28
Maaga akong nagising kinabukasan kahit na hindi rin ako gaanong nakatulog dahil sa pamamahay ko. I suddenly missed my fluffy pillows and red bed. I would even trade my brothers just to be back to Manila rather than staying here.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto na inilaan ni Aidan sa akin. It was big, but not big enough for me. Malambot nga ang kama but I still long for my red bedroom. Being some place different from where I am used to feels like an alien world to me. Hindi ako sanay at hindi ako komportable.
I just couldn't catch my sleep again so I decided to go out and explore. Malamig ang hangin dala ng madaling araw noong lumabas ako. Niyakap ko ang sarili ko habang pababa ako sa hagdan para makarating sa maliit na batis sa gilid ng bahay ni Aidan.
When he said he has a hacienda here, hindi agad ako naniwala. Pero noong makarating kami at nakita ko ang hekta-hektaryang lupain niya ay doon pa lang ako napaniwala. Mukha kasi siyang gusgusin at kung hindi niya binanggit ang pangalan ng kumpanya niya ay iisipin kong isa siyang tindero ng ballpen.
Umupo ako sa duyan na nakalagay sa gitna ng dalawang punong mangga. Humiga ako roon habang iyong isang paa ko ay nakabitin para iguyod ang aking sarili. Ilang sandali ang nakakalipas noong maramdaman ko ang pagbigat ng aking talukap. I was about to close my eyes when I saw some dents on the tree's bark. Dumiretsyo ako ng upo para tingnan iyon.
The dent was not actually a dent but a heart in it. I looked at it closely, halatang matagal na ito dahil unti unti na itong nawawala but still, it is there.
Marahan ko iyong kinaskas para mabasa. Bago pa man ako matapos ay muntik na akong mabulunan. The words got stuck inside my throat.
'Ashton and Aira'. Iyon ang nakasulat sa balat ng puno. I gingerly touched the markings with my shaking hands.
Binaba ko ang kamay ko. I clenched my fists tightly until it turned white. Pumikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko.
I'm begging you Ashton. Please, please, gusto ko ng sumaya. I have my future planned with Noah. Please, let me let you go. Hindi ko magagawa yun kung sa bawat pagkakataon ay ipapaalala mo ang sarili mo sa akin.
Ashton, mahal kita. Sobra sobra. But this love isn't healthy anymore. Wala ka na and I still have a life. Hindi tama na itali ko ang sarili ko sa nakaraan. Kailangan ko ng humakbang. I have to put one foot in front of the other. And you have to guide me bansot.
Please, I want to start anew. At sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong magiging masaya ako. Para sayo at para sa sarili ko.
"Maaga pa. Bakit nasa labas ka na?" narinig kong tanong ni Aidan. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. I looked at him before smiling a bit.
"Namamahay ako."
Tumango siya. Tumabi siya sa akin sa duyan at bahagya iyong umalog. Nilingon rin niya ang puno at nakita iyong hugis pusong ukit sa balat ng puno. Kumunot ang noo niya at tinitigan iyon.
BINABASA MO ANG
First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralWe understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, until we are consumed by the lies and the pretendings. But I guess it can't be helped. No one will love you unless you wear a mask on. No one...