ILYN ❤ 6

58 0 0
                                    

[Sam's P.O.V]

Papalapit ng papalapit ang mukha niya... At sa nangyayari na yun naramdaman kong nagfreeze ang katawan ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...


Parang tumigil ang mga tao sa labas... Parang slow motion ang mga nangyayari sa akin ngayon ...

At kung kanina maririnig mo ang mga ingay ng mga bata sa labas pero ngayon parang nabingi yata ako ... Kasi isang tunog na lang ang naririnig ko...


At iyon ang mabilis na tibok ng puso ko ...

"Okay ! Onting practice pa kaya dapat kapag play na natin galingan mo ha " bumalik na sa lahat ng bigla siyang nagsalita... Hindi na nagiging slow motion ang paligid ko at marami na rin akong naririnig na tunog ...


"Ahh... Hehehe si-sige mauuna na ako ha ..." Kailangan ko ng makaalis dito ... Ewan ko ... I just don't feel comfortable ...

Hindi ko na siya inantay pa sumagot... Ewan ko kung bakit nagmamadali ako parang may humahabol sa akin kahit wala naman ... Hay ano ba nangyayari? ...

Pagkauwi ko sa bahay ay humiga agad ako... 7:30 pa lang ... Hay nakakapagod ngayong araw na to ... Kahit wala masyadong ginawa pero pagod na pagod pa rin ako ... Hay makatulog na nga lang. Zzzzzzzzz

--------------------


Morning na at may pasok nanaman ... At laking himala dahil ako ang nauna dito sa classroom namin .,. Actually bago ako pumasok marami ng tao dito ... Baka naman walang pasok? Hindi hindi ... May mga tao kanina na pumapasok eh .... Pero paano pag umuwi na sila? .... Hay nako!! Makalabas na nga lang at magiimbestiga na lang ako ... Oh di ba parang may crime lang...


Naglalakad lang ako ng may marinig ako ...

"Ano ba !! Dalian mo na kasi baka hindi na natin maabutan ang scene doon noh! Wala tayong malalagay sa school newspaper" sabi ng babae sa kasama niya


"Oo na eto na ... Tara na nga!!! "


At tumakbo n sila pareho parang naging flash sila dahil sa sobrang bilis nila tumakbo ...

At dahil may lahing chismosa ako ... Pumunta na rin ako doon. Hindi ako tumakbo naglakad lang ako wala naman kasi akong pakielaman kung maabutan ko man yun o hindi basta ang importante may magawa ako ...


"Yuck!! Umalis ka na nga !!" Hindi pa ako actually nakakalapit sa mismong scene ay naririnig ko na ang sigaw ng isang babae. At parang kilala ko kung kanino ang boses ng babaeng yon ...

"Ayen!! Please mahal talaga kita ... Hindi ko kayang pigilin ang nararamdaman ko para sayo ..."

So tama nga kay ayen nga ang boses na yun ...


Lumapit pa ako... Mukhang alam ko na ang nangyayari doon...


And tama nga ako ... Si nerd... Nagpropose nanaman kay love of his life ...

"Ewww! Umalis ka na nga!!! Pinapahiya mo ako at sa tingin mo magkakagusto ako sa isang panget at mahina na katulad mo? Syempre never... Kaya pwede ba umalis ka na sa paningin ko *bato ng bulaklak* get lost you ugly freak!" Sabi ni ayen at umalis na siya at unti unti namang nawawala na ang mga tao habang tumatawa... Nakayuko lang si nerd siguro dahil sa kahihiyan ...

Nilapitan ko siya ... Hahawakan ko na sana siya...


"*sniff* huwag kang umiyak dapat maging matapang ka . Kapag umiyak ka hindi ka na niya magugustuhan * sniff*" narinig kong sabi niya. Ano ba yan parang bakla siya magsalita hahahaha ang sama ko talaga ....


"Nerd..." Tumingala naman siya sa akin ... Kitang kita ko na pinipigilan niya ang mga luha sa mata niya ...


"Sa-sam... *tayo* ahuhuhuhuhuhuuu " akala ko pa naman pipigilan niya luha niya pero nagkamali ako... Weak nga pala siya kaya kahit anong gawin niya ... Hindi niya mapipigilan ang pagtulo ng mga luha niya...

I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon