34
MARAMING SALAMAT SA SUPORTA.
----------------------------
Mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. I looked at him in pure disgust. Kahit na masakit ang aking katawan ay nagpumilit akong tumayo para lamang makalayo sa kanya.
"Serise.." halos nagmamakaawa niyang tawag sa akin. Hindi ko siya hianrap at dumiretsyo ako sa bintana. I need air. I need to breathe. Isang malaking kasinungalingan ito. I am not dumb. I won't believe it.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. Biglaan ko siyang hinarap at agad na tumama ang aking palad sa pisngi niya. Napabaling ang mukha niya sa kaliwa at namula agad ang tama ng kamay ko sa kanya.
I was breathing so hard and I can't control my temper. Hindi agad nakagalaw si Aidan-or is that even his name? Damn, but I don't know what to believe anymore.
"Ashton is dead." Deklara ko. Umiling si Aidan bago ako hinarap.
"I'm sorry Ma'am ko. Alam kong nasaktan ka noong inakala mong patay na ako."
"Patay na siya!" sigaw ko. Tinulak ko si Aidan pero hindi ito natinag. Pinagpapalo ko ang kanyang dibdib at hindi man lang niya ako pinigilan.
"He's dead. Namatay siya noong bumagsak ang eroplano niya. He's dead! Hindi na siya babalik! Wala na siya!"
"Ma'am.."
"Anong karapatan mong bumalik ha? Sinong nagsabi sayo na pwede ka bang bumalik? You lying jerk! How could you? How.." pumiyok ang boses ko at napahagulgol na ako. Aidan hissed and pulled me towards his chest. Iyak lang ako ng iyak habang niyayakap niya.
"Sorry Ma'am. Sorry hindi agad ako nakabalik sayo. Sorry kung nakalimutan kita. Serise, I'm sorry." Bulong niya. Hindi ako makapagsalita sa tuloy tuloy kong luha.
' How does a moment last forever?
How can a story never die?
It is love we must hold onto
Never easy, but we try
Sometimes our happiness is captured
Somehow, our time and place stand still
Love lives on inside our hearts and always will'
"Noong bumagsak ang eroplano, ako lang ang nakaligtas Ma'am. Phyton took me and tortured me endlessly. He made me believe that I was his son, that I am Aidan. Paulit ulit nila akong-" tumigil siyang bahagya at naramdaman ko ang panginginig niya.
"Sinaktan nila ako ng sobra sobra para magawa kong makalimutan na ako si Ashton. Iyong kwento ko tungkol sa amin ni Aidan, it was a lie that they made. Iyon ang pinaniwala nila sa akin. They changed my face, everything about me, just to become Aidan. Dinala nila ako sa China para maoperahan, I even went through a leg lengthening surgery. Kasabay noon ay pinagpatuloy nilang galawin ang isip ko para mabura si Ashton. They made me believe that I am Aidan but I'm not." He said in a rough voice. Bahagya niya akong hiniwalay sa kanya. He dried my tears before looking at me.
BINABASA MO ANG
First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)
Fiction généraleWe understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, until we are consumed by the lies and the pretendings. But I guess it can't be helped. No one will love you unless you wear a mask on. No one...