Sabrina's POV
Thank god it's friday! Last day na ng pasukan this week. Saturday na tomorrow. Yessss!
Napansin ko lang na hindi namamansin si Blue. Siguro may naalala 'to. Pag-uwi ko na lang tatanungin.
***
Nandito na ako sa school at napansin ko lang na wala akong katabing Blue. Nakaka-curious naman 'yung problema nun. Haaay!
"Goodmorning Sabrina" bati sa akin ng classmate ko.
Nginitian ko lang siya at tumango. Maya-maya pa e dumating na 'yung prof namin.
***
"Class dismissed"
Makakauwi na rin sa wakas!
Sumakay na ako ng jeep, nagbayad, bumaba at pumasok sa bahay. Nakita ko na lang si Blue na nakatunganga kaya binati ko.
"Hi Blue!" ngiting sigaw ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin kaya nagtataka ako kung ano talaga 'yung problema niya. Tumalon ako paupo sa tabi niya, dahilan para masigawan niya ako.
"Ano ba Sabrina?!"
Nagulat ako sa sigaw niya kasi hindi namn 'to madalas sumigaw. Nakakapagtaka talaga.
"What's the problem?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay umalis siya at nagpunta sa kusina.
Blue's POV
Nakakainis. Nakakainis dahil hindi ko kayang pansinin si Sabrina. Hindi ko kaya pero dapat.
Nakita ko na lang siya sa harapan ko. Hindi ko parin siya pinapansin mula kanina pa.
"Huy! Anong problema?" pangungulit niya.
Hindi ko pwdeng sabihin sa kaniya dahil baka hindi niya pa ako pansinin.... Ay basta.
Umabot na ng gabi at kinukulit niya pa rin ako. Pero dahil siguro na pagod siya e tumigil na rin siya.
"Tulog na ako." paalam niya sa akin pero di ko siya pinansin.
***
Lumipas pa ang ilang mga araw pero hindi ko pa rin siya pinapansin. I can't take this no more. But I will bacause I love her.
***
Three months later.
Sabrina's POV
Hindi ko alam kung paano ako natitiis ni Blue. Ang hirap namn nito.
"Blue, please naman o. Sabihin mo na kung ano ba ang problema mo baka matulungan kita" pagmamakaawa ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako at iniiwas ang tingin niya. Ano bang problema niya?! Naiinis na ako! Araw araw na lang akong nangungulit pero wala namang effect! Ayoko na! Tama na!
Pumasok na lang ako sa school at pinasa ang project ko.
***
Last subject na namin pero wala pa ring prof. Nagsitahimikan na lang ang lahat ng dumating 'yung prof namin.
"Ms.Sabrina" tawag sa akin nung prof namin.
"Yes Ma'am?"
"Congratulations" sabi niya habang nakangiti.
Anong congratulations naman 'to?
"For what po?"
"Cause you're the school model"
YOU ARE READING
My Ghost Boyfriend (on-going)
Teen FictionNahulog ang loob mo sa isang multo. Isang multo na hindi permanente dahil hindi pa naman siya patay. Isang araw, nalaman mo na buhay pala siya. Kasama niya ang girlfriend niya na bestfriend mo pa. Alam nang bestfriend mo na naging kayo dati pero dah...