Chapter 2: School and Disaster

387 13 0
                                    

Sean's POV

5:00 am kami umalis ni Sabrina para pumasok sa school. Mukha siyang puyat na puyat dahil napakalusog ng eye bags niya.

"Sab, uso matulog. Sana triny mo" sabi ko sa kaniya habang nagda-drive.

"Pano ang aga mo akong ginising" paninisi niya sa akin.

Alas-tres pa lang kasi e ginising ko na siya. Mabagal kasing kumilos 'yang kapatid ko.
5:30 am kami nakarating sa school. Hinanap muna namin 'yung room niya at pagkatapos e 'yung akin. 1st year kasi siya at 2nd year naman ako.

Sabrina's POV

Pagkapasok ko ng room e naupo agad ako sa upuan at naglaro ng robbery bob. Busy ako sa paglalaro ng may kumalabit sa akin. Lumingon ako kung sino 'yun at nakita ang isang lalaki na nakangiti sa akin.

"O?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede manligaw?" tanong niya.

Ayan na naman tayo sa usapang ligawan. Sabi nang ayoko pa ng boyfriend e. Kulit naman.

"Ayaw ko ng boyfriend" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalaro.

Maya-maya pa e dumating na 'yung professor namin.

***

"You may now take your break" sabi nung professor at lumabas na.

Nakita ko namang nakadungaw si Kuya sa room namin. Nang makita siya ng mga classmates ko e pinagkaguluhan siya. Hindi mo mapagkakaila na gwapo siya kasi totoo naman.

"Sab!" sigaw niya sa akin.

"Ito na!" sigaw ko naman sa kaniya.

Nung papunta ako sa harapan e nagsi-tabihan 'yung mga classmates ko.

"Sayang may girlfriend na si pogi" sabi nung isa.

"Oo nga e" pagsang-ayon naman nung isa.

Natawa na lang ako sa kanila at napatingin kay Kuya, tumatawa rin si Kuya gaya ng ginagawa ko.

"Taken na 'yung babae" sabi naman nung isa kong kaklase.

"Sayang" pagsang-ayon naman nung isa.

Nakatitig lang sila sa amin ni Kuya nang bigla akong akbayan ng kapatid ko. Nanlumo ang mga mukha nila at akala mo ay nalugi.

"Kapatid ko" sabay turo sa akin ni Kuya.

"Kuya ko" turo ko naman kay Kuya.

Mukhang mga nanalo sa lotto 'yung mga mukha nila kaya umalis na lang kami ni Kuya para kumain.

"May nanliligaw ba sayo dun?" tanong ng kapatid ko habang kumakain.

"May nagpaalam sa akin mga 15 pero hindi ko pinayagan" sabi ko sa kaniya habang sumusubo.

"E di ba 30 lang kayo dun? Tapos 15 'yung babae?" tanong niya.

"Oo"

"Manang-mana ka talaga sa akin. Maraming nagpapantasya" tatawa-tawa niyang sabi.

Umarte ako na parang nasusuka para mainis siya.

"Kuya, bawal magsinungaling, nakakamatay" sabi ko sabay tawa.

Natawa na lang din siya at tawa lang kami ng tawa.

"Pumasok ka na sa room niyo" sabi sa akin ng mayabang kong kapatid. Hahaha.

"Okay." sabi ko at papunta na sana sa room.

Pero may nakalimutan akong sabihin kay Kuya kaya babalik na sana ako, kaso nga lang may nakita ako na hindi ko dapat makita.

My Ghost Boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now