ILYN ❤ 9

54 0 0
                                    

[Sam's P.O.V]

Monday na ngayon. Actually ngayon na ang bagong transformation ni Nerd. Ibig sabihin ngayon na siya papasok bilang bagong siya. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya natuloy pala sila kahapon. Hindi na ako sumama. Wala naman akong gagawin doon eh haha. Pero kahit magbago yun nerd pa rin ang tawag ko sa kanya. Nakasanayan ko na eh

Mukhang wala namang pakielam ang mga estudyanteng dumadaan dito sa gate... Kasi kahit naman may queen dito na si Ayen lang naman ang nagproclaim nun sa sarili niya ay wala pa ring pakielam ang mga tao dito. Pero minsan meron kapag may gwapo . Marami kasing magaaral na malandi dito.

Andito lang ako sa lobby ngayon. Sabi kasi ni katrina na hintayin ko daw sila dito. Wala naman akonc gagawin sa classroom kaya pumunta na lang ako dito.

"Well look who's here" sabi ng isang boses. Isang familiar na boses. Sino pa ba? Eh di si Ayen.

"What do you want?" Sabi ko sakanya. Panira ng mood eh. Ang peaceful na nga ng surroundings ko eh.

"Nothing. I'm just here to tell you na stay away from John. Kaya mo siguro siya pinunch ay dahil may gusto ka sa kanya? Well wag ka ng umasa na magugustuhan ka niya dahil he's mine! Only mine" Wtf?! Porket sa nangyaring yun nagpapansin na? Pwede bang may ipinagtatanggol lang? Tsk. Infairness nakakabilib. Bakit? Dahil gumaling na siya sa English .

"Gusto? More like I hate him. Wag kang magalala hindi ko naman siya aagawin sayo. I don't like him. Infact, I hate him. Tsaka bagay kayo isang bitch at isang mayabang o diba perfect combination?" Pumalkpak pa ako para extra effects.

"What did you say? Me a bitch?"

"Ay bingi lang?. Gusto mo pa ulitin ko? Yes you're a bitch"

"Why you!!" Sasampalin na sana niya ako ng biglang may pumigil sa sampal niya. Isang lalaki. Sino ba to? Bagong estudyante?

"Uh. Hi *smile* what is your name?" Sabi naman ni Ayen sa kanya. Bitch na nga Malandi pa.

"My name is Jacob Samuel Ocampo" sabi naman ni nerd kay Ayen. At syempre nagulat naman itong si Ayen . Sino ba namang hindi? Eh ibang jacob na ang nasa harap niya nuh.

"Ja-Jacob? Yung nerd na binusted ko? Omygosh !!! I'm so sorry kung binusted kita. Tsaka kung ganyan ka na sana manamit, simula pa lang eh di sana hindi na kita binusted. Mauuna na ako ha. Call me" Sabi ni Ayen at nagwinked pa samantalang ako binigyan niya ng masamang tingin.

"Sam nakita mo yun? Call me daw tapos kinindatan niya ako ibig sabihin may nararamdaman na siya sa akin" Tuwang tuwa na sabi ni nerd. Hindi ba niya makita? Tss. Bulag na kasi sa pagibig. Halata namang dahil sa itsura nito kaya naging ganun ang bruhildang iyon. Ano pa ba aasahan mo? Malandi eh at malandi rin itong lalaking nasa harap ko.

"Guys! Tara na magtatime na nuh" Tawag sa amin ni Katrina. Umalis na ako nuh ayaw kong malate terror ang teacher namin eh.

-/-/-/-/-/-/-/-/-/

"Hi Jacob"

"Ang gwapo mo, Jacob"

"KYAAAAAAHHHH!!! Kinikilig ako"

Ugh. Ano ba? Wala ba kayong mga magawa sa buhay niyo? Nakakainis naman kasi eh! Paano ba naman sumabay kasi si nerd sa amin eh ngayon 'Talk of the Town' na siya ngayon. Tss lumalabas na ang mga malalandi.

Pagkapasok namin ng canteen ay nagorder na kami at syempre umupo na kami sa usual table namin.

"Hey Jacob" Tawag sa kanya ni Ayen

"Halika dito ka na umupo. Dito ka nababagay kaysa diyan. Wag ka ng sumama sa losers dahil makakasira yan sa image mo kasi popular ka na" Dagdag pa ni Ayen. Nasa Popular Table kasi sila. Binansagan niyang Losers table yung table namin dahil sa galit niya sa akin at dahil rin kay nerd. Wala naman kaming pakielam eh. Basta may table lang kaming makakainan.

I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon