[Sam's P.O.V]
*KRRRIIIINNNNGGGG*
Ano be yen!! Ang ingay !!...
*KRRRRIIIINNNNGGG*
Ahhhh!! Ang ingay naman oh... Ano ba ang maingay na yan !!
"Anak!!!!! Ano ba !!! Gumising ka na!!! Kahit alarm clock hindi tumalab sayo!!! "
"Anak'!! Ano ba! Gumising ka na !! " sabi ng aking nanay habang inaalog pa ako..
"Opo nay... Sige na maliligo na po ako" sabi ko habang nagkukusot pa ng mata...
Lumabas na si mama... Inaantok pa talaga ako... Hihiga na sana ako ulit nang
"SSSAAAAMMMM!!"
"Opo maliligo na po!!"
Naligo na ako.. Baka bungangaan pa ako ng nanay ko...
Pagkatapos ko maligo ... Ay syempre bumaba na ako nuh... Ano naman gagawin ko sa kwarto? Nganganga? ... Pagkababa ko wala na ang nanay ko siguro pumunta na sa trabaho niya... Wala na kasi ang tatay ko ... Sumama sa ibang babae pero hindi ko naman kinasusuklaman ang tatay ko kasi kahit papaano tinutustusan pa rin niya kami ng kuya ko...
Ang aking kuya naman ay wala dito ... Nasa dorm niya ... Malayo kasi ang school niya sa bahay kaya naka dorm siya ... At ako naman ... Mukhang alam niyo na kaya hindi ko na kailangan pa ulit ulitin dahil ayaw ko maging sirang plaka...
--------------
Andito na ako sa school... Specifically, sa classroom.... Wala pang masyadong tao dito ... Mga nasa labas siguro... Kasi yun iba nagpapaganda nanaman for sure... Magpapaganda? Eh wala na silang ikakaganda ... Si katrina naman ... Wala pa siya ... Ewan ko kung bakit... At si nerd? Ewan ko... Teka bakit ko ba sinasabi lahat ng to? Ano ako information center? ...
Lumabas na lang ako... Syempre dinala ko yun mga mahahalagang bagay baka mawala eh ... Gusto niyo ba malaman ang itsura ko ngayon? Meheheheh... Sige sasabihin ko... Naka uniform ako ... Obvious naman di ba? Required sa school ang uniform kapag highschooler ka... Katamtaman ang tangkad ko... Katamtaman lang rin katawan ko... Hindi payat hindi mataba... Kaya nga katamtaman eh ... Laging nakalugay ang buhok ko... Nakasanayan ko na kasi eh pero nagpupusod naman ako minsan. Tapos nakasalamin ako... Malabo kasi mata ko... Mehehehehe... Hindi ako naglalagay ng makeup di ba nga may pagkaboyish type? Kaya hindi ko nakasanayan magpakagirl masyado.... So enough with that information....
Naglalakad lang ako sa school... May 30 mins. Pa naman bago magsimula ang klase...
"Ano ba ! Umayos nga kayo" sabi ng isang babae na hindi ko kilala dahil nakatalikod ito sa akin... May sinisigawan siya... Hindi ko alam kung ano ang meron... Kaya naglakad na lang ako paalis doon...
Hindi pa ako masyado nakakalayo ...nang may mahagip nanaman ang aking mata... Si nerd ... Nagtatago nanaman sa likod ng damo at tinitignan ang kanyang love of his life ...so si love of his life pala yun babaeng yun... Grabee galit na galit na nga yung babae ... Hindi pa rin siya natuturn off? Eh yung mahal niya kung magalit nagiging kamukha na ng isang halimaw... Ang panget panget... Yuck!! Hindi ako natatakot sa kanya magalit baka nga matawa pa ako dahil sa mukha niya hahahahaah... Shet! Natatawa na talaga ako...
"BWAHAHAHAHAHAHA" hindi ko na kasi talaga mapigilan ang tawa ko eh ... Mukhang sobrang lakas ng tawa ko dahil lahat sila nakatingin na sa Akin..
"Why you laugh?" Shet!! Mas lalo akong natawa...
"BWAHAHAHAHA"
"Hey! I say why you laugh?" Shet!! Inulit niya pa hahahahaha nakakatawa... Ang english niya hahahahahaah ...
![](https://img.wattpad.com/cover/7355615-288-k959798.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]
Teen FictionJacob Samuel Ocampo, isang nerd na admirer daw ng isang babaeng sikat sa school nila na binansagan pang campus queen.. Nakita siya ni Janella Samantha Ong na nagtatago sa damuhan dahil gusto niyang makita ang love of his life daw... Paano kapag sina...