Chapter 19: Pagbabalik ni Ex

13 1 0
                                    

Kyle Francis Sanchez'
P.O.V.

"Lumayo ka nga sa akin. Bakit ka ba nandito?". Naiirita kong sabi sa kanya. "Malamang para sayo babe". Sabay yakap sa akin. "Lumayo ka nga sa akin". Sabay tulak KO sa kanya. Kapag lumalapit siya sa akin nandidiri ako.

"Sabihin mo nga bakit ka ba nandito?". Nakakasawa naman Paulit ulit na Yung tanong KO. "Babe magsimula ulit tayo". Natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit may nakakatawa ba sa sinabi KO?". Natawa na naman ako. "Are you kidding me?". Mukhang nairita siya sa sinabi ko. Aba dapat lang.

"Please give me another chance kyle, para mapatunayqn KO na mahal pa rin kita hanggang ngayon". This time nagseryoso muna ako.

"Trixie  matagal na tayong tapos. May MAHAL na akong IBA". Diniinan KO talaga Yung MAHAL at IBA. Gusto Kong ipamukha sa kanya na may mahal na akong iba at Hindi siya.

"Sino si Trisha pa rin na? Aba loyal ka na ngayon? Anong nakain mo?". Pagtatakang tanong niya sa huli natawa naman siya. May sapak talaga tong babaeng to.

"Pwede ba umalis ka diyan sa dinadaanan KO". Naiirita na talaga ako sa kanya.  "Ayo---ko". Pabebe pa siya sarap niyang batukan.

"Kapag Hindi ka umalis itutulak kita". Pagbabanta KO. "Ginagawa yan kyle Hindi sinasabi". Aba matapang tong babaeng to. Hindi KO napigilan tinulak KO siya.

"Ouch----, ano ka ba kyle?". Nagtatanong pa siya. "Diba sabi mo ginagawa hindi sinasabi". Pang aasar KO at iniwan KO na siyang nakaupo sa sahig.

Bahala ka diyan basta ako pupuntahan KO si Trisha. Habang papunta na ako sa hospital bigla tumunog Yung cellphone KO.

"Hello sino to?". Sino kaya tong tumawag panira siya.

"Kyle, nasaan ka ngayon kailangan mong pumunta dito sa hospital?". Aba inuutusan niya.

"Sino ba to?". Nakakapagtaka naman.

"Si Liezel to kailangan mong pumunta dito sa hospital. Nasagasaan si Trixie walang magbabantay sa kanya dito".

"Ikaw na, tutal nandiyan ka na rin naman bantayan mo na". Inend call KO na bakiy KO naman kailangang puntahan Si Trixie eh may prayoridad KO Si Trisha ngayon.

Pero bakit ganun parang nakokonsensya ako. Kapag Hindi KO naman siyang pinuntahan Hindi ako matatahimik. Pero lalo akong makokonsensya kapag iniwan KO si Trisha dito.

Bahala na nga nandiyan naman si Tristan para bantayan Si Trisha. Dali Dali akong pumunta sa hospital na sinabi ni Liezel.

"Kyle, bakit na nandito?". Hindi ba niya ineexpect na pupunta ako.

"Tinawagan lang naman ako ni liezel. Ano na naman kaseng katangahan yang ginawa mo. Para masagasaan ka?". Nag iinit Yung ulo KO sa kanya.

"Tinatanong mo pa ako kung bakit? Dahil lang naman sayo kung Hindi ka nakipaghiwalay sa akin. Hindi ako magkakaganito". Lamas ng loob para sisihin ako.

"Bakit ako pa Yung sinisisi mo?". Huminahon ka kyle. Babae yan huwag mong papatulan.

"Bakit sino ba yung nangiwan sa ating dalawa. Diba ikaw kung Hindi mo pinili si Trisha Hindi tayo magkakahiwa---". Biglang naputol Yung sasabihin niya.

"Mam pwede ka na pong umuwi". NASA tamang timing ka doc. Kitang kita sa mata ni Trixie Yung pagkainis. Nakakatawa siyang tingnan.

"Salamat doc, oh narinig mo Yung Trixie pwede ka ng umuwi. Kailangan KO ng puntahan Si Trisha". Paalis na ako pero bigla na lang siyang umiyak. What the fck iniiyakan niya na naman ako.

"Please kyle huwag mo akong iiwan parang awa mo na". Nagulat ako sa ginawa niya.

"Hoy Trixie tumayo ka diyan. Kakagaling mo lang huwag Kang lumuhod". Hindi KO alam kung ano Yung mararamdaman KO.

"Please stay with me". Nagpapatawa na siya Hindi pwede kailangan ako ni Trisha.

"Hindi pwede Trixie kailangan ako ni Trisha". Paalis na ako nang bigla siyang yumakap sa akin. Nahihibang naba siya.

"Tumigil ka na Trixie. Maawa ka naman sa sarili mo". Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak.

Hindi na ako nagdalawang isip.na iwanan siya doon. Ayokong maulit Yung dating ginawa niya para paghiwalayin kami ni Trisha. Iniwan KO siyang nagiisa at umiiyak.

Wala na akong pakialam kung masaktqn KO siya. Ang kailangan ko ngayon Si Trisha.

Nang makasakay na ako sa kotse KO. Biglang na lang tumunog Yung cellphone KO. Si Tristan tumatawag.

"Hello Tristan bakit ka napatawag?". Gala kinakabahan ako ano na kayang nangyare Kay Trisha.

"Si Trisha Kyle Si Trisha ". Hindi Ko maintindihan Yung sinasabi niya. Nung inayos niya na Hindi ako makapaniwala sa narinig KO.

"Sige pupunta na agad ako diyan hintayin mo ako Trisha". Wala na akong pakialam kung mabilis Yung patakbo KO. Kase ang Alam KO kailangan ako ni Trisha ngayon. Lalo na-----

End of chapter 19

Thank you guys sa pagbabasa. Sana nagustuhan niyo yung ginawa Kong chapter. Sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Medyo busy lang kase ako. Pero babawi ako sa inyo guys gagandahan KO Yung next chapter. Pwede rin pong mag comment. Salamat po sa pagbabasa.....

Ano na kayang mangyayare sa next chapter abangan.....

Varsity Player And IWhere stories live. Discover now