Trisha Gonzales '
P.O.VNang makauwi na ako sa bahay. Wala akong naabutan, wala si kuya, si nanay at sila mama't papa. Nang makahiga na ako sa kama bigla na lang tumunog yung cellphone KO.
"Hello sino to?". Pagtataka kong tanong. "Trisha pwede na tayong mag usap". Naiiyak na sabi ni Liezel.
Pinagtataka ko kung bakit siya umiiyak. "May problema ba Liezel?". Kinakabahan na talaga ako. "Please Trisha magkita tayo sa park". Sabi niya. Umiiyak pa rin siya naaawa na ako.
Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya. Kahit paano naging kaibigan KO na siya. Hindi ko siya kayang tiisin ng ganun ganun na lang.
Nang makarating na ako sa park. Nagging seryoso Yung mukha niya at masama na ang tingin niya sa akin. Anong problema niya."Liezel bakit may problema ba?". Pagtatakang tanong KO. "Ikaw, ikaw ang problema KO. Alam mo kung bakit lahat na lang inagaw mo sa akin". Naiiyak niyang sabi. Naguguluhan na talaga ako.
"Anong ibig mong sabihin Liezel? Hindi na kita naiintindihan". Hanggang ngayon Hindi KO talaga alam ang sinasabi niya.
"Ano bang meron sayo na wala sa akin? Sabihin mo paano naging kayo ni kyle?". Naiinis niyang sabi. "Anong pinagsasabi mo Liezel?". Parang naiiyak na ako dahil sa mga sinasabi niya.
"Tsk.. Paano mo nga pala malalaman eh nag ka amnesia ka. Bakit Hindi mo sinabi sa akin noon na may relasyon na kayo ni kyle". Naiinis niyang sabi. Totoo ba Yung mga sinasabi niya. Naging kami ni kyle Hindi KO alam kung ano Yung mararamdaman ko. Magiging masaya ba ako o malulungkot?.
"Liezel lasing ka lqng kailangan KO ng umuwi". Umalis na ako Hindi ko na hinintay Yung sasabihin niya. Umiiyak na ako habang nagmamaneho. Paano natago nila kuya ito. Nagka amnesia ba talaga ako.
Pagkarating KO sa bahay nakita KO sila mama, papa, kuya at kyle na nqghihintay sa sala. "Anong meron?". Masungit Kong tanong. Biglq namanv tumayo si kuya.
"Trisha, kailangan natingag usap". Seryosong sabi niya. "Para saan pa kuya. Niloko niyo na ako. Totoo bang nagka amnesia ako?". Natahimik bigla sila mama.
"Sorry anak--". Pinutol KO na agad Yung sasabihin niya. "Paano niyo nqgawang magsinungaling sa akin. Akala KO ba family tayo". Hindi KO na napigilang umiyak."Sorry trisha, ako ang nagsabi sa kanila na wag ng sabihin sayo". Sabi ni Kyle at hinawakan yung kamay KO.
"Kyle, bakit, bakit niyo nqgawa to sa akin?". Hindi KO na pinigilan yung sarili KO na umiyak.
"Sorr----". Pinutol KO na yung sasabihin ni Kyle at tumakbo na ako palabas ng bahay.
Tumatakbo ako Hindi KO alam kung saan na ako pupunta. Sa tingin KO nakalayo na ako kina mama.
Nakarating ako sa park. Hindi KO Alan kung bakit nilihim nila ito sa akin. Pwede naman niyang sabihin yung totoo. Mapapatawad KO naman sila.
Nagpalipas ako ng sama ng loob. Baka sakali mabawasan Yung sakit na nararamdaman KO ngayon.
Habang nasa park ako kanina KO pa napapansin na may nasunod sa akin. Kaya napagdesisyunan KO ng umuwi.
Nang patawid ako sa highway may sasakyang humahaharurot ang parating. Hindi KO na Alam yung sumunod na nangyari sakin.
-----------------------------------
Kyle Gonzales '
P.O.V
Nang malaman ni Trisha ang totoo. Tumakbo siya palabas ng bahay nila. Agad KO siyang sinundan. Nung pagkalabas KO ng bahay bigla na lang siyang nawala. Sinubukan KO siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Kinakabahan na ako Hindi KO alam kung saan siya pupunta. Bigla KO na lang naalala na mahilig siyang pumunta sa park.Agad akong pumunta sa park. Hindi KO na siya naabutan sa tambayan niya. Pero nung nakita KO siya na tumatawid sa highway. Sinundan KO agad siya. Bago pa ako makalapit sa kanya may truck na parating at ang bilis ng andar.
Tiningnan KO Si Trisha at nakita kong tinulak niya Yung batang babae. Halos maiyak na ako nung nakita kong Si Trisha Yung nasagasaan.
Agad KO siyang nilapitan. Hinawakan KO Yung ulo niya at dumudugo ito. Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko kayang makita ulit si Trisha na naliligo sa sarili niyang dugo.
Hindi KO alam yung gagawin KO. Ilang minuto pa ang nakalipas may dumating na ambulansya.
Nang makarating na kami sa hospital. Agad na dinala ng mga nurse si Trisha sa operating room. Agad ko namang tinawagan sila Tristan.
Ilang minuto pa lang nakalipas dumating na sila Tristan at nag aalala sila Kay Trisha.
"Kyle, anong nanyare?". Naiiyak na sabi ni tita Thea hindi KO kayang tumingin sa kanila." Please sumagot ka kyle". Pagmamakaawa ni tita thea.
"Tita si Trisha nasagasaan ng truck. Tinulungan niya Yung batang babae. Kaya siya Yung nasagasaan. Sinubukan kong iligtas siya pero huli na ang lahat. Sorry po tita". Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko yung nangyare kanina.
Niyakap na lang ako ni tita thea. "Tita si tito po nasaan siya". Pagtataka kong tanong bigla na lang umiwas Si tita ng tingin sa akin. "Kalimutan niyo na lang po Yung sinabi KO". Hindi KO na siya pinilit na sabihin sa akin kung nasaan si Tito at bakit wala siya dito.
Ilang minuto pa ang nakalipas lumabas na rin ang doktor. Agad kaming lumapit sa kanya. "Doc. Kamusta po yung kapatid KO". Pag aalala ni Tristan. Hindi makatingin sa amin ang doctor. "Doc. Ano bang nangyare sa anak KO". Pagtatakang tanong ni tita. Bakas na sa mukha niya ang pag aalala.
"Sorry po mam na comatose po ang anak niyo. Dahil na rin sa matinding pagkakabunggo niya at pagkauntog ng ulo niya sa bato". Sabi nung doctor bigla na lang natumba Si tita sa narinig niya.
"Doc Hindi totoo yan, sabihin mong nagbibiro ka lang". Hinang hina na si tita at umiiyak na siya. "Sorry to say that nasa anak niyo po nakadepende kung bibitaw o lalaban pa siya". Dagdag ulit ng doktor at agad na siyang umalis.
Pumasok na kami sa kwarto ni Trisha. Hindi KO kaya na makita ulit siya na nakahiga na natutulog. Agad namang niyakap ni tita Thea Si trisha habang Si Tristan naman sinusuntok ang pader. Kaya inawat na rin siya ni tita. "Kasalanan KO lahat to mom". Naiiyak na sabi ni Tristan. "Hindi mo kasalanan anak walang may gustong mangyare ang lahat ng Ito". Mahinahon na sabi ni tita.
Hindi KO na kayang pigilan ang pagpatak ng luha ko. "Mom paano kung Hindi na siya magising. Mom ayokong iwan tayo ni Trisha". Sa puntong yun lalo pa akong naiyak. Kahit ako Hindi KO kayang mawala siya sa amin.
Patawarin mo ako Trisha. Kung nailigtas lang Sana kita Hindi na mauulit yung nangyare noon. Walang araw na Hindi KO sinisi yung sarili KO sa nangyare. Please Trisha lumaban ka para sa pamilya mo.
Author's Note:
Thank you guys sa pagbabasa. Sana huwag po kayong magsasawa na suportahan yung story na ginawa KO. Sorry po kung putol yung chapter 15. Promise po gagawan ko po ng paraan para mabasa niyo yung story sa chapter na nasabi.
Sana po nagustuhan niyo Yung story KO.
YOU ARE READING
Varsity Player And I
Teen FictionSa hindi inaasahang pangyayari. Nakilala ko ang lalaking makakabago sa buhay ko. Bilang estudyante at bilang teenager.Pero paano ako lalong mapapalapit sa kanya. Kung alam ko namang may iba na siyang nagugustuhan. Kahit anong gawin kong pagiiwas hin...