Nagiba ang ihip ng hangin ang kaninang katam-taman ay ngayong parang pumasok kami sa isang malaking freezer.Nang biglang uminit ang nakaukit sa pulso ko at kaagad akong hinila ni Enyo sa tapat ng isang trono.
"Nandito na sa siya Hades." magalang na pagkasabi ni Enyo. Makikita ko na din ang itsura niya. Hindi ko napansin wala na si Enyo at tanging ako na lang naiwan sa harap ng trono. Sa isang kisapmata ay biglang may isang nilalang na ang nasa harap ko at pigil hininga ko lang siyang tinitigan.
" S-sino ka" nauutal kong sabi.
Ngumiti lang ito sa'kin at sabay sabi "Ako ang iyong ama." Nanigas ang buo kong katawan "Tama ang nasa iyong isip ako nga ito aking anak."
Nilaksan ko na lang ang loob ko. "K-kung ganun po puwede po bang malaman kung nasaan si mama."
Isang nakakatakot na tawa ang narinig ko mula sa kaniya. "Patawad pero hindi ko siya maaring ipakita sa'yo" Nanlaki ang mga mata ko at tuluyang bumilis ng todo ang pagtibok ng puso ko.
"Pero... bakit?! "
"Huminahon ka aking anak. Parehas kayo ng iyo ng ina napaka-tapang. " Hindi ko alam kung namanalikmata ako pero parang may lungkot sa tono ng kaniyang pananalita.
"Gusto ko lang siya makita kahit sulyap lang ayos lang po yun. " pinipigilan kong wag humikbi at tuluyang umiyak dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.
"Iyon lang ba ang iyong nais kaya pumunta ka sa lugar na ito."
"Oo ,iyon lang." Dahil yun naman talaga ang dahilan.
" Sige pagbibigyan kita. Sa isang kundisyon ay mananatili kana dito sa mundong ito."
Hindi maari pero isana ito sa kinakakatakutan ko ang hindi na maklabas sa mundong ito nakaramdam ako ng pagikot ng paningin at kinapos ako ng hininga kaya tuluyan akong napahiga sa sahig.
"Patawad, Hades pero binabawi ko na ang pinagkasunduan natin. "
Isang pamilyar na boses.
"At bakit? Anak ko siya at akin siya." Halatang naiinis na sabi ni Hades
" Mas nauna ako at sa tingin ko ay alam mong hindi mo siya pag-aari." may atoridad sa tono ng boses nito.
" Akin siya Thanatos dahil ako ang kaniyang ama..."
May mga sinabi pa siya pero di ko na maintindihan. Pero nandito na si
Thanatos?? Di pala niya ako tuluyang iniwan. May kung anong ginhawang naging dulot sa puso ko.
"Gising kana pala."
Nakaakay pala ako sa likod niya. Nagulat ako kaya kamuntikan na akong malaglag. "Huwag kang malikot kundi ilalag kita,"
Sa dami ng tanong sa isipan ko iisang salita lang ang lumabas sa bibig ko.
"S-salamat."
Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Death Wished
FantasyIsang misteryo sa nakakarami ang dahilan ng hindi pagkagising ni Hazel. Akala ng iba ay binabangongot na ang dalaga pero hindi dahil maayos ang paghinga at ang kalusugan nito. Pero sa kabilia ng lahat ay hindi nawalan ng pag-asa ang Lola Laura n...