Chapter 14 - Heartless Bastard

37 11 3
                                    

(A/N: sorry po sa title ng chapter 14, wala po akong maisip eh '^_^)

Jill's POV

Another dayyyyy. Hay, ang saya, may uniform na ako. Hmp, pero teka, pansin ko sa bahay, laging wala si aling Hany?

"Aling Hany!" Sigaw ko. Nakatapat kasi ako ngayon sa salamin, inaayos ang damit ko.

Pero, wala pa din.

Nang biglang pumasok si Aling Hany sa bahay na natataranta. Bigla nyang ni-lock ang pinto. Ano kayang problema?

"Aling Hany, ano p----" 

Tinakpan nalang ni Aling Hany yung bibig ko. Bakit naman nya ako pinipigilang magsalita.

"Shh..." sabi nya. Na para bang may nakikinig samin.

Hanggang sa may narinig ako sa labas.

"Wala pa bang nahahanap?"

"Hanapin nyo! Kailangan namin syang mahanap!"

"Pero, gubat na ito! Wala namang nakatirang tao dito!"

"Dun sa kabila! Bilis!"

Narinig ko ang hakbang nila na papaalis. Dun naman kumalma si Aling Hany.

What's happening nga?

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko. Napatingin sya sakin.

"K-kailangan na nating umalis dito." Nangangatal nyang sabi. Bakit? Masasamang loob ba yung mga tao kanina?

"B-bakit naman po biglaan?" Dun na ako nagsimulang kabahan. May banta ba sa buhay namin?

"T-tsaka ko nalang ipapaliwanag. Tara na! Bili! Dalhin mo, kaunting gamit lang. "

At yun nga, hindi na ako pumasok kasi because emergency ata to. (Hayyy, may quiz kami ngayon) Nung matapos ko na, dahan-dahang binuksan ni Aling Hany yung pinto at nagmasid masid.

Nung siguradong nang walang tao, nakita kong may kinuha syang papel at may isinulat. Address ata ng bahay na pupuntahan namin.

"Tara na, nak." Kakalabas lang namin, tahimik kaming lumakad pero natigilan kami nung biglang may narinig na putok ng baril.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Shit, ayoko pang mamatay. Sana maging ligtas kami ni Aling Hany.

"Sino kayo?!" Hindi kami lumingon dahil sa takot.

"SINO KAYO?!" Sumigaw na.

"Takbo." Bulong ni Aling Hany. Tumakbo naman kami at pumunta sa masukal na kagubatan. Nakarinig naman ako ng mga putok ng baril at sigawan.

Tumulo ang luha ko. Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Ayoko ng ganito.

Habang kami'y natakbo, nakakita ako ng isang tagong spot. Yung mataas ang damo kaya hindi kami kita.

Tumingin ako kay Aling Hany na napapapikit.

Bumibilis ang tibok puso ko. Kinakabahan ako. Ayokong maging mag-isa.

Nakita ko nalang na may dugong umaagos sa damit ni aling hany.

Nabaril sya.

"H-hindi. A-aling Hany, m-magpakatatag k-kayo." Nanginginig kong sabi.

Inlove with a Rubic's PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon