Chapter 14: My Girl

17 0 0
                                    

Kyle Francis Sanchez '
P.O.V.

"Ano to?, bakit maraming pictures namin ni Liezel?". Napasigaw ako nung nakita KO Yung mga pictures namin ni Liezel. What the..... Sinong gumawa nito? Agad Kong tinawagan Si Liezel.

"Liezel, magkita tayo ngayon sa park. Kailangan nating magusap". Sabi KO. "Dapat nga kyle. OK pupunta ako". Sabi niya mukhang wala siyang pakialam.

Habang papunta ako sa park. Naiiyak na ako paano kung nakita na niyang yung mga kumalat na pictures namun ni Liezel. Masasaktan at mapapaasa KO na naman siya. Matagal KO na siyang mahal at mahalaga siya sa akin. Hindi KO kaya kung masasaktan KO siya ulit.

Marami kaming napagusapan ni Liezel. Ayokong magpanggap na maging boyfriend niya. Ayokong lokohin Yung taong mahal KO. Ayokong mawala siyang sa akin. Hindi KO kaya kung mawawala siya sa piling KO.

Binigyan ako ng  tatlong araw ni Liezel para makapagisip. Paano na to? Hindi KO kayang mawala siya ulit. Ayokong umiyak ulit siya ng dahil sa akin.

Pinagisipan ko Yung sinabi ni Liezel. Kahit labag sa akin. Pumayag akong magpanggap na boyfriend ni Liezel. Ngayon sirang sira na talaga kami ng taong mahal KO. Iiyak na naman siya ng dahil sa akin.

Tinawagan ko si Liezel para makipagkita. "Hello.. Liezel may pasya na ako. Magkita tayo sa park para magpagusapan natin to". Sabi ko at binaba na rin niya yung tawag.

Mahal ko patawarin mo ako sa mga nagawa Kong kasalanan. Sana kapag nalaman mo na to mapatawad mo ako. Ginawa KO to para matigil na yung issue at magkasama na tayo.. Patawad MAHAL KO.

-------------------------------------------------

Liezel Jane Corpuz '
P.O.V

Natuwa ako sa narinig kong pumapayag na Si kyle na maging boyfriend KO. "Liezel pumapayag na ako. Basta ipangako mo na kapag natahimik na yung issue tungkol sa atin. Ititigil na natin tong kalokohan na to". Sabi niya na mukhang seryoso na siya. "OK kyle, pangako, Tara na pumasok na tayo sa school. Baka ma late tayo". Sabi ko at hinawakan KO yung kamay niya. Bigla naman niyang inalis Yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya.

"Anong problema mo kyle. Diba magsyota na tayo? Kaya pwede na tayong magholding hands". Sabi ko hanggang ngayon ba naman tatanggi siya sa akin. "Liezel sinabi KO na sayo na may mahal na akong iba. Isa pa fake lang naman tong relationship natin". Pagdidiin niya. Alam KO naman na may mahal na siyang iba.

Pagkapasok namin sa school. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hinawakan ko yung kamay ni kyle at sinamaan lang niya ako ng tingin. "So.totoo nga na sila na? OMG.... nakakakilig". Sabi nung isang babae. Thank you sa pag appreciate. "Ano ba yan nakakasaway naman Yung mga mukha nila. Lalo na araw araw mo silang makikita na magkasama". Sabi nung isang babae. "Masanay na kayo... Lalo na lagi niyo kaming makikita na magkasama". Sabi ko dun sa babae. Nakakapang init siya ng ulo.

Paalis na kami ni kyle nung narinig Kong sumigaw yung Babae. Dahilan na napahinto ako. "Alam mo Liezel Hindi naman kayo bagay ni kyle. Mas bagay sila ni Trisha yung famous din sa school natin. Yung maraming manliligaw. Siguro si kyle lang yung manliligaw mo kaya sinagot mo siya. Bakit naubusan ka na ba ng lalake Kaya si kyle naman Yung ginagamit mo?". Pagdidiin niya sinugod KO siya at sinabutan ko siya. Ang lakas ng loob niya na sabihin yun sa harap ng maraming tao. Hindi KO siya tinigilan kahit na inaawat na ako ni kyle.

"Liezel, tumigil ka na". Bulong niya sa akin. Naku kung hindi dahil Kay kyle. Nakalbo KO na yung babae. Pagkaalis namin ni kyle nakita namin si Trisha na nakatingin sa amin. Kaya hinawakan KO Yung kamay ni kyle.

"Hi Trisha". Bati KO. "Hi Liezel". Bati niyang at napatingin siya sa kamay namin ni Kyle. "Mauuna na ako, maiwan KO na kayo". Paalam niya. Para na siyang maiiyak ngayon pa lang Trisha talo ka na sa puso ni kyle.

Natapos na Yung klase namin. Sa wakas uwian nakakatamad mag aral. Pinuntahan KO si kyle sa room nila. Nakita KO siyang nakikipaglandian sa ibang babae. Nung nakita niya ako lumapit siyang sa akin.

"Oh, bakit ka nandito?". Nagtataka niyang tanong. "Naghintay ako ng matagal sa room. Hindi ka man lang pumunta. Tapos makikita kitang nakikipagladian sa iba. Tandaan mo kyle boyfriend kita". Galit Kong sabi. Ang lakas ng loob niya na makipaglandian sa ibang babae.

"May pupuntahan ako kaya hindi kita maihahatid. Kaya mag isa Kang uuwi". Sabi niya paalis na Sana siya. Pero bigla siyang huminto nung nakita niya Si Trisha.

"Aba mukhang nag aayaw ang mag syota". Mataray na sabi ni princess. Tiningnan lang kami ni Trisha. "Kami nag aayaw??? Duh.... Ang sweet kaya natin. Bakit nga pala kayo nandito?". Pag iiba KO ng usapan. "Muntik KO ng makalimutan kyle sabi ni kuya mamayang 7:00 raw sa bahay". Sabi niya at iniwan na lang niya kami ni kyle.

"Kyle, ano Yung pinagsasabi ni trisha. Bakit kailangan mong pumunta sa bahay nila?". Masungit Kong tanong. "Hindi mo ba narinig si trisha? Pinapapunta ako ni tristan sa kanila. Huwag ka ng magtanong kung bakit. Wala ka ng pakialam dun". Sabi niya at bigla na lang siyang umalis. Nung makalayo na siya tumawag siya sa akin.
"Huwag mong subukang sumunod". Sabi niya at bigla na lang akong natigilan sa mga narinig KO.  Kapag Si kyle ang nagutos nasusuod KO siya. Ewan ko kung bakit? Siguro dahil mahal KO siya.

Nung nakauwi na ako. Nag online agad ako inistalk KO Yung babaeng kasama ni kyle. Ang hirap niyang kilalanin. Sino ba talaga siya. Tiningan KO Yung mga comments pero. Pero wala naman silang binanggit na pangalan. Oh my.... Pinapahirapan mo ako kyle. Hindi mo rin matatago kung sino yung babaeng tinutukoy mo. Tandaan mo kyle walang lihim na Hindi nabubunyag......

Note:

Kung sino ka man tandaan mo makikilala rin kita.... Hindi mo maaagaw Si kyle sa akin...

Varsity Player And IWhere stories live. Discover now