Chapter 1: My Life

788 15 0
                                    

Sabrina's POV

Magmu-movie marathon kami ngayon ng kapatid ko. 9:30 na ng magsimula kami. Enjoy na enjoy kami sa panonood habang kumakain ng popcorn at chips.

"Kuya, hindi ka ba natatakot?" tanong ko kay Kuya habang nanginginig sa takot.

Horror movies kasi ang pinapanood namin. Ako ang nag-suggest nun tapos ako ang matatakot. Mygad.

"Hindi" chill na sagot niya.

Nagpatuloy lang kami sa panonood ng may biglang nabagsak sa kusina.

BOOOOOGSHHHH!!!

Napahawak ako sa braso ni Kuya sa sobrang kaba, 'yung pinapanood kasi namin e nasa part na na magpapakita na 'yung multo.

"Kuya! Ayoko pang mamatay!" sigaw ko kay Kuya.

"O.A mo" sabi niya at tumayo.

Naiwan akong mag-isa sa sala kaya sumunod na ako sa kaniya. Papunta siya sa gawing kusina kaya kinakabahan na talaga ako.

"Sab, tingnan mo kung sino" sabi ni Kuya.

Sa sobrang curious ko e tinignan ko pa rin kahit na mamatay na ako sa takot.

"AHHHHHH!!!" tumakbo ako pabalik kay Kuya ng makita kung sino man 'yun.

Sobrang puti ng mukha niya at nakaputi pa siyang damit. Hi...Hindi kaya white lady siya? Hindi pwede.

"Para kang tanga Sab" tawa ng tawa si Kuya na akala mo e kakalabas lang ng mental.

Nakita ko 'yung white lady na lumalapit sa akin at tinatawag ang pangalan ko.

"Sab"

"Sab"

"Sab"

Paulit-ulit na tawag niya sa akin.

"Sab"

"Sab"

"PARANG AWA MO NA! AYOKO PANG MAMATAY! WAG MO MUNA AKONG PATAYIN! MASYADO PA AKONG BATA! MARAMI PA AKONG PANGARAP SA BUHAY! HINDI KO PA NAKIKITA 'YUNG FOREVER KO!" mangiyak-ngiyak kong sabi sa white lady.

"Anak, ako 'to" sabi nung white lady.

Tinitigan kong masyado 'yung mukha niya hanggang sa ma-realize ko na...

"Mama?"

"Oo, para kang tanga diyan Sab" tatawa-tawang sabi ni Mama.

"Bakit hindi niyo po sinabi agad? Ikaw naman kuya." sabay turo ko kay Kuya. "Hindi mo man lang sinabi na si Mama 'to!"

"Nakakatuwa ka kasing pag-tripan e. Hahahaha" mapang-inis na sabi ni Kuya.

"Manood na ulit kayo para matapos niyo na 'yan, alas 12:00 na o" sabi ni Mama at nagpaalam na.

Bumalik na kami si Kuya sa panonood. At natapos kami ng 4:30 am. Natulog na kami kasi late na.

***

Pagkagising na pagkagising ko e kinuha ko agad ang cellphone ko. Binuksan ko ang wattpad ko at binasa ko na 'yung isang story na hindi ko pa natatapos. 12:45 na ako nagising kasi puyat ako. Nagpatuloy ako sa pagbabasa nang may biglang pumukol ng unan sa akin.

"KUYA!!!" sigaw ko kay Kuya nang makita ko ang pagmumukha niya.

Kumuha na akong unan at akmang ibabato sa kaniya nang bigla siyang tumakbo. Hinabol ko siya ng hinabol sa buong bahay, hanggang sa maabutan ko siya. Hinampas ko siya ng hinampas ng unan.

"Aray Sab!" sigaw ni Kuya pero patuloy ko pa rin siyang pinapalo.

"Kayong dalawa, tama na 'yan. Kumain na kayo" sabi ni Mama.

My Ghost Boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now