Chapter 44

6K 101 1
                                    

Napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo na aking nararamdaman. Hinawakan ko ito.

"Aray. .."

Ano 'bang ginawa ko? Isang chandelier ang bumungad sa'kin at tinitigan ko iyon. Kagabi, sa sobrang inis ko ay hinanap ko sila Avy at Krish. ..Naglabas ako ng hinanakit sakanila at umiinom kami. ..

Nalasing ba ako? Doon ko napagtanto na walang chandelier sa kwarto ko kaya agad akong napabalikawas. Kasabay 'non ang pagkahulog ko sa sahig.

"Ouch!" Hinawakan ko ang aking likod. Walang carpet na kulay maroon sa kwarto ko!

Tinignan ko ang paligid. Nakatulog ako sa hindi kilalang sofa! Kaninong bahay 'to?!

"Glad you're awake."

Nanlaki naman ang mga mata ko at inipon ang kumot para tabunan ang aking katawan. Kahit na kumpleto pa ang suot ko kagabi, at nalalasahan ko ang hindi magandang bagay sa'king bibig ay napa-praning ako.

Bakit ako nasa bahay ni Marcus?!

"Anong ginawa mo sa'kin?!"

"Ask yourself." At tinalikuran ako nito.

Napangiwi naman ako. "Hoy!" Sinundan ko siya sa kusina. Naabutan ko siyang may hawak na kape.

Nilagpasan ko siya at nagmumog. Lasang suka ang bibig ko! When I get satisfied ay hinarap--Nasaan na 'yon?!

"Marcus!"

"Lumiere!"

"Avy!" Wika ko ng makasalubong siya paglabas ko mula sa kusina. Mukhang bagong gising ito.

"Bakit ka ba sumisigaw?" Biglang sumulpot si Krish. Katulad ni Avy, mukhang bagong gising rin ito.

Dito 'ata sila natulog!

"Nasaan si Marcus?!"

"May hang over pa ba siya?" Bored na tanong ni Krish kay Avy.

"Hindi ganyan ang may hang over." Sagot nito.

"Nasaan siya?" Tanong ko ulit. Walang puso! Sinunog ang mga libro ko, pinatigil ang pag-printa nito. ..nakakasakit lang! At hindi manlang ako pinatulog sa disenteng kama!

"Sa kwarto?" Hindi sigurado na sagot ni Avy. Akmang lalagpasan ko sila ng may maalala ko.

"Bakit ako nandito?"

They give me a 'duh' look.

"Pinagkamalan mong bahay mo 'to. At nandito kami para maniwala 'yong body guards mo na sleep over ang ganap dito!" Paliwanag ni Krish. Tumango naman ako at humingin ng pasensya bago umakyat, upang hanapin si Marcus.

Habang papaakyat patungo sa pangalawang palapag ng bahay ay napangiwi ako sa sakit ng ulo. Napaupo ako sa hagdan dahil 'don.

Gaano ba karami ang nainom ko? Ang alam ko ay humihingi ako ng pasensya kela Avy at Krish sa pag gamit ng pangalan nila sa libro ko, nang walang paalam! They accepted my apologize like it was nothing! Then Krish suddenly wanted to drink. A little celebration for my comeback.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon