33
I woke up with the screaming pain in my head. Nagpumilit akong tumayo pero hindi ko makayang buhatin ang katawan ko. I groaned out loud and then I felt somebody touching my arm. Mabilis akong napabaling doon, only to see my mother's worried face.
"Ma?"
Hinaplos niya ang aking buhok. "Thank god you're awake." Naiiyak niyang sabi. Mama kissed my forehead gently and took my uninjured hand.
"Why are you here?"
"The police called. May umatake raw sayo."
I shudder just by remembering it. Iyong bato sa paanan ko, ang pagkahulog ko sa tubig. The helpless feeling of drowning. The suffocation, the pain, the gun aimed at my head. Everything that happened was like a nightmare.
"Mabuti na lamang at nahuli na ang gumawa niyon sayo." Utas ni Mama. Napalingon ako sa kanya. Nahuli na si Phyton?
"H-how?"
She shrugged. "No one knows. Nakita na lang siya sampu n mga tauhan niya sa bangka na wala ng buhay. He was killed Serise, but we don't know who." Kinuha nitong muli ang aking kamay at nilapit sa kanyang mukha.
"I thought I have lost you anak. I can't.."
"Ma.." pag aalo ko rito. Bumukas ang pintuan at niluwa noon ang aking ama na nagaalala ang mukha. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I groaned so hard when I felt the pain on my arm. Napabitaw si Papa sa akin bago humingi ng dispensa.
"Should I call for the doctor? May kailangan ka ba?" anas ni Papa. Ngumiti lamang ako bago umiling.
"Wala Pa. Thank you." I answered. His smile made me smile wider. Tumabi sila sa akin ni Mama bago tumuloy ang mga pulis sa aking kwarto. I stiffened but then Mama held my hand tighter.
"Se, sila ang mga pulis na nakakita sayo sa kakahuyan. They are the ones who saved you." Paliwanag ni Papa. Nilingon ko ang dalawang medyo may edad ng mga pulis bago tumango.
"Pwede ka bang makausap?" mahinahong tanong noong isa.
"Yes."
Tumayo si Papa bago hinalikan ang aking buhok. "Ikukuha ko kayo ng kape. Yang ko, samahan mo muna ako." utos ni Papa. Nilingon ako ni Mama para hintayin ang aking pagpayag. Ngumiti lamang ako at bumitaw siya para sumunod kay Papa.
Noong makaalis na ang mga magulang ko ay sinara nila ang pintuan ng aking kwarto.
"Salamat sa pagliligtas sa akin." anas ko. Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Akma sanang magsasalita iyong isa noong natigilan sila sa panibagong katok sa aking pintuan.
BINABASA MO ANG
First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralWe understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, until we are consumed by the lies and the pretendings. But I guess it can't be helped. No one will love you unless you wear a mask on. No one...