Prolouge

33 1 0
                                    

This is my first vampire story. Kaya po pagpasensyahan na lang natin ang grammars, spellings, etc.

Enjoy reading...

~~~~~¥~~~~~

Kasalukuyan akong tumatakbo palayo sakanya. Akala ko mabuti siyang tao pero nagkamali ako. Nandito siya ngayon at hinahabol ako habang ang kanyang mga mata na dati'y kulay asul, ngayo'y kulay pula na.

"Hilary..." wika nito. Kinilabutan ako dahil sa bulong niya.

Kahit na alam kong mahahabol at mahahabol niya ako nagpumilit parin akong lumayo.

"Wala ka ng tatakbuhan!" Sigaw nito na nagpatindig ng balahibo ko.

Habang hinahabol ako nito ay tumatawa ito ng malademonyo.

Natalisod ako sa isang bato kaya naman nadapa ako.

...

Habol hininga akong bumangon. Parang totoo ang lahat. Parang totoo na may mga ganoong nilalang. Magmula noong gabing muntikan na ako magahasa... lagi na lang ako binabangungot ng ganon. Hindi ko naman maintindihan.

"Ate? Bakit po?" Napatingin ako sa kapatid ko. Mas matanda ako sakanya ng 10 years.

"Wala, tulog ka na ulit." Sabi ko sakanya.

Nginitian lang niya ako.

...

See you next chapter...

Vampires In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon