"Anak may tao sa baba. Hinahanap ka." gising sakin ni mama habang yinuyugyog ang balikat ko.
Hmm sino naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga?
"Okay mom. " wika ko habang tumatayo mula sa pagkahiga. Baka naman si Tamara lang yan.
"Hindi kaba mag aayos nak?"tanong sakin ni mommy habang pababa kami ng hagdan.
"Hindi na mom. " walang ganang wika ko. Like hello,sunday ngayon and its supposed to be my rest pero eto ang magaling kong bestfriend at nanggugulo nanaman. Sino ang gaganahan sa lagay na yon?
Ngunit medyo naguluhan ako dahil pag pumupunta naman dito si Tamara diretso agad siya sa kwarto ko at siya pa mismo ang gigising sakin. Something is wrong.
"Bahala ka. Baka magsisi ka. " wika ni mommy ng nakangisi. Mas lalo akong naguluhan. Bakit naman ako mag sisising hindi nag ayos?
"Hi. Good morning. " wika ng isang lalaki sa may bandang kaliwa ko. Parang kilala ko ang boses.
Paglingon ko nanlaki ang singkit at maganda kong mata ng makita ang isang lalaking prenteng nakaupo sa may sofa namin. Naka simpleng jeans at t-shirt ito na tinernuhan ng sapatos na vans. Why is he so hot? Ang simpleng ayos nito ang siyang mas nakadagdag ng kanyang kagwapu---wait bakit pinupuri ko ang unggoy na to?
"BAKIT NANDITO KA? " sigaw ko sa kanya. Ngunit ngisi lamang ang iginanti niya. Ngising laging suot ng kanyang labi. Ang ngising mapang asar.
"Kendra yayain mo dito sa kusina ang bisita mo at kumain muna kayo. " wika ni mommy na siyang ikinagulat ko dahil hindi niya naman kilala ang lalaking ito ngunit bakit hindi siya nagtatanong sakin kung sino ito.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni mommy diba? " pabalang wika ko sa kanya at nauna ng pumunta sa hapag.
"Mom bakit mo pinapasok ang lalaking yon eh hindi ko naman kaibigan yun."nagtatakang bulong ko kay mom dahil baka biglang pumasok ang unggoy dito at marinig ang sinasabi ko.
"Nak naman pano ko hindi papapasukin yung lalaking yun eh ngayon ko lang nakitang may lalaki na dadalaw sayo dito at gwapo pa. Muntik na nga kong mag paparty ng sinabi niyang manliligaw mo siya dahil akala ko tomboy kana. " mahabang lintanya ni mama habang humahalakhak. May pagka OA talaga si mommy. Buti di ko namana. *straight face*
"Bahala ka mom pag nalaman to ni dad magagalit yun and one more thing, he's not my suitor."mabilis na wika ko kay mommy at umupo na dahil nakita kong papunta na dito ang unggoy.
"Kain na muna kayo at pupuntahan ko muna ang aking asawa" nakangisi paring wika ni mommy. Psh pang asar talaga.
Pagkaalis na pag kaalis ni mom ay bigla na lamang bumanghalit ng tawa ang unggoy. Nababaliw na ba to?
"What's funny? " iritang wika ko sa kanya habang kumakain.
"Your face. "humahalakhak paring wika nito.
Halos lumubog ako sa upuan ko dahil sa kahihiyan ng mapagtanto kong hindi pa nga pala ako nakakaligo at take note hindi parin ako nakakahilamos kahit toothbrush. Oo nga pala, ang akala ko ay si Tamara lamang ito.
"Bwisit." inis na wika ko at sinamaan siya ng tingin.
Tumakbo ako paakyat ng kwarto para naman maligo na. Bahala siya sa buhay niya. Kumain siya mag isa dun. Hindi nadin ako bababa kahit mabulok siya dun. Fck! Tama nga si mommy na magsisisi ako dahil hindi nag ayos. Nakakarma naba ako dahil sa ginawa ko kahapon?siya naman nauna eh.Nagiging hobby ko narin ang pag wo-walk out. Kasalanan niya to!
Humanda ka unggoy. Babawi din ako. *smirk*
It's Monday again. Ang bilis naman ng araw dahil may pasok nanaman. Hindi ko naman naenjoy ang weekend dahil sa pamemeste nang taong unggoy.
"Good morning. " magiliw na wika ko sa mga classmates ko. Well, mas okay na ang may pasok kaysa naman wala ngang pasok ngunit may bwisit naman na unggoy.
Lumingon ako kung saan kami nakapwesto ni Tamara ngunit wala pa siya doon.
Habang papunta sa may upuan ko parang bubuyog na nagbubulungan ang mga classmates ko. Isa lang naman ang sinasabi nila.
"May transferee daw. Sobrang gwapo at dito daw sa section natin."mahinang tili nang kababaihan. Pag lingon ko naman sa kalalakihan ay wala manlang na reaksiyon. Malamang naman kasi mga lalaki yan alangan naman makisali sila sa tilian.
"Good morning. Alam niyo naman siguro na may bago kayong magiging classmate so please be friendly."wika ng aming guro na ngayon ay narito na palabas sa classroom.
"Iho halika na. " muling wika nito at tumingin sa bandang pintuan. Pumasok ang lalaking matipuno ang katawan at akala mo isang greek na kabababa lamang sa Mt. Olympus sa sobrang amo ng mukha at talagang mapapatitig ka sa kanyang mukha dahil sa taglay na kagwapuhan-inshort unggoy siya. Fck why is he here? Akala ko mawawala na siya sa landas ko dahil may pasok. Yes i know na hes staying here for good pero bakit sa dinami dami ng school. Bakit dito pa?
"Hi girls. Zachary Matthew Spencer from US. But Im staying here for good. " wika niya.
Wtf girls lang talaga ang binati? What a playboy."Okay Mr Spencer since wala si Tamara you can sit on her sit. Beside of Ms Kendra. " ani ng aming guro. Sabay turo sakin.
Did i heard it right? Sa tabi ko daw siya uupo? WTF. nananadya ata si ma'am eh. Sht kung hindi lang strikto ang teacher namin ngayon malamang umapila na ko ngunit isa siyang bakulaw pag nagalit."Oh honey dito ka pala nakaupo?I knew it we are meant to be. " masiglang wika niya. Bakit sobrang saya niya samantalang ako di makuhang mag saya.
"First im not your honey. Second don't ask the obvious. Third were not meant to be kasi di pwede ang unggoy sa dyosang katulad ko. " mahabang lintanya ko. Sorry siya bad mood ako ngayon ay hindi lang pala ngayon lagi pala tuwing malapit siya sakin *frown*
"Sungit." wika niya habang nakanguso.
"Wag kang mag pout di mo bagay."bulong ko dahil manaka nakang tumitingin ang aming guro at baka mahuli kaming nag uusap.
"Mean." nakanguso paring wika niya. Oo na cute na siya pero di ko sasabihin alam kong lalaki ang ulo niya kaya inirapan ko na lamang at nakinig sa tinuturo ng aming guro.
Itutuloy........
YOU ARE READING
A second chance (REVISING)
RomanceWill you give a second chance to the person who hurt you? Will love be sweeter the second time around? Can two broken hearts can be as one again?