Chapter 5

28 2 0
                                    



**

Itong sensasyon na namang muli. Pakiramdam ko parang binibiyak ang ulo para tuloy akong sumakay sa roller coaster.May biglang sumulpot saking harapan sa gulat ko muntik na akong masuka.

Narinig kong bumulong sa tenga ko si Thanatos.

"Goblin ang tawag sa kanila at huwag kang gagawa ng kahit anong ikaga-galit ko. "

Napatigil tuloy ako sa paglalakad at napabuntong hininga na lang. Napayakap ako sarili dahil naramdaman kong may tila nakamatyag sa paligid na nagdala ng kakaibang lamig.

Nakita kong bumulong ang Goblin kay Thanatos.Sa wakas ay nakita ko ng maayos ang itsura nito maliit at matulis ang mga tenga ,malalaki din ang kaniyang mata at mahaba ang dalawang pangil nito.

"Ano ang kailangan niya?" takang tanong ko sa kaniya,

"Siya ang maghahatid satin sa isa kong kapatid do'n muna tayo pansamantala" sabi ni Thanatos.

Sigurado ba siya? baka mamaya ay mapahamak kami.

"Hindi, dahil di nila ako kayang saktan. "

Oh... oo nga pala nawala sa isip ko.

Naunang naglakad ang Goblin at inilawan nito ang daan gamit ang maliit nitong lampara.Ngayon ko lang napansin na dalawa ang buwan sa lugar na ito tila tuloy nasa ibang planeta ako. Nang makaramdam ako ng hindi tama. agad kong hinablot ang braso ni Thanatos.

"Wag ka munang gumalaw." bulong ko sa kaniya. Ang goblin ay natakot din kaya agad itong nagtago sa kung saan.Syet anong halimaw na naman ba ang haharapin namin.

Walang ekspresyon niya 'kong tinititigan at ilang saglit lang ay bigla na lamang niya akong kinarga at tumalon ng mataas ngayon ay nasa himpapawid na kami. Napayakap ako sa kaniya halos manginig ang katawan ko. Hindi siya umimik pero bumulong ito.

"Kumapit ka lang... "

At siyang ginawa ko naman. Ayaw ko lang talaga sa matataas na lugar.

"Paano ka naka-pasok dito?" sa Isang malalim na boses ang ito nangaling.

"Alam mong hindi ka imbitado sa piging na'to. Pinatuloy ka ni Nemesis?" Naging malamig naman ang boses nito. Nang makasigurado na hindi kami sasaktan ay uti-unting kong naramdaman na kamiy pa baba na sa lupa.

Ngayon ko lang na-realize na nakayakap pa din ako sa kaniya. Ngumiti ang loko. Pasalamat siya kahit na isa siyang God of death ay may itsura siya. Umalis na ako sa pagkakarga ko sa kaniya,

"Wala 'kong pakialam sa gusto mong isipin narito ako dahil--"

Dahil kanina pa 'ko nagtitimpi sa paligoy-ligoy niya.

"Nais naming makita si Hades." diin kong sabi.

Agad na tumintingin ang lalaki sakin.

"Isang mortal anong dahilan bakit mo nais na makita si Hades? Sigurado ka ba sa gusto mong gawin?"

Tumango ako bilang sagot.

Isang kakaibang ngiti ang ipinakita niya. Nakakatakot ito ramdam ko ang aura niyang may naka-pailalim na hindi ko maipaliwanag.

"Dahil isa ka ng panauhin ay karapatan mo na ding malaman kung sino ako." Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya. Pero bago ko pa maabot ay uminit na ang marka sa aking braso.

"Aray!" napaatras ako at agad kong hinawakan ang marka sakng pulso.

Mukhang na-galit na si Thanatos nawala sa isip ko na dapat magingat ako.

Death WishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon