Chapter 3: Alone

310 10 0
                                    

Nandito na ako sa nilipatan kong bahay. Ayos naman dito, hindi masyadong magulo. Kaso nga lang tahimik 'tong city na 'to. Meron naman akong mga kapitbahay kaso nga lang parang hindi uso sa kanila ang salitang 'maingay'.

"Alam mo ba napaka-tahimik pala dito 'no?"

"Oo nga e. Parang hindi tatagal 'yung bunganga mo dito"

"Ouch naman."

Para na akong tanga dito na kinakausap ang sarili ko. Wala kasi akong magawa. 6:13 pa lang kaya mamaya pa ako matutulog. Bigla ko na lang naalala na may assignment pala kami sa physics. Magawa muna nga.

***

7:50 na kaya kumain na ako. Nanonood ako ng T.V ng biglang nag-vibrate 'yung phone ko.

1 new message

Binuksan ko 'yung message at napagalaman ko na si Sanya pala 'yung nag-text.

Sabrina! Tapos mo na 'yung sa physics? Turuan mo naman ako. Pleaseeeeeeee

Si Sanya 'yung ka-group mate ko sa physics. Habang nagtuturo 'yung professor namin e nagse-cellphone siya. Tinanong ko siya kung sino 'yung ka-text niya, sabi niya 'yung Mommy daw nung boyfriend niya.

Sanya, tawag ka na lang para mapaliwanag ko sayo ng maayos. Mahirap kasi sa text e. Bye.

Maya-maya pa e tumawag na si Sanya. Pinaliwanag ko sa kaniya lahat lahat.

***

It's almost 9:00 na kaya kailangan ko ng matulog.

***

"Ma, bayad po" sabi ko ng magbabayad na ako sa sinakyan kong jeep.

Nakasilip lang ako sa butas na bintana ng matanaw ko na 'yung university.

"Ma, para po" sabi ko na naman at tumigil na ang jeep.

Naglalakad na ako papasok ng gate nang bigla akong nadapa.

"Aray!" sigaw ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa paligid para makita kung may nakakita ng katangahan ko.

At...

Kung sinuswerte ka nga naman, nakatingin lahat sila sa akin. Akward.

"Ayos ka lang Sabrina?" tanong ni Sanya.

Bigla akong tumayo mula sa pagkakadapa ko at pinagpag ang palda ko.

"Ayos lang" sabi ko at umalis na sa lugar na 'yun.

Nagpunta ako sa C.R at tinignan 'yung sugat sa tuhod ko.

"Ouch. Tanga ko kasi e" paninisi ko sa sarili ko.

Pinupunasan ko ng tissue 'yung dugo sa sugat ko ng biglang mag-bell. Kumaripas ako ng takbo papunta sa room. At kung hindi ka naman talaga minamalas. Nadapa na naman ako.

"Ouch!" napasigaw ako sa sobrang sakit kasi sa sugat ko pa talaga tumama 'yung sahig.

Tumayo na lang uli ako at tumakbo papunta sa room. Swerte ko dahil wala pa naman 'yung professor.

"Uy! May sugat ka" sabi ni Sanya sabay tinuro 'yung tuhod ko.

"Ah, okay lang 'yan" sabi ko at umupo na sa upuan ko.

Maya-maya pa e dumating na 'yung professor namin.

***

"Class Dismissed"

Nagmadali na akong umuwi dahil may individual project pa kami sa History.

***

Dumaan muna ako sa national bookstore  kasi may kailangan pa akong bilin.

Nang matapos ko na ang pagbili sa lahat ng kailangan ko e naakit ako ng isang libro. Hindi ko mapigilan kaya lumapit na ako dun. Binasa ko muna 'yung story description at nung nagandahan ako e binili ko na.

***

Done! Natapos na rin ang project ko after 1 hour. It's time to go to sleep na kasi it's too late na.

Goodnight.

***

Pagpasok ko sa room e sinalubong agad ako ng lahat ng kaklase ko.

"May project ka?"

"Natapos mo 'yung sa history?"

"Pakopya naman sa history"

"Yung sa history pahiram naman"

Sunod sunod 'yung tanong nila kaya hirap akong sumagot. Napansin ko lang si Sanya na parang may napakalaking problema.

"Oo" tipid na sagot ko sa mga kaklase ko at nagpunta na sa tabi ni Sanya.

"Problem?" tanong ko sa kaniya.

"Yung boyfriend ko"

Mukhang napakabigat ng problema nila ng boyfriend niya.

"What happened?"

"Pwede siyang mamatay" mngiyak-ngiyak na sabi ni Sanya.

Hinimas ko na lang siya sa likod niya at umupo na ako sa upuan ko. Talaga palang napakahirap magka-boyfriend.

***

Umuwi na ako sa bahay at hinanda ang lahat ng gagamitin ko bukas. Nanonood lang ako ng T.V kasi naka-charege 'yung phone ko. Trip ko sanang magluto ngayon kaso tinatamad ako. Wag na lang. Nakita ko 'yung libro na binili ko. Binasa ko lang iyon hanggang sa maka- chapter 49 na ako.

Bigla na lang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yun.

1 new message

Pagbukas ko ng phone e nakita ko agad 'yung pangalan ni Rein.

Hey girl! I just wanted to tell you na ang panget mo. Hahaha. Pinagkakaguluhan ka ng lahat ng boys e mas maganda naman ako sayo. Oh! You're Kuya nga pala, he's my boyfriend na. Trip ko lang magka-boyfriend kaya sinagot ko siya e. By the way. Goodbye Loser.

Napaka-arte talaga ng babaeng 'to. Dinadamay pa ang Kuya ko sa mga trip niya sa buhay. Pati ako dinadamay pa. Insecure siguro siya sa akin.

Rein, wala akong pake sa mga balak mo sa buhay kaya 'wag mo na akong idamay sa kaartehan mo.

Pagka-send ko sa kaniya e may nabagsak sa kwarto ko. Dahil sa sobrang curious ko e umakyat ako at tinignan kung ano 'yun.

Pagkabukas ko ng pinto.

"AHHHHHH!!!" bumaba agad ako ng makita ko ang nilalang na nasa kwarto ko.

My Ghost Boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now