Trisha Gonzales'
P.O.VNung nakita ko yung mukha nung natapunan ko ng ice cream. Hindi akk makapaniwala na siya yun." Sorry Kyle, hindi ko naman sinasadya" sabi ko hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko nung time na yon. Si crush natapunana ng ice cream. Oh my... Hinintay ko siyang sumagot. Hindi ko alam kung galit ba siya o ayos lang sa kanya.
"Ayos lang, hindi kase ako tumitingin sa dinadaanan" sabi niya oh my... Kasalanan ko yung kyle ang tanga tanga ko kase ako yung hindi tjmitingin sa dinadaanan.
Pero nakapagtataka sino kaya ying kasama niyang babae? Ang ganda maagaling din siyang pumili ng babaeng idadate niya. What??? Ka date niya si Liezel, what the....
Ang sama ng tingin sa akin ni liezel. Parang gusto niya ako kainin. Teka may ginawa ba akong masama. Para lamunin niy ako ng buo.
"Hindi ko na pinansin si liezel. Pero si kyle baka magalit siya sa akin. Kaya hindi ko na natiis na tanungin siya.
"Hmmm. Kyle sure ka ok ka lang baka mamaya may galit ka na sa akin, gusto mo bumili ako ng damit" sabi ko habang pinapanood ko siyang nagpupunas sa damit niya. "Hindi ayos ang bibili naman ako ng damit. Dont worry" sabi niya habng nakatitig sa mga mata ko. Sa oras na yon sobra akong kinikilig tinitigan ako ni crush.
Maya maya nagpaalam na siya sa akin na mauuna na sila ni liezel. Hindi ko tuloy maiwasan kung sila na ba ni liezel.
Maya maya inaya ko na rin si paulo na umuwi na. Sinunod naman niya yung sinabi ko. Hinatid niya ako sa bahay. Habang nasa kotse kami. Binasag niya yung katahimikan. "Trisha... May gusto ka ba kay kyle?" Tanong niya. Hindi ko inaasahan yung tanong niya. Hindi ko alam kung ano yung isasagot. Kaya gumawa na muna ako ng isasagot ko. "Hindi, bakit mo naman naitanong? Sabi ko habang nakatingin lang ako sa daanan.
"Wala lang natanong ko lang" sabi niya habang nagmamaneho siya.Hindi na ako sumagot. Natulog na lang ako habang nasa biyahe kami. Baka kase may masabi pa ako. Nung nakarating na kami sa bahay. Ginising na ako ni Paulo.
"Trisha, nandito na tayo" sabi niya habang ginigising ako. Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti bago bumaba ng kotse. Inaya ko siyang mag merienda sa bahay. Tutal nandito na rin siya at paniguradong namiss siya nila mama at papa.
Nagulat ako nung pumasok na kami sa bahay. Ang daming pagkain at nakita ko sila mama na naghahanda. "Ma anong meron, bakit ang daming pagkain? Tanong ko kay mama at bigla naman siyang napatingin sa amin ni Paulo. "Nandito na pala kayo, welcome back Paulo. Namiss kita.." Sabi ni mama . Tuwang tuwa sila parang anak na kase ang turing nila kay paulo.
"Paulo kumain ka ng marami" sabi ni mama habang nilalagyan ng kanin ang plato ni paulo. Natatawa na lang si paulo sa pinaggagagawa ni mama.Pagkatapos na naming kumain nagpaalam na si paulo na uuwi." Tita mauun na po ako, salamat po sa pagkain" sabi niya habang kinukuha yung bag. "Trisha ihatid mo si paulo sa gate. Paulo magiingat ka" sabi ni mama habang tinutulungan na magligpit si nanay. Oo nanay ang tawag ko kay yaya. Ayaw kase nila mama't papa natawaging yaya si nanay merna.
Hinatid ko na si paulo sa gate at nagpaalam na rin siya sa akin. "Pau, mag iingat ka tingin lagi sa daan" sabi ko. Bigla na lang siyang natawa." Grabe ka.... Malamang sa daan talaga ako titingin san pa ba?" Pabiro niyang sabi. Hinintay ko siyang makapasok sa kotse. Kumaway siya sakin bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ni Paulo agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko yung laptop ko para mag facebook.
"Aba, ang daming notifications". Gulat kong sabi. Mas lalo akong nagulat nung nakita ko yung picture ni kyle na may kasamang ibang babae.
"What the hell... Dating na sila???".
YOU ARE READING
Varsity Player And I
Ficção AdolescenteSa hindi inaasahang pangyayari. Nakilala ko ang lalaking makakabago sa buhay ko. Bilang estudyante at bilang teenager.Pero paano ako lalong mapapalapit sa kanya. Kung alam ko namang may iba na siyang nagugustuhan. Kahit anong gawin kong pagiiwas hin...