Chapter 1 - Welcome to Sandford Academy

131 18 30
                                    


Denise's POV

Hay.. Yes, 4th year na ako. Exciting mag-aral! Maagahan nga ang gising.

Bumangon na ako ng higaan at niligpit ang pinaghigaan ko. By the way, I'm Denise Sandford. 14 years old, 4th year highschool na. Naexcel kasi ako kasi masyado daw akong matalino. Haha hindi sa pagmamayabang pero na-perfect ko yung mga exam ko, sabi nila matalino daw ako kaya i-4th year na daw ako. Tch tch, alam naman nila ang salitang 'aral', diba? Hay nako, palibhasa mga tamad.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan, bumaba na ako para mag-almusal. Ang nadatnan ko lang ay yung kapatid kong si kuya Skyle. Aaminin kong gwapo si kuya Skyle, pero bobo sya. Kasi naman, 19 years old na, 4th year pa din?! Hay nako, kaya minsan tinuturuan ko na eh. Kahit yung mga kadayaan eh, para lang makapasa sya. Kaya ayan, top 2 sa klase. Syempre top 1 ako. Iba talaga ang matalino.

"Oh, Den-den. Ang aga mong magising. Excited ka?" Bati nya sakin. Kumuha lang ako ng tinapay at pinalamanan ng nutella.

"Syempre. Alam mo namang pag-aaral ang buhay ko."sabi ko sabay kagat sa tinapay. Ang sarap talaga ng nutella. Kaya favorite ko to eh.

"Oy, advice lang. Think about your social life naman. Hindi lahat ng nangyayari, nadadaan sa aral."

"Salamag sa payo pero talagang wala akong pakialam sa iba maliban sa pag-aaral." Sabi ko at inubos na yung tinapay. Mayaman kami. Kami nga, may school ang papa ko, samin yun. Madami kaming business. Patunay na mayaman kami. Pero di ko yon ginagamit. Ang mga ibang tao dyan, magwawaldas lang ng pera para sa mga bagay na madali lang namang nawawala. Pero ako, libro lang, okay na. At tsaka, rubics. Hahaha yep, Rubic's player ako. Naalala ko tuloy kung saan ng nagsimula.

Flashback...

I was 3 years old back then. Simple lang. Nangiti, natawa at nagsasaya. Pero hindi ganun ang nangyari, hiniwalayan ni papa si mama dahil sa ibang lalaki ni mama. Iniwan ako ni mama at sumama sa ibang lalaki. Kaya ang nakikita sakin, kalungkutan. Kalungkutan dahil sa pagkawala ng isang magulang.

Habang mag-isa sa kwarto, bigla nalang pumasok si papa, may dalang kahon.Nilapitan nya ako at inibot sakin ang kahon.

"Pa, ano po ito?"

"Regalo ko yan para sayo."

"Bakit po?"

"Para hindi kana malungkot. Alam kong malungkot ka. Tsaka, wala kang kasama dito sa bahay, para malibang ka. Para maalala mo ako."

Inlove with a Rubic's PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon