Chapter 6

14.5K 378 20
                                    

"Marcus. .." tawag ko sakanya ng huminto na ang pagpapa-ulan ng bala ng security niya na nagngangalang 'Trina'. Pero kinabahan ako ng nanatili ang kamay nito sa likod ko na parang relax. Itinukod ko ang dalawang kamay ko para makita ang mukha niya.

"Two died." Ani ng boses na babae na robot. Kaya napalingon ako sa kinalalagyan ng mga magnanakaw kanina, at 'yon, nakahandusay sila! Pero agad kong ibinaling muli ang ulo ko kay Marcus.

At nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko siyang nakapikit. "Marcus!" Napaupo ako sa gilid niya at kita ko ang dugo nito na patuloy na umaagos.

"Shit, Boss!" Napalingon ako sa lalaking naupo sa tabi ko. "Tangina. Verix!" Sigaw nung lalaki. Nakita ko na siya sa dati. Nakalimutan ko lang ang pangalan.

"May kalat 'don sa baba-- What the fuck!?" Nasa bungad ng pinto si Verix at parang hindi siya makapaniwala habang tinitignan si Marcus.

"Anong ginagawa niyo?! Wala kayong magagawa niyan kung tititigan niyo lang siya!" Sigaw ko sa lalaking katabi ko ng ilang minuto silang natahimik. "Dalhin niyo na siya sa ospital! Nauubusan siya ng dugo!"

"Yeah. What the fuck! Pero tulungan mo ako buhatin si Boss. Dadalhin natin siya sa headquarters." Inilagay nila ang kamay ni Marcus sa balikat nito at sabay na binuhat si Marcus.

"Trina?" Sigaw ni Verix habang pababa kami ng hagdan.

"Saan niyo siya dadalhin!? Bakit headquarters!? Is that even a hospital or a place na magagamot siya?!" Naiinis na sigaw ko. Kita ko mula dito sa likod ang mga tama at dugo na nagkalat sa katawan ni Marcus. What the hell! Nauubusan na talaga siya ng dugo!

"Yes, sir Verix?" Ayan na naman ang robot na nagbabantay sa buong bahay.

Now, I remember them! Ang dalawang 'to ay yung nasa creepy na lugar na pinuntahan namin ni Marcus dati.

"May iba pa bang tao dito bukod sa mga 'yon?"

"Limang tao lahat-lahat. Tatlo ang nakapasok. They have died. I shoot the two while Marcus taken care the one, Sir."

"Then nakatakas ang dalawa, Trina?"

"No, sir. Sa labas lang sila. And I cannot shoot them because of that."

"Anong oras nakapasok ang tatlo?" Tanong ni Verix at dahil sa pakikipag-usap sa robot ng bahay ay natatagalan sila! Si Marcus, mauubusan na ng dugo!

"Ano ba!? Makikipag-chikahan ka pa ba diyan!? Marcus is in danger!"

"Ang dalawang lalaki ay nakapasok sa oras na 10:04 PM. Samantala, ang isa nama'y 10:30 PM."

"Shit, saktong 10:10 PM tayo tinawagan ni Trina." Sabi ng isang lalaki. "Tangina, may mali sa nangyayari."

"Call the others Trina. Sabihin mo linisin ang kalat dito." Sabi nung Verix.

"Ano ba!? Dalhin niyo na siya sa ospital!" Napatigil kasi sila sa paglalakad. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Marcus pero laking gulat ko ng tumagos ito. What the!? "Marcus. .."

Nagulat ako ng imulat niya ang kanyang mata. "L-Lady.. ."

"B-Boss!" Sabay na singhal ng dalawa at parang nagising sa malalim na pag-iisip.

Pero nanatili lang ang tingin nito sakin. Buti naman at nakikita niya pa rin ako. "M-Marcus. ..hindi kita mahawakan... .P-Pero kailangan mong pumunta ng ospital! Kanina pa ako nagsasalita na dalhin ka nila sa ospital pero kinakausap nila si Trina!"

He giggled at umiling.

"Boss?" Takang tanong ng dalawa.

"Dalhin niyo na ako sa pagamutan. May nagagalit." Hindi nakatakas sakin ang ngiti nito na pinipigilan niya.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon