Liezel Jane Corpuz'
P.O.VSimula nung makita KO si kyle napamahal na ako sa kanya. Bukod sa gwapo siya nasa kanya na ang mga katangiang hinahanap KO sa mga lalake. Na minsan Hindi ko pa nakikita sa iba.
Inistalk ko si kyle, inalam ko kung may girlfriend na ba siya o may nililigawan. Pero according to my research wala pa siyang girlfriend at wala pa siyang nililigawan ngayon.
Dahil mahal ko na siya ako na Yung gumawa ng paraan para mapansin niya. Alam niyo na..... Konting pa cute sa kanya like....
"Ouch.... Hindi ka tumi------ ". Biglang naputol yung pagkakasabi ko nung makita ko Yung mukha nung lalake. "Sorry----- Liezel?". Nagtataka pa siya. Bigla na lang din siyang umalis pagkatapos niyang magsorry. Nagpa cute na nga ako tapos wala. Tandaan mo KYLE FRANCIS SANCHEZ. Wala pang tumatanggi sa akin.
Maya Maya nag text sa akin Si Trisha na mala - late raw siya. Saan na ang gala ng babaeng yun. Maaga akong dumating sa classroom. Nabored ako kaya lumabas na lang muna ako. Bigla na lang ako nakaramdam ng inis sa nakita KO.
What the...... Si kyle at si Trisha magka holding hands. Sabay pa nilang pinupulot yung mga gamit ni Trisha. Nung makaalis na Si kyle agad Kong nilapitan si Trisha.... At binigyan KO siya ng isang malakas na sampal.
"How dare you Trisha..... Why you do this to me?? Alam mo naman dibang may gusto ako Kay kyle". Sigaw KO gustong gusto KO ulit siya sampalin. "Liezel Mali ka ng iniisip. Nahulog lang yung mga libro ko at tinulungan niya agad ako". Naiiyak niyang sabi. "Sa tingin mo Trisha maniniwala ako sayo? Best friend tayo eh... Lahat na lang ng meron sa akin inaagaw mo. But this time Hindi ako papayag na agawin mo Si kyle sa akin. From now on Hindi na tayo magkaibigan wala akong kaibigang ahas.......". Sigaw KO ulit biglang Alis. Iniwan ko si Trisha na mukhang tanga sa kakaiyak.
Hindi lang Yan ang aabutin mo Trisha. Sa oras na lumapit ka lay Kyle. Mas malala pa diyan ang aabutin mo..
Pauwi na ako nung makita ko Si kyle na palabas na siya ng classroom nila. Its my turn kyle. Humanda ka sa akin.
"Ouch, Hindi ka tumi------- ". Masungit Kong sabi at naputol na lang iyon nung nakita KO si kyle. "Sorry Liezel???". Pagtataka niyang sabi. Wala namang nagbago sa sinabi niya. "Oh kyle.... Tingnan mo tadhana na Yung gumagawa ng paraan para sa ating dalawa". Sweet Kong sabi. Natawa na lang siya sa sinabi ko. Mukha bang may nakakatawa sa mga sinabi KO? "Parang Hindi naman". Pabulong niyang sabi. Akala ba niya Hindi ko narinig yun. "Hmm. Kyle pauwi ka na ba? Pwede bang sumabay sayo? Wala kaseng magsusundo sa akin ehhh... Please..". Pa cute Kong sabi. Aba tumalab din sa lalakeng to.
Sumakay kami sa motor niya. Rich kid siya tapos sa motor lang niya ako isasakay. Wala ba siyang sports car. "Hmmm. Kyle ayos lang bang sumakay ako sa motor mo?". Pabebe Kong sabi with beautiful eyes. Para effective. "No choice ehhh... Hindi KO dala Yung sports car KO. Meron naman pala ehh.... Next time dalhin mo.
Pinaandar niya na Yung motor. "Liezel, kumapit ka baka mahulog ka". Sabi niya na may ngiti sa mga labi niya. "Hmm. Kyle pwede bang kumain muna tayo bago umuwi sa bahay? Please kyle....". Pagpupumilit ko . Napabuntong hininga na lang siya. Sorry ka kyle hawak na kita sa leeg...
Kumapit ako ng mabuti Kay kyle. Kahit nakatalikod siya ang gwapo niya pa rin. Don't worry kyle malapit na tayong magsama. Magiging girlfriend mo ako at boyfriend naman kita.
Habang nasa biyahe kami papuntang restaurant nagselfie ako kasama Si kyle. Syempre nakatalikod siya. At ako lang Yung kita Yung mukha. Marami na akong nakuhang selfie kasama siya Yung picture na nakayakap ako sa kanya. Habang siya nagmamaneho.
"Nandito na tayo". Sabi ni kyle at inalalayan niya akong bumaba. Pumasok kami sa isang sikat na restaurant. Ako na Yung nag treat sa kanya. Habang Hindi pa dumadating Yung order namin. Lumapit ako kay kyle at agad Kong nilabas yung phone KO.
"Kyle selfie naman tayo. Idol na idol kita. Kaya please naman". Paawa much KO. Syempre wala na talagang makakatanggi sa akin. Nagselfie kami para kaming magsyota. Ang sweet... "Kyle pwede bang akbayan mo ako at ikaw naman ying humawak ng cp KO". Pabebe kong sabi. Pumayag naman siya. Ang daming shots nung at mukhang nag enjoy na rin siya kaya.
"Liezel, diba idol mo ako. Pwede bang magselfie ako sa phone mo?". Tanong niya. Alam mo naman ying sagot KO kyle kahit damihan mo pa. "Sure why not?". Nakangiti Kong sagot. Nagselfie siyang pero isa lang.
After 987654321 years dumating na rin sa wakas yung in order KO. Kumain kami ni kyle at alam niyo na..... Nagselfie ako habang kumakain kasama Si kyle.
Pagkatapos naming kumain. Inihatid niya ako sa bahay. Bago pa siya umalis binigyan KO siya ng Goodbye Kiss. Iniwan KO na lang siyang nakatulala dun.
Maghanda ka Trisha. Malapit KO ng magawa Yung next plan KO. Kyle alam Kong pinahirapan mo ako nung unq pabebe ka pa. Hindi mo ako matitiis. Wala pang nakakatiis sa akin. Ako kaya si Liezel.Jane Corpuz. And soon to be your girlfriend....
------------------------------------------
Author's note:
Sorry guys kung ngayon lang ako makakapag update nagkasakit kase ako. Pero ngayon gumagaling na rin ako. Thank you sa pagsuporta niyo sa book KO. Sana Hindi kayo magsawang basahin Yung story KO. I hope nagustuhan niyo yung story na ginawa KO.
YOU ARE READING
Varsity Player And I
Teen FictionSa hindi inaasahang pangyayari. Nakilala ko ang lalaking makakabago sa buhay ko. Bilang estudyante at bilang teenager.Pero paano ako lalong mapapalapit sa kanya. Kung alam ko namang may iba na siyang nagugustuhan. Kahit anong gawin kong pagiiwas hin...