Chapter 60

7.9K 115 0
                                    

3RD PERSON

Tahimik ang lahat habang nasa kani-kanilang sasakyan sila Marcus at Greg. Lahat sila ay kinakabahan para sa pwedeng mangyari. Kung pakikipaglaban lang ang usapan, tiyak ay panalo na sila. They now how capable and powerful they are. Lalo na’t marami silang tauhan na kasama.

Ngunit may buhay na nakasalaylay dito—buhay ni Lumiere.

Itinigil nilang lahat ang sasakyan malayo sa target area. Kailangan nilang maglakad upang hindi agaw pansin ang mga tauhang bitbit nila. Tahimik silang naglakad sa mapunong lugar at humahalo sa dilim.

May suot silang earpiece para matawagan ang kabilanf panig—sila Greg. Pumunta ito sa kanang bahagi ng gubat at doon ikinalat ang tauhan. Samantalang si Marcus ay nasa kaliwa. Ang balak nila ay palibutan ang target area bago tuluyang sumugod ang iba pa nilang tauhan.

Then they saw a shade of light. Habang patagal ng patagal ang paglapit nila ay nakikita na nila ang bahay na nais nilang pasukin. Ngunit nanlaki ang mga mata ng mawala ang ilaw na nagmumula sa bahay.

“Shit.” Wika ni Marcus. Sang-ayon naman siya sa pagpatay ng ilaw, ngunit mas mahihirapan silang mahanap si Lumiere. At ibig sabihin ay may ideya na ang nasa loob na naroon sila.

“Goncielo.” Tawag ni Greg mula sa earpiece. Tahimik na naghintay si Marcus sa sasabihin. “Sugod na.”

“Susugod na.” Mabilis na naglakad si Marcus patungo sa bahay. Tahimik itong kumikilos kasama sila Verix at Rama na nasa likod niya. Kian have his own part in the target area. Umaaligid lang iyon kasama ng dilim.

Marcus can’t help to be scared for something. It’s making him frustrated. Naiisip nito, bakit siya kinakabahan ng ganito? He will not let this one failed. Hinding-hindi.

Marcus is busy gaining his confidence when a sudden thing landed in front of them—it was a body. A woman’s body. It has a whitw dress—nanlaki ang mga mata ni Marcus sa relisasyon.

“Lumiere?!” Sigaw niya. Naglabasan sila Greg at ang ama nito sa dilim. They are all horrified and angry.

Halos lahat sila ay napatigil. Napatulala sa katawang nahulog mula sa bahay. Narinig pa nila ang pag-crack ng buto nito kaya’t nanindig ang balahibo ng iba.

“Lumiere. ..Oh god. ..” Nanghihina si Marcus sa nakita. Hindi niya alam kung panaginip ba ito—pero hinihiling ngayon ni Marcus na sana ay panaginip lang ang lahat.

Samantalang si Greg ay nagulantang din sa nakita. Hindi nito matanggap na si Lumiere ang katawang ito. It was dead and broken. Lifeless. Hindi nito alam ang maaring maramdaman dahil sa nasaksihan. Greg and all of them are overwhelmed.

Lalo na ang ama nito. Tahimik lang ito ngunit ilang minuto na ang nakalipas at mukhang nagising na sa pagkagulat at hindik.

“Lumiere!” Lumi’s father hissed. His baritone voice made a loud echo. Kaya’t hindi nakatakas sakanila ang pagbasag ng boses nito. Ang palahaw ng ama ni Lumiere ang gumising sa lahat.

Walang naglakas loob lumapit sa bangkay. Napangisi na lang si Eli mula sa loob ng mansyon. They should check the body first before starting the drama—but meh. Isip ng lalaki.

Hinawakan nito ang leeg ni Lumiere. Ang totong Lumiere ay buhay pa ngunit nanghihina na dahil sa dugo na nawala sakanya. Hawak siya ng lalaking dumakip sakanya. Mahigpit ang pagkakakulong ng braso ni Eli sa leeg ng babae.

“Tignan mo.” Tawa pa ng binata. Natutuwa ito sa katangahang inaakto ng mga ‘makapangyarihang’ tao na nakapalibot sa bahay nila. “Tanga di’ba?” Tumawa ito na parang nawawala na sa sarili.

Ang katawan na iyon ay ang impostor ni Lumi at dapat papatay kay Marcus. Ngunit natakasan daw siya nito. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan, sumobra sa away at hindi namalayan ang espasyo—nahulog ang katawan nito. But it makes the game more exciting and fun. Kahit na nalungkot sa aksidente ay hindi niya maiwasang matawa sa nangyayari. Isip ni Eli.

Hindi naman alam ni Lumiere ang gagawin niya. She is feeling helpless. Pakiramdam niya ay pabigat siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay pinapahirapan niya ang mga taong nasa paligid niya. Muli nitong tinignan si Marcus. Masakit para sakanya ang ganitong tanawin. Lahat ng taong mahal niya ay narito, para iligtas siya.

Nanghihina siya at wala ng lakas. Hindi ito pinakain ng maayos at pinagbabawalan din ng tubig. Ngunit nakapagsalita pa si Lumi kahit papaano.

“T-Tama na. ..” She struggled and tries her best to utter those words. Lupaypay ang katawan nito at wala na siyang magawa kung hindi ang magpatianod sa kilos ng lalaki.

“Tama na? Nagmakaawa din ako. Pero muntik na akong patayin.” Iling niya pa. Halos naging miserable ang buhay niya simula ng mamatay ang magulang. Pilit niyang itinaguyod ang kapatid kahit hirap sa paghahanap ng trabaho. Pero dinakip lang din ang kapatid niya at ginawang aliwan. Nagpakamatay ang babae niyang kapatid kahit nailigtas niya ito.

Hirap na hirap ito sa buhay. Ngunit dahil maraming galit kay Marcus, hindi na siya nagdalawang isip na humingi ng tulong mula sa taong in-agrabyado nito. Hirap pa siya noon—ngunit nagtatagumpay na siya ngayon. Isip ni Eli.

Walang magawa si Lumiere kung hindi ang maging mahina. She is crying silently while praying that everything would be fine. This will come to an end. And she hope it will be an ending that favors to her.

Napasinghap si Lumiere ng lumapit ang isang lalaki sa katawan ng babaeng bumagsak. That’s it! That’s it! That is not me! Lumiere yelled in her mind with desperation.

Nagtagis ang mga panga ni Eli dahil sa inis. “Ang bagal naman nila kalaro.” Inis na wika nito. Hinila nito muli si Lumiere patungo sa madilim na lugar. Inisip ni Eli kung paano niya iiisa-isahin si Goncielo at Rinaldi.

Habang sila Marcus naman ay napahinto sa pag-damdam ng inangat ni Kian ang babae. It was the impostor of Lumiere! But why is she dead?! Damn it! Baka kung ano na ang ginawa niya kay Lumiere.

“We can’t do the same mistake.” Bilin ni Kian. “Let’s go inside.”

They are all still disoriented when they move inside the house. Masyado silang nagpadala sa agos ng emosyon na hindi nila dapat ginagawa. Marcus wanted to kilk the bastard who is playing with them.

Sa isang lugar, kung nasaan ang mga tauhan ni Kian ay mayroong bomba na itinanim si Eli. Nakapalibot ang bomba sa lugar ng bahay niya. Pinasabog nito ang nasa norte, na ikinagulat nila Marcus.

Napaawang ang labi ni Kian. Tauhan niya ang mga nasa norte! “Fuck!”

“What the fuck?!” Ngayon ay gusto na talaga niyang paduguin ang labi ng gumagawa nito. Gigil na gigil si Marcus.

“Surely, he planted a bomb—left and right. Up and down. Baka nga pati ang bahay na ito ay may bomba. Mamamatay tayong lahat.” Greg concluded. Hindi niyan9nib ang buhay ng mga tauhan niya.

Marcus sighed. Ganon ‘din ang naisip niya. He can’t risk his man. Kaya’t inutusan niya sila Rama at Verix to gather all their alley.

Ngayon ay tatlo na lang sila—Marcus, Greg, and Lumi’s father.

Mula sa dilim ay lumabas na si Eli kasama si Lumiere. Naisip niya na lumabas dahil narinig niya ang sinabi ni Greg patungkol sa bomba. Tama iyon. Lahat ng bomba ay nakapalibot sa bahay niya at pati ang bahay mismo ay may bomba.

Dahil sigurado si Eli na hindi siya mabubuhay pagkatapos nito, hindi siya papayag na siya lang ang mamamatay. Walang makakalabas ng buhay mula sa gubat na ‘to!

“Hi.” Bati niya sa lahat. Sinamaan naman siya ng tingin nila Marcus—pero ng makita nila ang kalagayan nila Lumi ay halos manlambot sila.

Kahit nanghihina, pinilit ni Lumiere na mag-angat ng tingin. Sa wakas. Nandito na ang hinihintay niya. Bahagya siyang napangiti. Pero lalo lang dumaan ang sakit sa mga mata ni Marcus.

Marcus see how her eyes tired and swollen. Lumi have a pale and crack lips. Hindi ‘rin nakatakas sakanya ang bahid ng dugo na nasa damit ng dalaga. Marcus tried to calm himself. Hindi dapat siya pangunahan ng damdamin!

“Anong kailangan mo?! Anong ginawa mo sa anak ‘ko?!” Gigil na saad ng tatay ni Lumi. Pinigilan naman ito ni Greg mula sa pagsugod.

“What do you want?” Tanong ni Greg.

“Revenge.”

“Hah? Are you a kid?” Inis na sagot ni Marcus. “Revenge? Bakit? Mababalik ba niyan yung bagay na pinaglalaban mo?”

Umigting ang panga ni Eli at humigpit ang hawak niya kay Lumi. Tinutok nito ang baril sa sentido ng dalaga.

“Ang tapang mo ‘rin talaga, Goncielo.”

Akmang magsasalita pa sana si Marcus ng pigilan na siya ni Greg. Masyadong nagpapadala sa emosyon ang isang ‘to. Baka mayroong mapahamak.

“Revenge?” Tanong ni Greg.

“Iyang dalawang ‘yan—ay parehas sinira ang buhay ‘ko!”

“What?” Tanong ni Rinaldi. Nagtataka kung bakit pati siya ay nadamay.

Eli is offended. He is suffering for a very long time. Pero ang dahilan kung bakit siya nagdurusa ay ‘tila walang alam. Lalo itong sinakop ng galit. Hinigpitan niya ang hawak kay Lumiere.

Napaubo ang babae.

“Wala ‘kang alam, Rinaldi?! Pinatay niyo ang nanay ‘ko! Namatay siyang masama sa paningin ng lahat! At ikaw,” he pointed Marcus. “Pinatay mo ang tatay ‘ko at ibinenta pa ang kapatid ‘ko! Dahil lang Tan kami! Dahil lang ‘don, pati kami ay nadamay! Fucking shit!”

Muling yumanig ng lupa at nakarinig sila ng malakas na pagsabog.

“Every ten minutes. ..” Ngisi ni Eli.

Kumunot ang noo ni Greg dahil sa narinig. Kung bawat sampung minuto ay may sasabog na bomba, wala na silang dadaanan at sumama na lang sa pagsabog ng bahay.

“I-Itigil mo na ‘to. ..” Wika ni Lumi. “Walang mapapala ‘to. ..” sabi niya kay Eli. Napatingin naman doon ang lalaki at binigyan ng masamang tingin.

“Wala? Mamamatay kayong lahat. Iyon ang mapapala ‘ko.”

“Pero hindi naman niyan mababalik yung buhay na nawala sa’yo. ..”

Lalong humigpit ang pagkakasakal nito sa pagitan ng braso niya. Tama ang babae. Walang mababalik na buhay sakanya. Ngunit meron siyang buhay na babawiin.

Habang malalim ang iniisip ni Eli, doon na gumawa ng paraan si Greg. Ibinato nito ang kanyang telepono sa kusina. Making a loud thud. Doon nawala ang atensyon ni Eli, at iyon ang pagkakataon na tumakbo si Marcus papalapit sa dalaga. Kasabay noon ay ang pagbaril ng ama ni Lumiere sa braso si Eli.

