Chapter 2:

60 6 4
                                    



 Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Isang grim reaper ang nasa harapan ko ngayon.

"Kaya ka naparito ay para kay Lola?" maingat kong tanong sa kaniya.

Mahirap ng gumawa ako ng maaring ikagalit niya.

"Oo siya nga ang dahilan pero may iba pa 'kong pakay at sa tingin ko ay nabalaan kana ng aking kapatid patungkol sa nalalapit na piging"

Kapatid? Sila'y magkapatid ni Hypnos?Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam ako ng pag-bigat ng aking mga balikat at pag-init ng kapaligiran. Agad na pumasok sa isip ko si lola? Kinapa ko ang sahig at don ko natagpuan ang katawan ni lola. Malamig na ito at kahit halos sumabog na ang puso ko sa sakit ay pinilit kong wag umiyak.

"Mag-iingat ka may panganib na parating, Hazel."

Isang pamilyar iyon na tinig. Kung hindi ako nagkakamali ito ay nangangaling kay Hypnos marahil nandito din siya at nagmamatiyag. Hindi ko pa din maipaliwanag ang sarili ko at bakit ako nagtitiwala at nakikinig sa kaniya.

Hindi ko napansin na naglaho na ang tagapagsundo sa harapan ko. Isang kakaibang bagay ang aking nadama naging mas matalas ang aking pandama Natigilan ako sa pagiisip dahil nakarinig ako ng yabag ng mga paa sa pangalwang palapag ng bahay. Hindi iyon tao alam ko.

Napalunok na lang ako.Kailangan kong tatagan ang loob ko wala na'kong puwedeng asahan bukod sa sarili ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Sinubukan kong pumunta sa sala at tangkain na kuhain ang susi ng scooter ko.

Kaunting lakad na lang. Pero bago ko pa mang maabot ang drawer ay biglang lumakas ang hangin na animoy inihigop sa isang lugar ang hangin napakapit na lamang ako sa pader ng bahay.

Sa ilang saglit lang ay tumambad sakin ang isang nakakatakot na nilalang na mukhang aso ngunit naglalakihan ang mga pangil nito.

Syet!Ganito ang mga nilalang sa panaginip ko!

Napuno ng katahimikan ang lugar. Unti unting nilamon ang paligid ng kadiliman at doon ay may nagsalita.

"Nakalimutan kong hindi ka nga pala basta isang simpleng mortal. Hindi ko mapasok ang iyong utak, Ngunit kaya kong kontrolin ang iyong katawan."

Ha?Ano ang mga pinagsasabi niya? Nasa katawan ko siya? Paano at kelan?.

Pagkabangit niya nun ay kusang gumalaw ang katawan ko at hindi ko magawang ibuka ang aking bibig.Para akong isang puppet sa mga oras na iyon.

"Kelan ka pa pumasok sa katawan ko? Kung ano man ang balak mo 'wag mo akong patayin."

"Huwag ka mag-alala wala akong balak na hayaan kang mamatay"

Sa halos buong buhay ko ngayon lang ako naging desididong mabuhay. Marahil maraming tanong ang gusto ko pang masagot. Gumalaw ang aking katawan na higit sa normal na tao at sinugod ang halimaw. Gamit ang kanang kamay ko ay madiin na sinakal ang leeg nito.

Isang kakaibang puwersa ang nangagaling sa katawan ko. Pagkasakal ko dito ay unti-unting humigpit ang aking pagkakahawak sa leeg nito na parang pinipiga lang .

"Argh!P-Paano? Isa ka lamang mortal!!" sabi ng halimaw na nahihirapan na ngayon huminga.

"Isa kang hangal na gargoyle.Sino ang nagutos sa'yo dito?" saad ng tagapagsundo.

Gargoyle? Yun pala ang tawag sa halimaw na nasa harapan ko.

"E-rebos..." Hindi siya nagsalita pero parang galing to sa kaniyang isip. Sandali lang. Kaya kong basahin ang kaniyang isipan?

Death WishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon