The Final Chapter

3 0 0
                                    

The Final Chapter: awake.

Kate's point of view

Isang buwan na ang lumipas ng magkita kami ni luke.. Gaya ng dati ganun parin ginawa namin. hayss.. gagraduate na kami.. San kaya siya magcollege? Sa Ateneo ba? Sa Feu? Sa DLSU? Nah! Kahit San jan basta magkasama kami yun yung importante ..

"Okay na.."sabi ng photographer. Pictorial kasi namin sa next week na ang graduation namin kaya busy ang lahat ngayon. Hays.. Mamimiss ko ang school nato.. maraming alaala din ang maiiwan ko dito.. dito nagsimula ang storya ng buhay ko simula ng tumungtong ako sa university nato anraming nangyare sa buhay ko simula nong nagkakilala kami ni luke.. nong mawala siya bigla.. hanggang sa nagbalik siya.. at nawala ulit.. hayss.. yung mga bully.. yung naging silent mode ako..

"Haays.."napahinga ako ng malalim. Bat kasi hindi nilagyan ng college ito nila mommy at daddy yan tuloy sa ibang university ako mag-aaral. Sad..

"Hey.. lalim ng iniisip ah?"sabi ni luke habang inakbayan ako. Napangiti ako.

"Wala.."

"Wala raw..psh! I know you kate.. Mamimiss mo to dito?"sabi niya. Palakad kami papuntang secret place namin.

"Galing ah. Well.. Oo eh.. dito kaya tayo nagkakilala."nakangiti kong sabi.

"yun talaga?"patawa niyang sabi. Anong nakakatawa? Sumimangot ako.

"Naks! Nakasimangot agad oh.. payakap nga!"niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan sa noo.

"I love you kittykate.. forever and ever.."sabi niya. Kinilig naman ako putek! Ang cute niya pag nagpapacute! Sarap kurutin!

"I love you infinity..lukie " sabi ko sabay kurot pisngi niya. Atsaka tumakbo palayo sa kanya.

"Hahahaha para ka talagang bata.. " humalakhak lang ito.

"Hindi ka gaganti?" pagtataka kong tanong.

"Bakit? Gusto mo?"naramdaman kong uminit yung mukha ko. Sheet! Bat ako nagbablush!

"H-hindi noh!"sabi ko. Saka umiiwas ng tingin. Nakakahiya! Napakaassumera ko kasi.. yan tuloy!

"Uyyy.. nagbablush siya..."sabi pa nito habang papalapit sakin. Takte! Bat ang hot niya! Nakakatunaw yung mga titig niya! Sheeet!!

"stop that!"sigaw ko. Nagulat naman ito. At sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Whats wrong?"sabi nito. Yumuko ako para di niya makita ang pula pula kong mukha. Nakita ko ang anino niya sa harap ko kaya napatingala ako at bumungad ang gwapo niyang mukha.

"Nagiging Oa kana naman.."hinawakan niya ang pisngi ko saka hinalikan ang noo ko.

"Ang drama na natin... Tara na nga!"hinatak ko siya papunta sa lugar na kanina pa dapat kami andun.

Pagkarating namin. Kinain kami ng katahimikan. Ewan ko. Di ko rin alam kong bat bigla kaming natahimik
Psh!

"Tatahimik lang ba tayo dito?"sabi nito. Buti nagsalita siya.

"Wala naman kasi akong masasabi."sabi ko.

"Ako meron eh.."seryoso niyang sabi. Napatingin ako sakanya.

"Ano naman?"

"Mahal kita.."sabi nito.

"Alam ko.."masaya kong sabi.

"Mahal kita... pero.."sabi nito.

"Pero..?" Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Ano kayang 'pero ?

"Mahal kita.. pero.. darating yung araw na mawawala ako.. at sa panahon na yun.. di na kita mapoprotektahan.. kaya gusto kong sabihin sayo na kahit anong mangyare.. lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.."seryoso niyang sabi. Napatulala ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya?

LOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon