The Half Chapter

5 0 0
                                    

The Half Chapter: He's Back!

Kate point of view

Dalawang linggo na ang lumipas.. di parin kami nagkikita ni luke .. alam kong sinabi ko yun pero hindi naman sa ganun na habang buhay na kaming di maguusap.. oh magkita man lang! Nasan na ba siya! Namimiss ko na siya eh! Papunta akong library ngayon walang kaming last subject kaya tatambay ako dito.. Gaya ng ginagawa ko lagi..

Sigh.

"Haayss.."

Sigh.

Ano bang nangyayare sakin? Kanina pa ako nagbubuntong hininga ah? Hindi tuloy ako makapagfocus sa binabasa kong libro! Pumikit ako saka iniisip yung taong nagpapasaya sakin.. Bigla akong napangiti. Iniisip ko pano kaya kong Andito si luke kasama ko ngayon? Ano kayang trip ng lalaking yun?

"Sira!"sabi ko sa sarili ko habang nakangiti. Gumagabi na pala tumayo ako at binalik ang libro saka lumabas.

Sigh.

Nanaman! Ano ba kate! Tigilan mo nga yan! Bat di mo puntahan boba!

"Tama.. pupuntahan ko nalang kaya siya?"Para akong sira na kinakausap ang sarili ko na asa naman ako rin naman ang sasagot. tanga!

Palakad ako papuntang parking lot ng makaramdaman akong may nakasunod sakin. Wala masayadong ilaw  rito kaya madilim. Natatakot man ako pero nilakasan ko ang loob ko para lingunin ang nasa likod ko. Pero paglingon ko bigla itong tumakbo. Hindi ko masyadong maaninag ang taong yun pero ang alam ko Nakauniform siya. Psh! Baka isa lang yun sa mga studyante dito na walang magawa tsk..! Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makarating ako sa kotse ko. Wala yung driver namin Halata naman siguro? Kaya ako lang mag isang uuwi psh! Di ako sanay na wala yung driver Oo.. aaminin ko nakakamiss yung na pakaconcern naming driver tsk!

"Hayss.."pumasok na ako sa kotse saka pinaandar ito.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin  hindi kalayuan sa gate. I see from the corner of my eyes na may nakatingin sa akin. Nakakatakot pero di ko alam bat ako lumingon. Nakita ko ang isang lalaki na lumalakad palayo habang nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa.

"Siya ba yung nakita ko kanina?"tanong ko sa sarili ko. Hindi parin maalis yung tingin ko sa lalaking papalayo ng papalayo. 

"Kate!!"Nagising ako sa sigaw ng kapatid ko.

"Papasok kaba oh Papasok ?"pataray niyang sabi. I rolled my eyes saka pumasok.

"Bat ngayon ka lang?"bungad ni mommy.

"Lumandi."

"Patawa ka rin ate noh?"sabi ng kapatid kong chismosa..

"Baka Masobrahan na yang utak mo sa library anak ah?"patawang sabi ni mommy. Psh! Alam naman pala nila kung bakit eh.. bat pa sila tanong ng tanong? Hayyss... Minsan talaga di ko maintindihan tong pamilyang to.. aalis na sana ako ng..

"Bat nakasimangot ka ulit?"sabi ni daddy. Huh? Tinatanong pa ba yun? Pati yun? Tinatanong? Hindi ko talaga sila magets!

"Wala po." Matipid kong sabi saka umakyat papuntang kwarto baka kasi hahaba pa ang usapan ayaw ko ng ganun nababagot ako nun eh!

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko isang madilim na silid ang bumungad. Binuksan ko ang ilaw saka nakita ang napakakalat kong kwarto. Psh! Asa akong may magliligpit nito.. Humiga agad ako sa kama ko at napafacepalm.

"Ugh!!"maraming tumatakbo sa isip ko na di ko maexplain..

"Ano ba!! Bakit di ka parin nagpaparamdam!! Nakakainis ka na!! Ang big deal naman sayo nun !!"naramdaman ko ang mainit na tubig sa pisngi ko.. halatang umiiyak na ako. Di ko mapigilan sarili ko kanina ko rin naman tong gustong ilabas.. Bakit siya ganun?

LOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon