Habang nililigpit ko ang gamit ko may naramdaman akong kalabit ng kalabit sa gilid ko ngunit di ko pinagbigyang pansin dahil alam kong yung unggoy lang yun.
"Samahan mo na kasi ako sa cafeteria please. " pagmamakaawa niya. Katatapos lang kasi ng klase namin at lunch na.
"Malaki kana kaya mo na yang sarili mo." mataray na wika ko tsaka inirapan siya.
"I'm just new here, syempre di ko pa alam ang cafeteria dito kaya please samahan mo na ko. Treat ko. " wika niya na akala mo mamamatay pag hindi ko sinamahan.
"Mayaman na ko di ko kailangan ng libre mo at tigilan mo nga ko dun ka magpasama sa mga babaeng kinikindatan mo habang may klase kanina. " pabalang na wika ko. Kung iniisip niyong nag seselos ako, nagkakamali kayo.
"Wait, are you jealous? " nakangising tanong niya.
"Bakit naman ako magseselos? " balik tanong ko sabay irap sa kanya. Nabwibwisit nanaman ako sa pagmumukha niyang panget.
"Defensive." humahalakhak na wika niya.
Nagulat ako ng bigla nalang akong kinaladkad habang nagtatanong sa mga classmates namin na boys kung saan ang cafeteria.
"Wait here. " utos niya sakin at pinaupo ako sa may bandang gitna nang cafeteria at pumunta siya sa may counter para siguro bumili ng makakain. Maka utos akala mo naman aso niya ko *roll eyes*
Nakita kong papalapit na siya sakin dala ang isang tray na punong puno ng pagkain. Akala ko unggoy lang siya baboy din pala.
"Andami naman niyan. " wika ko paglapag niya ng tray sa mesa namin.
"I don't know what you like so in-order ko lahat ng putahe. " ani niya na akala mo inosente.
"So ano nakain mo at nanlilibre ka?"Tanong ko.
"Yun nga eh hindi pa ko kumakain kaya feel ko manlibre."wika niya. Hmm parang may iba. Parang ang bait niya naman. Well i don't care. Basta ako kakain nalang.
"Alam mo ba kung bakit sa boys ako nagtanong kanina? " ngumunguyang wika niya. Ang baboy din kumain ng unggoy na to but i find it hot. Geez i should stop praising him.
"Hindi ako manghuhula kaya di ko alam. " pabalang na wika ko baka mahalata niyang pinagpapantasyahan ko siya eh.
"Sungit. Tanong mo kasi kung bakit. " wika niya using his pleasing tone with puppy eyes. Ohmy he's so cute. Pero siyempre di ko sasabihin.
"Oh bakit? " kunwareng napipilitang tanong ko.
"Kasi alam kong magseselos ka pag sa babae ako nagtanong. " seryosong wika niya.
Naramdaman kong nag init ang aking mukha.
"Uy nag ba-blush siya. " tukso niya sakin habang sinusundot sundot ang tagliran ko.
Geeeez bakit naman ako mag ba-blush ng dahil sa kanya eh tsaka lang naman nangyayare iyon kung kinikilig ako. Pero hindi ko maitangging hindi ako namumula dahil ramdam ko naman.
"Ano narealize mo na bang gusto mo ko? " mayabang na wika niya.
"Shut up. " inis na wika ko tsaka ko siya tinakbuhan. Bakit ganito ang inaasta ko nitong mga nakaraang araw? Na akala mo may gusto ako sa kanya. Pero HINDI. HINDI KO SIYA GUSTO. HINDI PWEDE. Alam kong laro lang sa kanya ang lahat.
"Oh nak napaaga ata uwi mo."tanong ni mom habang nakaakbay si dad sa kanya. Himala wala sila sa trabaho lalo na si dad.
"Maaga po kasing na dismiss yung klase ko mom. " wika ko tsaka humalik sa pisngi niya. Ang totoo niyan ay nag cut talaga ako dahil sa unggoy na yun.
"Hi dad. " wika ko sabay halik din sa pisngi niya. Napangiti naman si dad.
"Hi baby. How's your day? " nakangiting sambit ni dad.
"Fine dad. I'll just go uptairs para mag palit. Tuloy niyo na lambingan niyong naudlot." humahalakhak na wika ko na ikinahalakhak din nila.
Haay i love my parents so damn much. Sana ganyan din kay daddy ang mapapangasawa ko.
Pagkapasok ko sa kwarto saktong naalala ko si bes. Mabilis kong kinuha ang phone ko para tawagan siya. Nagaalala na kasi ako kung bakit di siya pumasok.
"Bes? Napatawag ka?" rinig kong sagot ni Tamara sa kabilang linya.
"Bakit um-absent ka bes? Nag alala ako ni hindi ka manlang nag text." iritang wika ko.
"Im sorry bes. Masama kasi pakiramdam ko." paumanhing wika niya sa akin.
"I understand bes. Dont forget to take your meds. I love you."
"Thank you bes. I love you too. Bye. " pagpapaalam niya.
Haaays gumaling na sana sya para naman may pang harang na ko sa pangungulit ng unggoy.
Pagkatapos kong magbihis nahiga muna ako sa aking kama. Napakaraming nangyare ngayong araw.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Wala naman akong ibang ginawa kundi makipag inisan sa unggoy. Sana bukas tantanan niya na ko sa pang aasar niya dun nalang siya sa mga babaeng nilalandi niya.
Wait bakit siya nanaman iniisip ko? Pati ba naman pagpapahinga ko umeepal siya? Psh.
"Iha bumaba kana daw dahil kakain na." wika ni manang. Yung kasambahay namin since i was kid.
"Sige po manang. Susunod po ako." wika ko kay manang. Ganoon na ba katagal ang pag mumuni muni ko at di ko namalayang gabi na? Geeez malala na to.
Habang pababa ako naririnig kong parang may kausap si dad. Maybe one of his kumpadre again.
"Nakupo kana." aya sakin ni mom.
"Baby may nagpapabigay sayo nito kakaalis lang." wika ni dad na nandito na pala sa hapag. Yun ba ang kausap niya kanina?
"Bulaklak? Sino naman magbibigay sakin ng bulaklak? " naguguluhang tanong ko.
"The man said he is your suitor. " ani ni dad.
"There's a card inside the flower baby." wika ni mom.
"Mamaya mo na tignan yan baby. Let's eat first." wika ni dad. Kinabahan ako dahil alam kong pag uusapan namin to habang kumakain.
"Dalaga na ang baby namin. May manliligaw na." naluluhang wika ni dad. What the--- akala ko magagalit si dad pero napa tears of joy pa ata.
"I'm always be your baby dad." malambing na wika ko.
May hinala na ko sa nagbigay ng flower. Isa lang naman ang nambibwisit sakin eh. That monkey!
Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ko kila daddy at mommy. Nagtungo agad ako sa aking silid para tignan ang flowers. Im not excited, Im just curious kung ano ang nakasulat.
Itutuloy......
YOU ARE READING
A second chance (REVISING)
RomanceWill you give a second chance to the person who hurt you? Will love be sweeter the second time around? Can two broken hearts can be as one again?