ILYN ❤️11

38 0 0
                                    

Saan kaya pwedeng sumakay? Gusto kong sakyan lahat pero ang ticket lang namin ay for 5 rides lang.

"Tara dito tayo" Hinila ako ni nerd sa Anchor's Away. Ship ride siya. Yes! Exciting to. Hindi ko pa kasi nasubukan kaya sobrang gustong gusto ko.

Pumila muna kami. Napansin kong kanina pa tili ng tili ang nasa likod ko. Ugh! Eto nanaman tss.

"Omg! Omg! I have see wonderful view" Shet bakla! Parang si ayen lang kung magsalita.

Tinignan ko naman si nerd. Pinipigilan niya ang tawa niya. Sino ba naman ang hindi matatawa di ba?

"Hi handsome, pwede magpaautograph?" Tinulak niya ako. Aba ! Nauna ako sa linya ha. Kung pwede lang sabunutan ang baklang to pero ayaw ko gumawa ng gulo baka mapalabas ako dito.

"Excuse me, bakit ka nanunulak?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakairita eh.

"Pwede magpaautograph?" Hindi ako pinansin ng lecheng baklang to. Tss masyadong tutok kay nerd. Nginitian naman siya ni nerd at aba halos mahimatay na si bakla. Nag sign siya sa notebook nung bakla at binalik na niya ito. Nakakairita talaga! Wala na ako sa mood.

"Pogi, may girlfriend ka?" Tanong ng bakla dahil nandidiri ako sa mukha ng bakla ay napagisipan ko ng umalis. Nakakasuka ang scene na nakikita ko. Hindi pa ako nakakaalis nang biglang may manghila sa akin.

"Yes, I have a girlfriend" Iniharap niya ako sa bakla. "This is my girlfriend and her name is Sam" He added. Nang nakita ako ng bakla ay bigla na lang siya lumuhod sa harap ko.

"Nako sorrry sa pagtulak ko sayo... Hindi ko sinasadya ahuhuhuhu"

"Ok lang" Ugh! Kung pwede lang sabunutin ang baklang ito ay ginawa ko na pero ang daming taong nakatingin kaya pinatawad ko na lang siya.

Umalis na kami dahil sasakay na kami. Yehey!!!! Naeexcite na talaga ako.

Nagsimula nang umandar ang ride at syempre sayang saya naman itong katabi ko. Tss abnormal

"Ang swerte mo sa boyfriend mo" Sabi ng katabi ko. Hindi ko siya kilala kaya baka hindi ako ang kinakausap niya. Hindi rin naman siya nakatingin sa akin eh.

"Bagay na bagay kayo" sabi ulit ng katabi ko. Tinignan ko ulit siya baka hindi na naman ako ang kinakausap niya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Ngayon ko lang napansin parang middle age woman na siya.

"Nako, hindi po kami" pagtanggi ko sa sinabi niya. Totoo naman eh hindi naman kami.

"Mga bata talaga ngayon. Masyado ng in denial. Wag mo ng papakawalan yan. Gwapo ang boyfriend mo. Madaming aagaw niyan sayo. Kaya kung ako sayo sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo dahil baka mahuli ka. May gusto ka sa kanya di ba?" Natahimik ako sa sinabi niya. Wala akong masagot eh.

"Silence means yes. Alam kong gusto ka rin niya pero hindi niya lang alam dahil may iba siyang mahal. Aminin niyo na kasi sa sarili niyo na mahal mo siya at mahal ka niya. Payo ko lang sayo. Umamin ka na dahil baka magsisi ka" Biglang tumigil ang ride.

"Tara! Roller coaster naman tayo" Hinila ako ni nerd. Lumingon ako ulit pero wala na yung babae kanina. Asan na siya? Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo na hindi ko siya magugustuhan at hindi ko siya magagawang mahalin.

"Sam, okay ka lang ba?" Tumigil kami sa harap ng entrance ng roller coaster. Napatingin ako sa kanya.

"Oo naman okay lang ako . Tara!" Hinila ko siya. Bakit ang laki ng epekto sa akin ng sinabi ng babaeng iyon?. Napailing na lang ako. Ayaw kong magisip ng iba gusto ko na lang ienjoy ang araw na to dahil baka hindi ko na maranasan ulit ito.

-/-/-/---/-/-/-/-

4 na ang sinakyan naming rides. 12 nn na kaya kailangan na namin kumain. 1 ride na lang ang pwede naming sakyan. Sana ferris wheel ang sakyan namin

Nakaupo ako sa may bench dito. Inaantay ko si nerd. Siya kasi ang bumili ng pagkain eh. Tumingin tingin ako sa paligid. Ang daming couples na magkasama at ang daming pamilya rin.

"Sam, eto oh" Inabot niya ang hamburger sa akin.

"Salamat" nginitian ko siya. Kinain ko na ang hamburger. Ang sarap.

"Saan mo nga pala gusto sumakay?" Tanong niya sa akin.

"Kahit saan"

Silence. Wala naman kasi akong maibigay na ride eh baka kasi ayaw niya sakyan ang mga gustong sakyan ko.

"Tara ferris wheel na lang tayo" Hinila niya ako sa may pila ng ferris wheel.

Maraming nakapila kaya baka maya maya pa kami. Ayaw ko namang mabored dito kaya nagiisip ako ng topic na pwede kong itanong.

"Itutuloy mo na ba ang panliligaw mo kay Ayen?" Tinakpan ko ang bibig ko. Bakit sa dinami dami ng tanong bakit iyon pa ang lumabas sa bibig ko. Pwede naman anong favorite color mo? Or favorite food. Ugh! Baka akalain niyang may gusto ako sa kanya feeler pa naman itong nerd na ito.

"Oo naman, may number na nga niya ako eh. Magkatxt pa nga kagabi" Napangiti siya. Pero bakit parang hindi ako masaya para sa kanya? Bakit parang kumikirot ang pu--

"Sir,mam, kayo na po ang sunod" Pumunta na kami sa isang balloon. Nilock na niya ang entrance ng balloon. Awkward. Bakit kasi kaming dalawa lang ang nandito?

"Sam sa susunod ulit ha sana makalabas pa ulit tayo. So friends?" Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Wala naman sigurong mawawala kung tatanggapin ko ito.

"Friends" Nagshake hands kami habang nakangiti sa isa't isa. Ewan ko ba pero parang biglang bumagal ang oras. Parang nagkaroon ng fire works sa paligid. Hanggang sa narealize kong papalapit na pala ang mukha namin sa isa't isa...

*kring*kring*kring*

Napalayo ako at inayos ko ang upo ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun agad ang scene namin. Bakit biglang papunta na ng kissing scene? Buti na lang hindi natuloy dahil baka pag natuloy yun mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil syempre first kiss ko yon pero ayaw kong makuha niya ang first kiss ko.

Ang gusto ko lang naman na makakuha ng first kiss ko ay ang taong magpapa*dug*dug* ng puso ko hindi dahil sa kaba kundi dahil sa pagmamahal.

Natapos na ang ride ng hindi kami nagsasalita hanggang sa ihatid niya ako sa tapat ng bahay namin.

-/---/--/-/-/--/--/

A/N: Lalagyan ko ng love scene si Fred at Katrina sa story na ito. Baka tungkol sa kanila ang next chapter. Magiisip pa kasi ako ng idadagdag para sa kwento ni Sam at ni Jacob.

Thanks for reading. Vote and comment if you want :))

-Ms.Author

I Love You Nerd! [Editing] [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon