Kinakapa ko pa din ang nakaukit ng simbolo sa'king pulso. Nandun pa din ang hapdi ng pagkakalagay nito. Ang daming tanong ang naglalaro saking kaisipan pero isa lang ang sigurado ko maibibigay ni Thanatos ang mga sagot na'yun.
Hindi na 'ko masyadong nagtatanong sa kaniya dahil mukha siyang papatay sa ilang sandali. "Tapos kana ba sa mga pinaggagawa mo? Ayaw ko sa lahat ay sinasayang ang oras ko."
Napataas na lang ako ng kilay. Napaka-mainipin naman niya e wala pa kaming limang minuto ng marating kami dito sa bahay may kailangan lang akong kuhain. Inalabas ko mula sa aking drawer ang kwintas na iniwan ni mama sakin nakalimutan kong suotin ito.Isang mapait na ngiti ang aking ginawa.
Akmang susuotin ko ito ay nagawa ang aking mga mata kay Thanatos kita sa mga nito ang "Saan mo nakuha ang bagay na iyan?" bakas ang pagkaguklat sa boses nito pero nandun pa din ang nakakatakot nitong aura.
Nagkipit balikat ako. " Sabi ng lola ay bigay lang ni Mama iyan sakin."
Isang ngisi ang pumorma sa kaniyang mga labi."Isang simbolo ni Haring Solomon."
Nagtataka akong nakatingin sa kaniya, "Solomon?Sino siya?"
Pero sa gilid ng aking isipan ay nadinig ko na ang pangalan niya sa kung saan.
"Isang makapangyarihang bathala ,Hazel. At sa kaniya din ang simbolo na hawak mo na kayang tumupad ng mga pangarap."
"Ah.."
Tumutupad ng mga pangarap? Habang tumatagal ay mas napapatunayan kong totoo nga ang sabi ni lola.
"Espesyal kang tao ,Hazel. May angkin kang mga kakayahan na higit sa normal na tao."
Hindi ko maisip kong anong mga kakayahan ang sinasabi ni lola dahil bukod sa nakakakita ako ng multo at nagagawang nakakausap at nahahawakan sila ay wala na.
Isang malayong alala ang nagpakita saking mga mata pero gaya ng mga dati kong mga panaginip ay malabo ito at walang solidong takbo.
Pulang buwan, isang babae at may hawak itong sangol.
Napahawak na lang ako sa lamesa anong ibig sabihin n'on?Pagkamulat ko ay hindi ko makita si Thanatos marahil ay naglaho ito sa kung saan malamang ay naiinip ng tuluyan. Isang malaking bahala ang baon ko sa kung saan man niya ako dadalhin.
Kung sino man ang babaeng yun ay may nakakatakot itong presensya hindi maalis saking dibdib.
Sumagi saking isipan ang pagkamatay ni ina.
Ano ang dahilan ni Ina bakit niya ginawang kitlin ang sarili niyang buhay?
Dahil ba sa ayaw niya ako? Bakit niya yun ginawa? Ginulat ako ni Thanatos dahil bigla na lang 'tong tumagos sa pader ng bahay. Buti na lang ay nakapit padin ako sa lamesa dahil doon ay hindi ako nabuwal.
"May mga bagay na masgugutuhin mo pang wag na masagot at maging habang buhay na mangmang patungkol doon."
Napabuntong hininga para maalis ang inis na kanina pa namumuo saking dibdib.Ignorance is a bliss indeed..
"Huwag mong sabihin ay kayang mong mangbasa ng isip ng iba" Tinitigan ko siya ng masama.
"Kasama to saking kapangyarihan kaya masanay kana."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasabi ko sa kaniya. "At sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot na basahin ang isipan ko?"
"Ako bakit? Aangal ka?"
Napalunok ako. Kalma ka Hazel si kamatayan ang kausap mo at gusto mo pang mabuhay.Sabi ko nga tatahimik na lang ako at baka may iba pa akong masabi.
BINABASA MO ANG
Death Wished
FantasyIsang misteryo sa nakakarami ang dahilan ng hindi pagkagising ni Hazel. Akala ng iba ay binabangongot na ang dalaga pero hindi dahil maayos ang paghinga at ang kalusugan nito. Pero sa kabilia ng lahat ay hindi nawalan ng pag-asa ang Lola Laura n...