"Kendra tara na sa bahay. My parents can't wait to see you again." masayang wika ni Tamara.Siya ang matalik kong kaibigan magmula ng kami ay nasa sinapupunan pa lamang.
Kararating lang kasi ng parents niya galing abroad, doon kasi naka base ang trabaho ng parents niya. Sinasama nga sya sa abroad kayalang hindi siya sumama dahil mas gusto niya daw dito sa pilipinas kaysa sa US.
"Okay wait. Eto na nga inaayos ko na ang gamit ko."
"Let's go." Excited na wika niya sabay hila sakin palabas.
"Mom alis na kami." Sigaw ko kay mom bago kami makalabas.
Agad kaming pinagbuksan ng driver nila para makasakay sa kotse."May papakilala ako sayo mamaya. Kasama kasing umuwi nila mommy yung pinsan ko, dito na daw mag aaral. I'm hundred percent sure that you will like him." Mahabang lintanya niya habang nakangisi.
"Siguraduhin mo lang na gwapo yan." Biro ko sa kanya na ikinahagalpak ng tawa naming dalawa.
"Madame nandito na po tayo." Singit ng driver nila sa gitna ng hagikgikan naming dalawa. Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa bahay nila este mansion pala.
"Oh god, i miss you Iha." Wika ng kanyang ina at bahagya akong niyakap.
"I miss you too tita." Sagot ko pabalik.
"Tara na sa loob nag hihintay na ang Tito mo."
"Sabi sayo bes eh miss kana ni mommy."bulong niya sa tenga ko.
Pagpasok namin sa mansion nila ay may nakita akong lalaking nakatalikod sa banda namin. Ito siguro ang pinsan niya. Masasabi kong napatikas ng katawan nito. Siguro ay mas matanda saamin ito ng isa o dalawang taon.
Naramdaman siguro nito ang presensya namin kaya humarap ito at lumapit samin."Hi." Maikling wika niya sakin sabay halik sa likod ng aking palad.
Nalaglag ang aking panga sa kanyang ginawa. Totoong tao ba ito?napakaperpekto ng features ng kanyang mukha. Ang mata niyang namumungay na parang laging inaantok, ang ilong niyang napakatangos, ang labi niyang manipis na kulay pink,ang Hubog ng mukha niyang perpekto. Is he even real?
Natauhan ako sa pagpapantasya sa kanya ng marahan akong siniko ni Tamara."Laway mo bes." Mabilis kong pinahid ang gilid ng aking labi. Narinig kong napahalakhak silang tatlo. Ohmygod. Nakakahiya lalo na kay tita.
"Ahm Kendra, this is Zach my nephew." Pagpapakilala niya sa lalaking ngayon ay malaki ang ngisi marahil sa pagkakapahiya ko.
"Hello." Nahihiyang wika ko napansin siguro nila na nahihiya na ko kaya naman inaya nalang nila ako sa hapag. Andun na pala si Tito na hinihintay kami, binati niya ako at kinamusta ang parents ko.
"They're okay Tito. Nasa bahay po sila ngayon." Sabi ko kay Tito.
"Hmm I thought nasa business trip sila?" Tanong ni Tito.
My parents and Tamara's parents are best friends. Kaya siguro naging mag bestfriend din kami at syempre nag click kami sa lahat ng bagay."Kakauwi lang nila kagabi Tito." Tumango na lamang siya at bumaling sa pagkain.
Ganon nalang din ang ginawa ko. Naramdaman kong parang may nakatitig sakin. Lumingon ako kay Tita at Tito ngunit busy sila sa pagkain. Pagtingin ko kay Tamara ay ganoon din siya.
So I think the one who's staring at me is her cousin. Binaling ko ang tingin ko kay Zach upang makumpirma ang hinala ko at tama nga. Ang mata niyang mapungay ay nakatingin sakin in a playful way. Ngumisi siya nang nag tagpo ang aming mata. Kinakagat kagat niya pa ang kanyang labi na mas lalong nag depina ng kagwapuhan niyang taglay. Ibinaling ko nalamang sa iba ang aking tingin para iwasan ang mapaglaro niyang mga titig.
Nagpagulong gulong ako sa kwarto ni Tamara. Mygoodness nakakahiya talaga yung nangyare kanina. Halata naman kasing iniinis niya ako kanina sa hapag kainan.
"Hoy nababaliw ka nanaman dyan." Humahagikgik na wika niya.
Irap nalang ang ginanti ko dahil hindi maalis sa isip ko ang ngisi niyang nanunukso. Nababaliw na nga ata talaga ako. Napapailing nalang si Tamara habang nakangising nakatitig sakin.
"Someone is Inlove." Pakantang wika niya na animong tuwang tuwa.
"I'm not." Agap kong sagot ngunit mas lumakas ang halakhak niya. Pinaglalaruan niya na talaga ako. Porke napatitig ako kanina sa pinsan niya Inlove na agad ako di ba pwedeng napangetan Lang. OO PANGET SIYA. PANGET.
"Defensive." Bulong niya sa aking tenga na may naglalarong ngisi sa kanyang labi.
"HINDI NGA SABI AKO INLOVE KAY--" naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Zach sa kwarto.
"Inlove kanino?" Nakataas kilay na tanong niya habang nakangisi. Nalaglag ang aking panga sa kanyang tanong like what the fvk. Kasalanan mo to BES.
"Inlove siya sayo cous." Tumitiling wika ni Tamara na animoy kilig na kilig.
"Is that true Kendra?If yes, i'm going to court you now." Mas lalong nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? He's going to court me daw e wala pang isang araw kaming magkakilala. Confirmed. He's a playboy.
Lumapit ako sa kanya yung tipong konti nalang magdidikit na ang aming mga labi. I don't care kung nandyan si Tamara, sa ngayon kailangan kong bumawi.
"Oo, Inlove ako sayo. Inlove na Inlove." Take note I'm using my sarcastic tone while I'm saying that.
Ngumisi siya sakin na hindi inintindi ang pagka sarcastic ng boses ko. Handa ata siyang makipaglaro sakin. Pwes I'll give him a wonderful game.
"So I'm courting you now." Pinal na wika niya ng hindi padin naaalis ang mapaglarong ngisi niya.
"Hmm lets see kung mapapasagot mo ko." Mapaglarong sagot ko sa kanya. Akala niya siguro di ko kayang patulan ang kanyang laro.
"Okay." Maikling wika niya sabay halik sa aking labi. Mabilis na halik. Umakyat lahat ang dugo ko sa aking ulo dahil fuckshit. That's my first kiss at sa kanya Lang mapupunta. Oo nga at malambot ang kanyang labi na parang kang mababaliw kapag nailapat ang labi mo sa kanya ngunit ayoko sa playboy at playboy siya.
"Bes." natauhan lamang ako ng tinawag ako ni Tamara. Nakaalis na pala ang gago. Gusto kong pumatay. Damn. Fvk. Nasabi ko na ata lahat ng mura.
"Waaaaaaaaaaaaaaah." malakas na sigaw ko para mabawasan ang inis ko. Paglingon ko sa tabi ko nakangiti lang naman ang gaga ng nakakaloko na animoy nakakita ng nakakakilig.
"Bes malambot ba labi ni cous?" Impit na tiling tanong niya. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nahiga sa kama. Itutulog ko nalang ang inis ko. Humanda ka Zachary Matthew Spencer.
Itutuloy..........
YOU ARE READING
A second chance (REVISING)
RomanceWill you give a second chance to the person who hurt you? Will love be sweeter the second time around? Can two broken hearts can be as one again?