VID#1: Start

18 1 0
                                    

Jamie's POV.

Ngayong araw, may pasok ako sa kompanya ni Mr. Montana.

Magmula noong mawala si mama. Ako narin ang nagtaguyod sakanila dahil sa sakit ni papa.

"Ms. Verde, pinapatawag ka ni Mr. Montana." Sabi ng sekretarya nito. Mukhang alam ko na kung bakit.

...

Kakapasok ko pa lang sa opisina ramdam ko na ang bigat sa loob.

"Ms. Verde, please take your seat." He ordered.

"Lets get to the point here, Ms. Verde. Alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito diba?" Tanong nito sakin.

Tumango lang ako bilang sagot. "Ms. Verde, alam mo naman siguro ang parusa sa pag-a-AWOL sa trabaho. At Hindi lang ilang araw kung Hindi dalawang linggo." Turan nito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tanggal ka na, Ms. Verde. Wag kang mag-alala ibibigay ko sayo ang last pay mo. Pwede ka ng umalis." Sabi nito.

Wala na akong nagawa kundi lumabas. Ano pa bang gagawin ko sa loob? Wala naman na akong trabaho.

"Kamusta Jamie?" Bungad sakin ni Craig. Kasamahan ko.

"Tanggal na ako. Kaya..." nagkibit-balikat lang ako. Ano pa bang gagawin ko dito?

Naglakad ako pabalik sa cubicle ko para maayos ang mga gamit ko. Aalis narin naman ako mas mabuti pang ayusin ko na ang mga gamit ko, diba?

...

"So paano ba yan? Alis na ako." Paalam ko sakanila. Ngayong araw na ang alis ko.

"Wag kang mag-alala. Kapag may nakita akong job offer. Sabihin ko agad sayo." Sabi ni Gracie.

"Salamat." Nasabi ko nalang tsaka ngumiti sakanila ni Craig.

Silang dalawa ang naging mga kaibigan ko dito sa trabaho.

"Sige na. Bye!" Paalam ko bago umalis.

Mamimiss ko ang lugar na'to.

...

Ilang araw na akong naghahanap ng trabaho pero wala akong makita. Kahit nga pagiging janitor pinatulan ko na.

"Sorry, Ms. Hindi ka kasi qualified eh. Masyadong mataas ang standards mo para sa ganitong trabaho."

"Sorry, Ms. Wala kaming opening ngayon."

Laging ganyan ang sinasabi nila sakin. Paulit-ulit na lang.

"Paano ako makakahanap ng trabaho?" Bulong ko.

Aish! Jamie! Kaya mo to!

"Kuya, sa ***** po." Sabi ko sa driver ng taxi.

...

Habang nasa biyahe nakaramdam ako ng hindi maganda. Na para bang may masamang mangyayari.

"Kuya, napalayo na po ata tayo?" Tawag ko dito kinakabahan na ako dahil liblib na ang lugar na tinatahak namin.

"Tama lang to, miss." Sabi nito tsaka sumilip sa rear view mirror.

Natatakot na ako. Alam kong may Mali!

"Kuya, ibaba niyo na lang po ako!" Nanghihina kong pakiusap.

"Delikado dito." Sabi lang nito at tumingin sakin.

Nagsuot ito ng face mask at nakaramdam ako ng hilo.

...

Napamulat ako dahil sa pagdampi ng mga kamay sa aking katawan. Nakita ko naman ang driver ng taxi kanina.

Pagsasamantalahan ba niya ako? Yan agad ang pumasok sa isip ko.

"W-wag po... maawa po kayo..." mahinang pakiusap ko. Palagay ko nilagyan niya ng pampatulog yung taxi kanina kaya ako nawalan ng malay.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Shit! Ano ba?! Jamie! Kumilos ka!

"Pasensiya na, miss hah?! Ang sexy-sexy mo kasi!" Anito na para bang baliw. Kumalabog ng husto ang puso ko. Yung tipong mamamatay ako sa lakas at bilis ng kabog nito.

Hinawakan niya ang mga hita ko at kahit gusto kong magpumiglas hindi ko magawa.

Hinawakan niya ang blouse ko at tinanggal ang mga butones nito, ngunit hindi nakakakalahati ay tumilapon na ito palayo.

Nakakita ako ng isang bulto ng tao. Hindi ko man makita ay alam kong siya ang tumulong sakin.

........

A/n: So? What's up? Please support me on this. Its my first time writing, supernatural beings. Well, if they do exist I might be the first one to scream---- not in horror but---- amazement.

See you next chap!

1 vote. 1 comment. 1 update.

Vampires In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon