Kabanata 1

21.8K 418 75
                                    

NAGISING ako sa gilid ng eskinita. My forehead knotted in disbelief. Grabe naman, ang daming lugar doon pa ako inihulog ng langit!

Habang naglalakad ako ay tignan ko ulit yung singsing na nasa kamay ko.

Yung misyon ko para mabuhay ulit.

Paano nga ba ako namatay? At bakit nga ba ako binigyan ulit ng pangalawang pagkakataon? Napanguso ako at hindi na nag-isip.

Basta, may nagsasabi sa kalooban ko na kailangan ko 'to matapos. ..kahit hindi ko alam ang dahilan.

Kanina pa ako naglalakad kung saan-saan at hindi pa rin umiilaw ang pesteng singsing na 'to! Totoo ba talaga 'to? Baka ginogoyo lang ako ng matandang kausap ko kanina. Pero yung mga supernaturals na pinakita niya sakin ay. ..sobra. Paglitaw niya at libro, pag litaw ng singsing ko, at maala-paraiso na lugar kung saan kami nag-usap.

Pati nga pag-landing ko sa earth, sa gilid talaga ng basurahan!

Bakit ba kasi ako namatay? Ang tanga ko naman!

Napanganga ako ng may rumaragasang truck na bumangga sakin. It was so fast that I didn't dare to move. Naipon ko ang hininga at hindi nakagalaw. Shit! Mamamatay na naman ba ako!?

I was waiting it—and when it met my body, parang hangin lang ako na dinaanan ng sasakyan.

Napahawak ako sa bewang, mukha, pati katawan! Pinakiramdaman ko ang sarili. Buong-buo pa ako!

Tinignan ko ang katawan. Para iyong hologram na lumalabo—sabay bumalik sa akala mo ay normal lang na katawan.

M-Multo ako!?

Paano ako makikita ng taong magliligtas sakin kung. ..kung kaluluwa lang ako!? Himahamon talaga ako ng langit ha!

Humarap ako sa mag couple na naglalakad; holding hands while walking at naghahagikgikan. I raise my middle finger to them pero nilagpasan lang nila ako. .at tumagos na namang muli.

"Babe. ..ang lamig," reklamo ni ate girl. Parang nagpapalambing ang babae. Eww.

"Wait, babe, gusto mong painitin kita?" Tanong noong lalaki na ikinangiwi ko. Hala, talaga ba!? Tumawa lang ang babae bilang sagot sa lalaki.

"Kadiri kayo!" Sigaw ko sakanila, pero dahil nga ako'y kaluluwa, di nila narinig! Ha!

"Hija, pinabalik kita dyan para magpasaya, hindi para maging ampalaya."

Napatalon ulit ako dahil sa boses na 'yon. What? Kaboses iyon ng matandang kausap ko, at sigurado akong siya nga iyon!

Nice naman. Kakaibang powers talaga ang meron oh!

"Nasaan ka? At saan ko ba makikita ang taong sinasabi mo..?"

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala namang sumagot kaya napasimangot ako.

I guess it's for me to find out.

Tumawid ulit ako at tuwang-tuwa na pinapanood ang mga kotse na tumagos sa katawan ko. I giggled ng maramdaman na parang inaanod ng hangin ang katawan ko nung may malaking truck na tumagos ulit sakin. This is amazing!

Nang magsawa ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad pero may tumagos muli sakin na sasakyan at nakaramdam ako ng mainit na bagay sa palasinsingan ko! Itinaas ko ang aking kamay at. ..umiilaw ang singsing!

Nanlaki ang mata ko. Hala, umilaw na!

Agad na hinabol ko ng tingin ang sasakyan. Siguro ay nandon ang taong magliligtas sakin! Agad akong tumakbo para habulin ang sasakyan na 'yon. Tumigil na sa pag-ilaw ang singsing noong malayo na ang sasakyan.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon