ILYN ❤️ 13

34 0 0
                                    

Author's Note: Jacob and Sam Love story na ito :)) gagawin ko lang ang Katrina and Fred Love story kapag na mental block ako sa love story ni jacob at sam hehehe.

JACOB AND SAM LOVE STORY NA PO ITO!!! :))

-Ms. Author

-/-/-/-/-/-/-/-

[Jacob's P.O.V]

Pagkatapos ng scene na nangyari sa aming dalawa ni Sam ay masasabi kong hindi na kami masyadong nagkikibuan. Sa tuwing magkakasalubong kami sa corridor wala man lang Hi or Hello or kahit ngiti man lang. Naging awkward na ang relationship namin sa isa't isa.

Gusto ko siyang lapitan at magsorry kahit hindi naman natuloy. Ayaw kong masira ang friendship namin ng dahil lang sa nangyaring iyon. Siya ang taong tumulong sa akin ang nagbigay ng advice tungkol sa problema ko. Kaya hindi ko hahayaan na dahil lang doon sa kissing scene na iyon ay biglang maglaho ang friendship namin.

"Jacob! Hello" Sabi ni Ayen at hinalikan niya ako sa pisngi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hello" I smiled. Buti nga at hindi na ako nagstustutter kapag kaharap ko na siya at hindi na rin ako nahihiya.

"How are you? Hindi mo ako tinext kagabi ha. Nakakatampo tuloy" She said and put her arms on my shoulder.

"Pasensya na. Kasama ko kasi si Sam kagabi eh" Bigla kong nakita si Sam na nakaupo sa may bench. Mukhang eto na ang tamang oras para makausap ko na siya. Aalis na dapat ako ng biglang hawakan ni Ayen ang kamay ko.

"Tss. Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang pinaguusapan natin" She crossed her arms.

"Pasensya na ha pero may hinahabol kasi ako eh" Umalis na lang ako at hindi ko na inantay ang sasabihin niya.

"Sam!" Nung nakita ako ni Sam ay bigla siyang tumayo at tumakbo. Hinabol ko naman siya agad.

"Sam! Sam! Magusap naman tayo oh" Naabutan ko naman siya agad. Hinawakan ko ang braso niya at iniharap ko siya sa akin.

"Sam! Bakit ka tumakbo?" Tanong ko sa kanya habang hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"A-ano kasi... Ano... May nakalimutan kasi ako sa locker ko... Oo tama may nakalimutan ako sa locker ko" Hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla na lang siya umalis sa harapan ko. Iniiwasan nanaman niya ako.

[Sam's P.O.V]

Lunch time na. Wala akong kasama dito sa classroom. Wala akong gana kumain dahil inaantok pa ako. Late na akong nakatulog kagabi dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Mga bagay na ayaw kong isipin ngayon.

Sinandal ko ang ulo ko sa desk ko. Naramdaman kong kumukulo ang tyan ko. Tyan, tumahimik ka. May iniiwasan pa ako ngayon. Sa bahay na lang ako lalamon mamaya.

"Kumain ka muna. Alam kong gutom ka na" Naramdaman kong may naglagay ng pagkain sa may desk ko.

"Hindi ako nagugu-- Jacob?! Ano ginagawa mo dito?" Napatayo ako sa sobrang gulat ko.

"Dinalhan kita ng pagkain. Hindi ba halata? Alam ko namang nagwawala na ang tyan mo eh." Umupo siya sa katabi ng upuan ko. Sa kasamaang palad , yes seatmate ko siya.

"Aba't! " Sasapakin ko na dapat siya ng bigla niya akong hatakin pababa. Ang kinalabasan ay napaupo ako sa upuan ko at ang sakit ng bagsak ko. Baka magkapasa ang pwet ko.

"Kumain ka na. Pashy ka pa eh hindi ka naman ganun" Sasapakin ko na dapat siya ng bigla na lang siya tumakbo paalis. Paalis sa harap ko.

Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon na siya makasagot sa akin. Nagbago lang ang itsura eh. Naramdaman kong kumulo nanaman ang tyan ko. Nakita ko yung pagkain na dinala niya. Adobo pa naman ito. Linapit ko ito sa akin ng may napansin akong nakaipit na papel sa ilalim ng plato.

Binuksan ko ang papel.

( To: Sam

Eto peace offering. Pasensya na kung ito lang ang ibibigay ko ah hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo. Sorry nga pala ha. Hindi ko naman sinasadya eh. Iniiwasan mo rin ako kaya hindi ako makakuha ng tyempo na makausap ka. Wag ka ng maawkwardan sa akin ha. Enjoy!

P.s: kailan mo ako tatawaging jacob?

From: Jacob)

Tinago ko ang papel sa folder ko. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Kinikilig yata ako. Shet! Kailan pa ako natutong kiligin. Inubos ko na ang pagkain ko at pumunta ng canteen para ibalik ang plato.

"Ang laki ng ngiti natin sam ah! May nangyari bang maganda? Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan kasaya" Sabi ni Katrina. Sumimangot agad ako. Hindi ko napansin na nakangiti pa rin ako hanggang dito sa canteen.

"Walang nangyaring maganda" Emotionless kong sagot sa kanya.

"Sus. Ay wait! May napansin ako. Bakit ka nagbalik ng plato sa canteen eh hindi ka naman bumili ng pagkain sa canteen."

"Dinalhan ako ng pagkain ni Jacob"

"Hihihi Kinikilig ako. Nagkaaminan na ba kayo? At bakit hindi na nerd ang tawag mo sa kanya?" Sinundot pa ni katrina ang tagiliran ko habang naglalakad kami. Kahit kailan talaga napakachismosa nitong babaeng to.

"Nerd ang sabi ko! Baka nabingi ka lang. Dinalhan lang ng pagkain. Kung makapagisip ka naman. Hindi ko siya gusto noh" Umiwas ako ng tingin.

"Hala hala bakit ka nagiwas ng tingin? Inlove ka na ba? Yieeeee pag-ibig na ituuuuu" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Iniwan ko na lang siya doon. Oo na crush ko na siya pero slight lang. Kailan ko pang natutunang lumandi.

"Nagiisa ka ah" Sabi niya at inakbayan niya ako. Namula ang pisngi ko. Ganito ba pag may crush?!

"Oh bakit ka namumula?" Ugh! Ano ang ipapalusot ko?

"A-ano kasi... Ma-mainit oo tama mainit" Tumakbo na ako palayo. Ang hirap magkacrush . At alam ko may pagkaboyish ako ah. Kailan pa ako naging 100% na babae? Hay bahala na nga mawawala rin ito.

Umupo na ako sa upuan ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Ayaw ko ng maranasan magkacrush. Ugh! Ang lande lande ko na nakakairita!

Uwian na namin. Nagaayos na ako ng gamit ko dahil gusto ko ng makauwi kaagad.

"Sam, mauna na ako ah! Sabay kasi kami ni fred ngayon eh" Sabi ni katrina habang kumakaway kaway pa.

"Tara Sam! Hatid na kita" sabi ng lalaking katabi ko. Iniiwasan ko nga siya eh. Ugh! Baka pag humindi ako mahalata niyang iniiwasan ko siya. Tumango na lang ako. Mas okay na to para malaman ko kung crush ko ba talaga siya.

Naglalakad na kami papunta sa daanan ng bahay namin. Walang nagsasalita sa amin. Kahit okay na kami pero mararamdaman mo pa rin ang awkwardness hindi katulad dati na parang tropa ko lang siya. Iba na kaso ngayon eh. Inamin na ng sarili kong crush ko na siya. Nakakainis.

Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay ko.

"Uh... Sige salamat sa paghatid. Bye" Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila paharap at niyakap niya ako.

"Your welcome Sam" Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at ginulo ang buhok ko sabay tinalikuran niya ako at umalis na siya. Para saan yung yakap na yun? Aaminin ko kinilig ako. Ugh! May pa amin amin na akong nalalaman ngayon. Nung niyakap niya ako mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

'Nerd, wag kang ganyan. Nakakainis ang mga pasweet gestures mo. Nakakairita! Ayaw ko pa namang mainlove sayo'

-/-/-/----/-/-

A/N: wala talaga akong maisip na magandang idagdag. Hahahaha kaya pagpasensyahan niyo na. Masaya kasi ako ngayon kaya nakapagupdate ako.

Lumabas na ang MV Teaser ng EXO. Hihihi :")

Salamat sa mga nagbabasa :)

-Ms. Author

//---/-/--/--/-

I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon