Missing you..

34 2 0
                                    

Bvonn's POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita ang babaeng ilang araw na ding itinatakbo ng isipan ko, iniiwasan yata ako nito mula ng magusisa ako sa kanya, patungkol sa kadahilanan na palagi kong nakikitang umiiyak siya, Concern lang naman ako. Malapit na din ang aqcuaintance party ng University, Hindi ko ugaling makihalubilo sa mga ganoong klase ng party lalo pa at sa school konektado ngunit sa tuwing naiisip kong iba ang makakadate ng babaeng iyon, parang nkakaramdam ako ng inis, Oo alam ko wala akong karapatan pero ewan ko ba hindi ko talaga maipaliwanag.

Naisip ko tuloy hanapin sya ngayon para tanungin kung pupunta sya sa party na yun, Naglalandas ako patungo sa library ng may biglang kumapit sa kaliwang braso ko, Nagulat ako akala ko si Ceign na iyon, Napakunot ako ng mapagtantong si Daisy pala iyon. Ex-girlfriend ko last last month pa ata kami nagbreak nito. Para kasing tanga kung makaflirt sa mga kaibigang lalaki na akala mo ay hindi ako kasama nung mag-on pa kami, kaya naman gumawa ako ng paraan para magkahiwalay kami, Ayoko sa babaeng masyadong malandi, Gusto ko simple lang pero malakas ang dating. Parang si Ceign? biglang bulong ng isipan ko, Napapilig ako ng ulo at natuon ang pansin ko dito sa babaeng linta.

"Bvonn, San punta mo?" she ask,

"May hinahanap lang ako" matabang na sagot ko dito, Napakunot ito ng noo at muling nagtanong at saka ngumisi ng pilya. Nakakairita

"Who?"

"Ceign Hermenez? kilala mo?" Masiglang sagot ko nabuhayan tuloy ako ng loob ng maalala ko ang pangalan nya, at baka kilala nito si Ceign, Baka matuwa pa ako sa babaeng ito pag naituro nya kung nasaan ang Ceign na iyon.

"Oo, Bakit? Nasa Library sya" Nawala ang sigla nito sa mukha pagkasabi noon, Napangiti ako at saka humiwalay sa kanya. Pero bago pa man ako makalayo ay nagsalita ito ulit na ikinakunot ng noo ko.

"Why her? Girlfriend mo?" Nakasimangot na sagot nito.

"Hindi pa" pagkasabi ko noon ay naglakad na ako papasok ng library, hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang salitang iyon, "Hindi pa"  Parang gusto ko ba? Ganoon ba iyon?

Hindi ko na inisip pa iyon, ang mahalaga ngayon ay mahanap ko sya, Para bang namiss ko sya.

CEIGN'S POV

Busy ako sa pagbabasa ng naramdaman kong may lumapit sa aking upuan, Napalingon ako dito, laking gulat ko ng makita ko siya, Kanina pa ako nito kinukulit tungkol sa aqcuaintance party at gusto nya akong maging date pero tinanggihan ko ito, Ayoko nga. Okay na akong magisa lang, sanay naman ako at saka mas gugustuhin ko pa makasama ang mga long time no see kong mga kaibigan. Miss ko na sila, ang tagal na anaming hindi nagkakabonding dahil sa busy kami lahat. Nginisihan ko lang ito ng medyo peke para di nya mahalatang ayaw ko ng presensya nya.

"Hi Ceign, ano ako na lang date mo" Kulit ulit nito. Umiling ako ulit at ngumiti.

"Sige na, Kahit pagpasok lang ng entrance" pagsusumamo nito pero hindi ako kumbinsido, tuloy padin ito sa pangungulit at pagpapacute, Gwapo din naman ito, kaya lang mukha syang meh pagkamanyak sa kilos at galaw pa lang nya. Nagiisip ako ng paraan para makaalis na dito at lumayo sa makulit na si Walter ng makita kong papalapit sa pwesto namin si Bvonn. Thank God, at nakaisip ako ng paraan mamaya ko na ipapaliwanag sakanya kung bakit ko nagawa ang naiisip ko ngayon, kailangan ko lang talagang makaalis dito naririndi ako sa pangungulit nito. Agad akong tumayo at pumulupot sa braso nito na ikinagulat nito, lalo na ang mga pinagsasabi ko.

"Walter meet my Boyfriend, Bvonn Estefan, kaya ayoko ng may date kasi magagalit sya"  Ngumiti ako ng peke at pinandilatan ng mata si Bvonn, agad itong ngumiti sa akin at hinapit ako sa bewanga, Aba at sinamantala ng walangya! Bulong ng isipan ko ngunit hindi ko na muna iyong pinansin at isinantabi muna dahil gusto kong lubayan ako nitong si Walter, Napanganga ito at napakamot ng ulo.

"Sorry pare, Sige Ceign pasensya na" paghingi nito ng paumanhin at saka tumayo at nagpaalam na. Agad naman akong hinarap ni Bvonn na ngingiti ngiti na ngayon.

"Anong nginingitingiti mo dyan?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang mga librong binabasa ko.

"Girlfriend na kita?" manghang tanong nito at parang asong ngiting ngiti at tuwang tuwa na akala mo'y bibigyan ng gintong buto.

"No, Ginawa ko lang yun kasi a-ano, Gusto kong tantanan na ako nung si Walter, ang kulit kasi" Pautal utal na sagot ko, kinakabahan ako ngayong kasama ko itong Bvonn na ito. Hindi ko alam pero nahihiya ako sakanya ngayon, Bakit ganito parang lalo syang gumwapo sa paningin ko, Pero wala namang nabago sa hitsura nito.

"So?" maang na sagot nito at pumalatak ng konting tawa,

"So? Anong So ka dyan" pinandilatan ko sya ng mata.

"Ako ang date mo sa party bukas" ngiting ngiting deklara nito. Napanganga ako, Hindi ko tuloy bigla naisip na dapat nga siya ang date ko dahil baka sundan at buntutan ako ni Walter bukas. 

"H-Ha? A-ano?" wala akong maapuhap na sagot, napanganga ako ng halikan ako nito sa noo bago magpaalam.

"See you later babe," pagkasabi niya noon ay umalis na siya, naiwan akong napanganga sa mga pangyayari, Ano ba itong nagawa ko, sana hindi ko na lang naiisip iyon, nakakainis.

 VOTE-COMMENT-FOLLOW

Fixing a Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon