Chapter 6: Demons

18 2 0
                                    

Chapter 6

**

              Ilang araw ba ang sinasabi nilang pagsalo-salo? Pakiramdam ko ilang araw na kami nandito. Sa gitna ng kagubatan ay may isang bahay na akala mo ay normal lang sa labas pero may nararamdaman akong at hindi ito basta-basta. Pinagbuksan kami ng goblin. Saan kaya siya nagsusuot? Bigla na lang siyang lumitaw bigla.Pagkapasok namin ay lumawak ang loob ng bahay at naging mala-palasyo ang loob nito.

May makikilala kaya akong bagong kapatid ni Thanatos.Kailangan ko na lang talaga ang masanay/ Nang biglang naramdaman kong naglaho si Thanatos pero dama ko pa din ang kaniyang presensya. Nasa paligid lang siya bakit ba pakiramdam ko na di ko kaya na wala siya sa tabi ko.

Napahawak ako sa'king dibdib. Ito siguro ang epekto ng bond namin. Tumigil kami sa isang pintuan at agad namang binuksan iyon ng goblin. Mukhang dito ang magiging kwarto ko pansamantala Sapat lang ang lawak nito pero gaya ng sa bulwagan ay magagara ang mga kagamitan.

Hindi umimik ang goblin at agad din naman siyang umalis. Sa wakas makakapagpahinga na ako. Hindi ko na inaasahan sa buhay ko na matutulog ako sa isang napakagarang bahay pero ito ako nakahiga sa napakalaking kama. Hindi ko na tanong man lang kung ilan talaga silang magkakapatid ni Thanatos.

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako, Inimulat ko ang aking mga mata nakita ko si Thanatos nakatitig lang siya sakin na parang kanina pa niya ako pinagmamasdan. "Kanina ka pala diyan di mo man lang ako ginising."

Nang biglang nawala siya at dumilim ang paligid. Nabalot ako kaagad ng takot. "Thanatos,hindi nakakatawa." Halata ang pagnginig sa boses ko.

"Gising kana pala." Isang malakas na boses na nangagagaling sa kung saan.

Nakita ko ang isang kakaibang usok. Na wangis na tao pero hindi gaya ng kay thanatos ay dama ko na puno ito ng poot at galit.

"Maligayang pagdating aking anak."sa pagkasabi ng nilalang na iyon ay unti-unti akong nahihirapang huminga nagpupumiglas ako pero walang silbi.

"Kumalma ka hayaang mong pumasok ang enerhiya sa katawan mo at unti-unti kang huminga,"

At siyang ginawa ko naman ,bigla na lang akong nagising.May luha sa'king pisngi at patuloy pa din ito sa pag-agos. Naaninag ko kaagad ang mukha ni Thanatos na nakhawak saking dalawa kong kamay at nakahalik siya sa'king noo. Ngayon lang ako tunay na kadama ng takot na di ko maipaliwanag at ang presensya ni Thanatos ang nagalis nito.

"Sino ang nakita mo?"

"S-si Hades." Ang tangi kong nasabi.

Inialis na niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Nagwawawala ba ako kanina. Iniisip ko palang ay nanlalamig na'ko. Sa sitwasyon na to bakit ko nagawang isipin ang ginawa niyang paghalik sa noo ko. Napatingin ako sa ibang direksyon.

"Mukhang kailangan na nating tumungo sa kaniya."

May mga bagay pa sana akong gusting tanungin sa kaniya. Pero bakit ganun di ko magawang ibuka ang mga bibig ko.

"Nakakita ako ng isang puwang sa kanilang depensa kaya halika na." Hinawakan niya ang aking balikat. Tumingin siya sakin. "Huwag mong sabihin ngayon kapa aatras?Patuloy kang tatakbo?" Tinamaan ako sa mga sinabi niya.

"Hindi ako aatras , Thanatos." Matigas kong sabi. 

Walang anu-ano ay bigla na lang kaming naglaho, Pagkamulat ng mata ko ay nasa gitna kami ng isang kastilyo.Hawak ni Thanatos ang braso ko. Wala akong maramdaman. Bigla na lang ng nagblanko ang paningin ko.

"Patawad."

Isang salita ng narinig ko. Bakit sumakit ang puso ko. Bakit? Tulala akong nagising Namalayan ko na lang nakagapos na ang aking mga kamay at nakakulong sa isang selda. Anong pinaplano mo? Masama ka ba talagang nilalang,Thanatos?

Biglang umilaw ang suot kong simbolo ni Solomon, "Makakaalis ka dito isipin mo lang ng maigi." Hindi ko alam saan galing ang boses na 'yun pero walang anu-ano ay sinunod ko siya wala din namang mawawala. Gamit ang natitira kong lakas ay bininuhos ko ang konsentrasyon sa suot kong kwintas.

Pero sa  unang subok ay walang nangyari. Pakiramdam ko may nakamasid sa'kin. Kailangan ko ng makawala dito. Habang naghahabol ako ng hininga ay marinig akong may paparating. Isang itim na uwak ang pumasok sa aking selda. Dumapo siya sa ling harap. Kita ko ang pula nitong mga mata. 

Bumuka ang bibig ng ibon at nagsalita. " Naramdaman ko ang iyong pagdating, Narito lang ako para sabihan ka nalalapit mong katapusan pero mukhang isa kang kakaibang nilalang, " Hindi ko alam pero tela ba kita kong ngumiti ang ibon sakin,Bumilis din ang tibok ng puso ko. 

"A-anong pinagsasabi mo?"

"Susubaybayan na lang kita, Nakakatuwa kang panoorin." sabi nito at lumipad na ito paalis ng selda.  Habang nakayuko at tagaktak na ang pawis ko sinubukan ko ulit na ituon ang isipan sa kwintas ko ng marinig kong tila ba may nagbubukas ng selda ko,

"Anong mayroon sa'yo at tila napaka halaga mo kay Hades?"

Hindi ako sumagot tila ba umurong ang dila ko sa mga oras na 'yon. Sa isang iglap ay naalis na ang pagkakatali sa'kin May bumulong sakin "Enyo ang pangalan niya ang reyna ng gyera."

Enyo...

Tinulungan niya akong tumayo. "Halika kana at hinahanap kana niya. "

Death WishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon