The walls of intramuros
**
Ang sabi ni Thanatos ay may malapit sa bahay namin ang tinatawag niyang Ley lines ang lugar na iyon daw ang magigigng lagusan namin patungo sa piging.
Habang nakasakay ako sa jeep na papunta sa Luneta ay napag-alaman ko na ang sinasabing piging ni Hypnos ay ang isang salu-salo ng mga nilalang sa impyerno pero bukod doon ay wala na. Hindi naman naging mahirap ang pagpunta
Naisip ko din na isa akong alipin ni Thanatos. Kahit na ayaw ko kailangan kong makisama sa kaniya dahil siya ang lifeline ko ngayon at wala ng iba. Hindi ko pa din maintindihan kung ano ang tunay na kailangan niya sakin dahil isa lang akong hamak na mortal
Naka-baba na ako ng jeep nang magwangis tao si Thanatos. Mukhang hindi niya kayang magtagal sa pormang itim na usok.
"Sigurado ka bang kakayanin mo din maging tao ng matagal?"sabi ko.Tumingin siya sakin para bang sabihing tumahimik ako. Sige na nga at hindi na 'ko magtatanong.
Inilabas ko ang cellphone ko at sinumulang itipa ang Thanatos sa searched bar. Madaming lumabas na items pero ang unang lumabas.,
The Greek poet Hesiod established in his Theogony that Thánatos is a son of Nyx (Night) and Erebos (Darkness) and twin of Hypnos (Sleep).[5]( ( wikipedia)
Erebos? Parang nabangit niya ito. Siya pala ang kaniyang ama at si Hypnos ay kaniyang kakambal. Kaya pala sila'y may pagkaka-hawig.
Tumigil ako sa paglalakad dahil naghahanap pa ako ng ibang mababasa patungkol sa kaniya.
Narinig kong pumalatak siya.
"Tuluyang nilamon na talaga ang mga mortal na gaya mo sa teknolohiya at hinahayaang kontrolin ang buhay niyo."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Pero sa kabilang banda ay totoo ang kaniyang sinasabi.
Kaunting lumapit siya sakin. Inilapit niya ang kaniyang mukha saking tenga.. Dama ko ang paghinga nito."Hindi lahat ng mga nakasulat sa mga libro niyo na patungkol sakin ay totoo."
Kinabahan ako sa ginawa niya at tinignan na lang siya ng masama pero wala siyang naging reaksyon. Napagod na ang mga binti ko kaya tinanong ko na siya. Kanina pa kami dito nagpapaikot-ikot sa isang landmark ng maynila ang Luneta. Pero ang totoong pakay namin dito ay ang The walls of intramuros.
"Paano tayo makakapasok dito?" Habang aking hinahaplos ang mga bato sa pader.
Imbes na sagutin niya ang aking tanong ay itinapat niya ang kaniyang palad sa tapat ng arko ng pader.Nagliwanag ang kaniyang palad at nagdulot ng tila tubig na salamin na nasa harapan ko ngayon kita ko ang repleksyon ko maging si Thanatos.
BINABASA MO ANG
Death Wished
FantasyIsang misteryo sa nakakarami ang dahilan ng hindi pagkagising ni Hazel. Akala ng iba ay binabangongot na ang dalaga pero hindi dahil maayos ang paghinga at ang kalusugan nito. Pero sa kabilia ng lahat ay hindi nawalan ng pag-asa ang Lola Laura n...