“Shit!” Napasapo ito sa braso at nabitawan ang baril. Ilang beses itong napamura sa isipan niya. Sinubukan niyang abutin ang baril ngunit sinipa ito ni Greg palayo.

Muli silang nakaramdam ng pagyanig sa lupa. May sumabog na naman! Mabilis silang tumakbo paalis ng bahay.

“We can’t go there!” Turo ni Greg sa nag-iisang daan na nagsisimulang gapangan pa lang ng apoy.

Kung mayroong pagsabog kada-sampung minuto, napaka-imposible nilang makaalis ng hindi nasusunog doon. Isa pa, nahawa na ang daan na iyon sa magkabilang gilid na nasusunog.

“Then what?! We don’t have any choice!” Naiinis na sambit ni Marcus. Kung hindi sila dadaan doon, mamamatay na talaga sila ng tuluyan! He can’t let Lumi die on his arms!

They thought they are hopeless. Not until they heard a loud engine. Mabilis ang paglipad ng helicopter patungo sakanila.

Rama shouted, “Sakay!”

“Lumi.” Marcus tried to wake her lady. “Can you do a piggy back ride?”

“Yes. ..Yes. B-But my knees are weak.” Nang sumang-ayon ito ay mabilis niyang inilipat si Lumiere sa likod.

“Ako muna ang aakyat.” Wika ni Greg. “I-abot mo siya sa’kin mamaya.” Tukoy nito kay Lumi. Mabilis namang tumango si Marcus.

“Ikaw na, Mr. Rinaldi.”

“No, unahin mo ang anak ‘ko.” Hindi na umapila si Marcus at sinunod ang matanda. Umakyat ito patungo sa helicopter.

“Lumi, extend your hand to Greg.”

At matagumpay nilang na-iakyat si Lumi doon.

“Sir, pakibilisan. Baka mag-overheat ang engine dahil sa apoy.” Wika ng piloto. Inabot nila si Marcus at doon nakahinga ng maluwag ang lahat.

Not until they hear a sound of gun. Tinamaan noon ang helicopter. Papaakyat na sana ang ama ni Lumiere ngunit ng makita siya ni Eli ay binaril siya nito—diretso sa tyan. Nalaglag ito at napahiga sa damuhan.

“May natamaan na wire, Sir. It will not affect our flight pero kung magtutuloy ang pagbaril—”

“Mr. Rinaldi!” Sigaw ni Greg at akmang baba na ngunit sumigaw ito.

“I can’t!” Itinuro nito ang tama niya. Parang sinasabi na hindi na siya makakaligtas.

Akmang baba si Greg ngunit pinatamaan siya ng bala si Eli. Dumaplis lang ito sa hita niya. Napangiwi ito.

“Greg! Ako na!” Sigaw ni Marcus at binaril si Eli. Hindi niya ito natamaan dahil sa layo ngunit sa pangatlong baril ay natamaan niya ito.

“Papá. ..” Doon na tuluyang lumuha si Lumiere. Suminghap si Marcus. Hinaplos ang mukha ng dalaga.

“Boss, hindi pwede.” Pagbabawal sakanya ni Rama.

“Kailangan na natin umalis. Nago-overheat na ang sasakyan.”

“No! Shut up. Hintayin niyo ako. Bibilisan ‘ko.”

“Marcus!” Gigil na saad ni Rama. “Ako na lang—”

“Shut the fuck up!” inis na sambit nito at sinimulan na ang pagbaba.

“Sir.. .Kailangan na natin umalis.” Wika ng piloto. Pag hindi sila umalis ay baka masira ang sinasakyan nila at pare-parehong mamamatay.

“Marcus!” Wika ng ama ni Lumiere ng makita siya. Mabilis niyang pinasan ang ama ni Lumi at sinubukang umakyat ngunit mabigat ito.

“You imbecile. ..”

Tumaas ang lipad ng helicopter. Sinubukan itong habulin ni Marcus.

“Damn it.”

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon