First Kiss

46.6K 1.5K 174
                                    

7


HAPPY NEW YEAR MGA ANAK!

---------------------------



I sat on the stool while Ashton was being treated in their headquarters. Mas minabuti nilang dito siya dalhin dahil daw baka abangan kami ng mga humahabol sa akin sa ospital lalo pa't alam nilang may tama si bansot.


Tinitigan ko iyong nurse na kasalukuyang nililinis ang sugat ni Ash. She was so focused with what she was doing. Beads of sweat start to form on her eyebrows while her hands are digging inside the wound of Ashton.


"Will he be alright?" tanong ko na naman. Inilabas noong babae iyong bala at inilagay iyon sa silver na basin. Tinanggal niya ang duguan niyang gloves at nagpunas ng pawis bago naghugas muli ng kamay. Nagsuot siya ng panibagong gloves at kumuha na ng sinulid at karayom.


"For now. Mababaw lang ito kumpara sa nakuha niya sa mga dati niyang misyon." Sagot sa akin noong nurse. Dating misyon? Napasandal ako sa pader habang pinapanood ang ginagawa nito.


Ashton was sleeping already, his face was deadtired and his lips pale. I can feel the shiver on my spine when I remembered my bloody palm the moment I touched his wound a while ago. Mabuti na lamang at may escort pa ang sasakyan namin at nadala siya dito.


Would we get caught up in this situation again? Will he get caught up in the same situation again because of me? Ano bang klaseng trabaho ito at kailangan niyang itaya ang buhay niya para sa mga kliyente?


Whenever I don't feel the urge to sing, then I don't sing. Fuck my clients pero rerespetuhin ko ang gusto ko. But with Ashton, I guess he doesn't have that kind of privilege. Hindi siya nabigyan ng karapatan na umyaw dahil buhay ng kliyente niya ang nakataya, hindi ba?


Hindi ko na namalayan na natapos na iyong nurse. Chinicheck na lamang niya iyong dextrose bago niya iniligpit ang kanyang mga gamit. Tinanggal na niya ang face mask niya bago ako nilapitan.


"Gusto mo bang ipahatid kita? Nakastand by sila Rex at Leroy para sayo." Anas nito. Rex and Leroy are the two other bodyguards that I have. Kasama sila ni Ashton, in fact, si Ash daw ang nagpasok sa kanila sa army.


I looked at Ash who was peacefully sleeping. Tiningnan rin ako noong nurse. "He's fine. Kaunting tulog at pahinga lang ang kailangan. As for you, kung gusto mong magpahinga, may quarters kami para sa mga kliyente namin kung ayaw mo pang umuwi." She said. Umiling lang ako at kinuha ang aking bag. I looked at Ashton again before looking at the nurse.


"Uuwi na ako. I'll come back tomorrow." Paalam ko. I went straight to the door before giving Ashton one last look.


Hinatid ako nila Rex sa aking unit. Noong makapasok pa ako ay ganoon na lang ang gulat ko noong makita si Noah na nasa waiting area at nakapikit. Suot suot niya iyong kulay pulang beat ne headphones. His mouth is opened while singing softly. Kinagat niya bahagya ang labi niya and I just found myself..well yeah, I just love him so much.

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon