sa sagot nya, hindi ako makapagsalita, maging sila Mich ay parang napatanga.

"Wow, Ceign nakamove on ka na pala" biglang sabat ni Arj, tila naiinis si Bvonn. Napaawang ang labi ni Daisy sa sinabi ni Bvonn. Napahiya ito, at umalis na. Nagkatinginan si Mich at Arj.

"Bro, Congrats ha? Grabe ikaw lang pala" si Arj muli nangaasar pa yata.

"Mali ka--" hindi pa ko nkakatapos magsalita ng hilahin nya ako palayo sa lugar na iyon, nakarating kami sa garden ng hotel, maliit lang iyon madilim ngunit nahahagip paminsan ng ilaw na nagmumula sa loob. Niyakap ako ni Bvonn, nagulat ako, agad ko syang naitulak sa kanyang dibdib.

"Ano ba kanina ka pa nakakarami kana" bulyaw ko sakanya. Tumungo ito at umupo sa swing, tiningnan ako nito ng pailalim.

"So, brokenhearted ka pala kaya palagi kitang nakikitang umiiyak ng mga nakaraang linggo." anito, hindi ako makapagsalita, napipipi ako, nararamdamanko na naman ang pamilyar na sakit. Naaalala ko ang nakaraan, Bakit sa dami ng pwedeng pagusapan bakit iyong puso ko pa. Muli itong nagsalita.

"Forget Ceign, Nandito lang ako, tutulungan kita. Nalulungkot akong makita kang malungkot." sabi nitong malumanay, naramdaman ko ang sakit sa tono ng pananalita nito. Hindi ko alam paano ko sisimulang ayusin ito.

Vote-Commet-Follow

Fixing a Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon