Chapter 18: My enemy

11 1 0
                                    

Kyle Francis Sanchez '
P.O.V

"Hi babe balita ko nasa hospital ang kabit mo". Bungad niya sa akin. Bigla na lang nag init Yung ulo KO sa narinig KO. "Anong pinagsasabi mo Hindi magiging kabit si Trisha". Gusto KO na siyang sapakin nung narinig KO yun.

"Kaya huwag Kang umasta na girlfriend kita. Tandaan mo Liezel isa lang itong palabas. Kaya huwag Kang umasta na girlfriend kita". Naiirita kong sabi. Iniwan KO na siyang nag iisa.

Pinuntahan KO si Trisha sa hospital. Naabutan ko si tita na nagtutulog. Bigla na lang akong nakaramdam ng inis sa sarili KO. Dapat hindi si Trisha yung nakahiga ngayon at na comatose. Dapat ako yung nakahiga at comatose ngayon hindi ang taong mahal KO.

Lumabas muna ako para bumili ng pagkain. Habang bumibili ako may isang familiar na lalake ang lumapit sa akin.

"Akala KO ba aalagaan mo Si Trisha. Nagparaya na ako niin at Hindi na mauulit ngayon". Sabi niya at iniwan niya akong nakatulala. Bigla na lang nag init yung ulo KO sa sinabi niya.

Pagkabalik KO sa kwarto ni Trisha. Gising na si tita. "Oh, ikaw pala kyle. Wala ka bang pasok ngayon?". TanOng ni tita thea. "Wala po tita. Ito po pala kumain ka po muna. Ako na lang po muna ang magbabantay Kay Trisha".

Pumayag naman si tita na ako muna ang magbabantay Kay Trisha. Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing nakikita kong nangyare na naman ito. Dahil sa akin kaya siya na comatose.

"Sana naririnig mo Trisha na sobra akong nagsisisi. Nang dahil na naman sa akin kaya ka na comatose". Bulong KO sa sarili KO habang nakatingin sa kanya. "Gusto mo ikwento KO sayo kung paano tayo nagkakilala". Dagdag KO at hinawakan KO Yung kamay niya.

"Alam mo sikat ako sa school natin. Basketball player ako. Simple Kang estudyante sa school natin. Ang daming nagkakagusto sayo. Famous ka kagaya ko pati Yung kuya mo. Nagulat ako nung sinabi ng best friend mo na gusto mo ako lalo na Yung nagpapicture ka sa akin. Sorry kung Hindi ko man lang napansin Yung effort mo sa akin. Kung Hindi ka pa umiwas sa akin Hindi ko pa malalaman Yung kahalagahan mo sa buhay KO. Nasasaktan ako sa tuwing nagkikita tayo pero Hindi mo na ako pinapansin. Masakit pala yun na iniiwasan ka ng mahal mo. Naging masaya na ako ng naging tayo na pumayag kang ligawan kita. Ako na ata ang pinakaswerteng lalake sa mundo nung sinagot mo ako----". Bigla na lang naputol Yung sasabihin ko ng may kumatok.

"Paulo, ikaw pala pumasok ka muna". Si Paulo ang matalik na kaibiga ni Trisha.

"Kailangan nating mag usap kyle". Bigla na lang akong kinabahan. Sakto naman na dumating na rin si tristan siya na muna ang magbabantay Kay Trisha.

Umakyat kami sa rooftop ewan ko ba bakit bigla akong kinakabahan. "Kyle, mahal mo ba si Trisha?". Tinatanong pa ba yan. "Oo mahal na mahal KO si Trisha". Sagot KO. "Sigurado ka ba?". Aba anong ibig niyang sabihin. ""Oo mahal na mahal KO si Trisha at bakit mo naman natanong may problema ba Paulo?". Pagkasabi KO nun bugla na lang niyang hinawakan yung kwelyo KO.

"Ano bang problema mo Paulo?". Lalong humigpit Yung pagkakahawak niya sa kwelyo KO.

"Ikaw, ikaw lang naman". Nagtataka na talaga ako bakit ako Yung problema niya. "Mang aagaw ka lahat na lang inagaw mo sa akin. Una dapat ako Yung leader ng basketball team. Tapos ngayon naman Si trisha. Ano ba wala ka na bang ititira sa akin? Lahat na lang inagaw mo". Bakit ngayon KO lang na realize na nagawa KO sa kanya yun. "Paulo, Hindi KO naman intensyon na maging leader ng basketball team". Sa pagkakasabi KO nun lalo siyang nainis.

"Eh yung kay Trisha? Hindi mo rin ba intensyon yun?". Hindi KO alam Yung isasagot KO. "Akala mo na kyle maaagaw mo na lahat sa akin, Hindi ako papayag ngayon. Tandaan mo kyle Hindi mgiging kayo ni trisha". Bigla na lang naginit Yung ulo KO kaya Hindi KO na napigilang suntukin siya.

"Bakit Paulo and bang gagawin mo?". May nakakatawa na sa sinabi KO. Pinunasan na lang niya Yung dugo sa labi niya. Bago siya lumabas ngumisi siya sa akin  bago tuluyang umalis.

--------------------------

Note:

Mahal pala ni Paulo si Trisha..... Ano kayang gagawin niya para mapaghiwalay sila kyle at Trisha. Magigising na ba Si Trisha.. Malalaman natin yan sa susunid na chapters.....

Thank you po sa pagbabasa at sa mga natanggap Kong votes. Sobra saya KO kase unang story KO to. Sana huwag kayong magsawa na basahin at iboto Yung story KO.

Sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Busy po sa school ehhhh.... Thank you po....

Varsity Player And IWhere stories live. Discover now