Chapter 13

13.4K 373 16
                                    

"Marcus!" Habol ko sakanya. Inaayos nito ang manggas ng kanyang coat at dire-diretso na naglalakad patungong garahe. Nakatalikod ito sakin at hindi manlang nilingon ng tawagin ko siya.

Ilang araw na rin simula ng matanggap ko na kailangan ko siyang pakisamahan at maging mabait sakanya, para pag nabuhay ako maipakulong ko siya, kasama ng mga alipores niya.

Pero yung singsing ko? Ayaw makisama! I tried to make fun with him, make laugh, at kung ano-ano pa! Pero yung puting buhangin na nadagdag sa singsing ko ay napakaliit pa lamang! Ano ba 'yan! Mukhang matatagalan ako sa misyon ko dahil sa tigas ng pader na itinayo niya sa pagitan namin!

Tapos sa tuwing kakausapin ko siya, sasamaan ako nito ng tingin! Gosh! Yung mga jokes ko 'eh hindi niya tinatawanan! Binubulyawan pa ako nito! Paano ko siya mapapasaya?

Pero hindi pwede akong sumuko dahil habang kasama ko siya sa loob ng ilang araw ay marami akong nalaman, sa mga pakikipag-usap niya sa telepono? Palagi kong naririnig ang mga senyales niya na; Kill them, Shoot them, let them struggle until they just wish to die.

Sa una ay lagi akong nanginginig pag naririnig ang mga salitang 'yon mula sakanya, pero kailangan ko maging matatag para kahit papaano ay mapigilan ko ang mga ilegal na ginagawa nila. Pag nabuhay talaga ako ay hindi ako magdadalawang isip na isuplong sila sa pulis. Hay. ..ang kailangan ko lang talaga ay magawa ko ang aking misyon ng mabilis!

"Marcus!" Pasigaw kong tawag as I stomp my feet.

"Could you please, stop calling me Marcus? It's quite irritating milady." Normal ang boses nito. Ito pa, isa sa mga ayaw ko sakanya ay ang pagiging normal nito, masyadong unusual, kinakabahan tuloy ako!

Minsan kalmado, maya-maya ay galit, pero kadalasan ay wala itong emosyon. Bipolar!

"Eh, Marcus! Ano makiki-Boss ako sakanila?" Parang bata na ani ko. Ngayon lang ulit kami nag-usap ng ganito. Yung hindi naa-awkward kasi nakatuon sa ibang bagay ang atensyon nito.

"Tigilan mo ang pami-milosopo mo."

"Eh ano nga?"

"It is pronounce as Mark-us." Pagtatama niyang muli sakin. Ilang linggo niya ng inulit-ulit sakin 'yon pero hindi ko siya magawang tawagin 'non kasi nasanay ako sa Mar-kus.

Umiling-iling ako habang siya'y hinarap na ako at sinandal ang katawan sa magarang sasakyan niya.

"I'm going." Aniya.

"Saan? Iiwan mo ako dito?" Hindi sa ayaw magpa-iwan at gusto ko siyang makasama pero. ..kailangan ko talaga siya makasama sa oras para may malaman pa akong impormasyon, para malaman ko kung ano ba siya at bakit niya ginagawa ang masasamang bagay na 'yon.

He's not bad beside me. Cold lang. Pero pag may tumatawag sakanya mula sa telepono ay nakikita ko ang masamang side nito. At ngayon lang siya aalis sa bahay na 'to. I wonder kung saan siya pupunta. ...

"Oh, don't ask like you're my wife or something. Get in. Don't even try to escape dahil kahit multo ka, hahanapin kita then I won't hesitate to bang you."

Napa-poker face naman ako sa banta nito. Iyan ang palagi niyang banta sa akin pag gusto ko mawala o mawawala ako ng sandali sa paningin niya.

"Isama mo na ako." Pagmamakaawa ko at akmang hahawakan ko ang braso nito para yakapin sana pero agad niyang tinabig ang kamay ko.

"I am going. Work." Tinalikuran ako nito at pumasok sa sasakyan niya. Pero dahil masunurin akong kaluluwa ay tumagos ako sa sasakyan nito at naupo sa backseat ng sasakyan niya.

Tinignan niya ako ng masama sa pamamagitan ng rearview mirror. I make a peace sign.

"Makulit ka." Kalmadong sambit nito. I pout at umiling.

Taming the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon