[Katrina's P.O.V]
Hello!!!!!! Hiiii!!! My name is katrina . Ang dakilang bestfriend ni Janella samantha !!! Hihihihi at ako ang nagiisang or should i say ang babaeng patay na patay kay freddiebunch cake ko.... KYAAAAAHHHH!!! Pangalan pa lang niya kinikilig na ako...
Pero tinataguan niya ako eh *pout* okay lang yan ... Mahahanap ko rin siya. Ako pa !!!
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ang nagnanarrate ngayon at hindi si sam ... Pagod daw siya eh kaya ako muna hihihihi... At least nabigyan rin ako ng moment eh di makakausap niyo na ako readers!! *O* okay start na ako sa pagkwekwento ha kaya shhh lang kayo
Naglalakad ako ngayon... Hinahanap ko kasi si freddiebunch cake ko eh ... Nawalan sa paningin ko kanina ... Nakakainis naman kasi yung mga babae kanina paharang harang yan tuloy nawala siya sa paningin ko... Ahuhuhuhu saan ko naman hahanapin yun? ...
"Nerd naman eh !!!! Turuan mo na kasi ako ang daya naman nito oh !!"
Malapit na kasi ako sa classroom namin eh mahaba pa naman ang break namin ... At mukhang alam ko na kung sino yung nagbabangayan ... Ang sam squared. Opo sam squared .... Hihihihi couple name nila parehas kasi silang may sam eh hahahahah ... Tsaka nararamdaman ko na magkakatuluyan sila at kung hindi aba magpapaka cupid ako ... Maganda kasi yon eh ... At least kilala ko ang magiging boyfriend ni samantha ... Pero mukhang hindi niya type eh ... Pero hindi yan opposite attracts each other ... Tsaka bagay sila ...nako siguro kapag nagkapamilya sila puzzle perfect na ...
"Ano ba yan!!! Pwede ba sa ibang araw na lang ... Istorbo ka talaga sa tulog tomboy!"
"Hoi anong sabi mo nerd ?! Ako tomboy? G*g* babae ako noh !"
"Kung babae ka bakit ka nagmumura?"
"WAg mo akong pakielamanan . Turuan mo na kasi ako "
Opo si sam at si jacob po ang nagbabangayan.. Sila lang kasi ang nasa classroom kaya ganyan sila ... Ewan ko kung ano ang problema nila ...at kung ano man yun ayaw ko ng makielam ... Kailangan ko ng mahanap ang freddiebunch ko bago matapos ang break time ... Kaya babushhhh hihihihi
[Sam's P.O.V]
"Nerd naman!!! Paturo na kasi ... Napakadamot mo"
"Ayaw ko!! Marami nga ako ginagawa ehh"
"Turuan mo na ako! Bayad mo na rin ito sa mga ginawa kong kabutihan sayo"
"Wala kang ginawang mabuti sa akin nuh tsaka kung meron man bayad na yun!"
Nakakabwisit!!! Nagaaway kasi kami ngayon ni nerd... Ayaw niya kasi ako turuan eh ... Ang hirap naman kasi ng physics eh ... May quiz kami bukas... Kailangan ko makapasa... Kahit naman may pagkabasagulero ugali ko ... Grade conscious pa rin ako noh... Ayaw ko bumaba grades ko... Para maging proud mama ko at para makakuha ako ng scholarship pag college na ako...
"Nerd naman !!! Turuan mo na kasi akoooooooo!!! Ayaw kong bumagsak..."
"Natutulog ka kasi kaya yan bahala ka sa buhay mo!"
"Eh kasi... Kasii nakakaantok eh ... Dali na kasi oh turuan mo na ako!"
"Ayaw ko nga ! Pwede ba tigilan mo na ako ! Wag kang istorbo nagbabasa ako"
Tumahimik na ako... Hindi dahil sa pagkatalo .... Kundi nagiisip ako ng magandang gagawin para turuan niya ako...
Tinignan ko yung binabasa niyang libro 'Diary ng Isang Nerd' hahahahah shet! Bagay sa kanya ang binabasa niya ... Hmmmm...
Kinuha ko ang libro niya at tumakbo palabas... Medyo malayo na ako ... Nagulat kasi siya eh kaya siguro siya natagalan kasi nag refresh pa utak niya...
BINABASA MO ANG
I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]
Teen FictionJacob Samuel Ocampo, isang nerd na admirer daw ng isang babaeng sikat sa school nila na binansagan pang campus queen.. Nakita siya ni Janella Samantha Ong na nagtatago sa damuhan dahil gusto niyang makita ang love of his life daw... Paano kapag sina...