**Ang gaan ng aking pakiramdam para bang lumulutang ako sa kalangitan nang biglang nawala ang kadilimang matagal ding bumalot sakin. Isang bagay na matagal ko ng inaasam. Ngunit nagambala ang aking pagtulog ng isang tinig.
"Imulat mo ang iyong mga mata."
At siyang ginawa ko naman.
Wala akong makita kundi kadiliman pero wala akong nadaramang takot.
Ilang saglit lang kadiliman ay pinalitan ng liwanag. Ang paligid ay naging kalangitan pero di ko tanaw ang kahit anong lupain.
Isang alala ang dumaan saking isipan ang panahong akoy nabundol ng sasakyan at siyang naging dahilan ng aking pagka-ospital.
Bago pa ako tuluyang masiraan ng ulo dahil sa paulit-ulit na mga imahe sa utak ko.
Isang tinig muli ang narinig ko.
"Ito ang lugar na kung saan ako'y naninirahan. Kaya huwag kang matakot."
Kaniyang tirahan? Hindi ko maisiip kung anong kasarian ang nagsasalita. Malumanay ito at masarap pakingan.
"Ito na ang tamang oras kaya gumising kana. Marami nang naghihintay sa'yo."
Hindi ko alam kung sino siya pero sa puntong iyon nakadama ako ng kapayapaan at unti-unting nilamon ako ng liwanag.
Naramdaman ko na lang ang lambot ng kama saking likuran. Isang panaginip? pero parang totoo..
Nakita ang orasan sa ding-ding.
Alas dose na pero di ko alam kong umaga o gabi na dahil nakasara ang bintana.
Pilit kong inaalala ang nilalang sa aking panaginip pero bigo ako at tanging ang huli niyang sinabi ang nanatili saking isipan.
0Marami nang naghihintay sa'yo."
Nagsimula akong makadama takot kaya agad kong kjnapa ang akong dibdib. Dama ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Isa lang ang sigurado ako may mangyayaring hindi maganda.
Pumasok sa silid ang aking Lola.
"L-lola..."
Hindi halos makapagsalita si Lola dahil sa kaniyang pagluha pero napalitan naman yun ng mga ngiti sa kaniyang mga labi.
"Gising kana apo.Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." sabi niya na may ngiti sa labi.
Gaano na ba ako katagal dito sa ospital?
"Aalis muna ako at tatawagin ang doktor"
May kakaiba sa ngiti ni lola pero hindi ko malaman kong ano ito.. Nabing ang aking atensyon sa litratong nakalagay sa tabo ng kama.
Ang natatanging litrato ni Mama. bumalik ang lungkot sa puso ko.
Mayroon pa bang silbi ang buhay ko!?
Habang nakatingin ako sa ceiling ng kwarto ay nakaramdam ako ng paglamig ng hangin at kakaibang kaba sa'king dibdib. Ito ang nararamdaman ko sa tuwing may entity sa paligid.
Nabuhay ang aking mga pandama naging alisto ang aking mga mata,kailangan kong kumalma.At hindi nga 'ko nagkamali nandito nga sila.
Wag mong pansinin
Wag mong isipin
Wag mong damhin
Paulit-ulit kong sinasambit ang mga katagang iyan na para bang isang dasal.Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.Napatigil ako sa paghinga dahil isang matipunong lalaki na ang kaniyang mga tenga ay mga maliit na pakpak.
BINABASA MO ANG
Death Wished
FantasyIsang misteryo sa nakakarami ang dahilan ng hindi pagkagising ni Hazel. Akala ng iba ay binabangongot na ang dalaga pero hindi dahil maayos ang paghinga at ang kalusugan nito. Pero sa kabilia ng lahat ay hindi nawalan ng pag-asa ang Lola Laura n...