Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok.
"Finally, you're awake." nakangising wika sakin ni Zach.
"Where's the others?" kumukurap pang wika ko dahil sa lights na tumatama sa bintana.
"Outside." maikling wika niya ng may ngiti sa mga labi.
Na-concious naman ako kaya mabilis kong kinapa ang mukha ko kung may dumi ba dahil kagigising ko lang.
"You're blushing." wika niyang muli.
Paanong hindi ako kikiligin kung bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya,wait---inamin ko bang kinikilig ako? Shocks malala na to.
"Just want to inform you na nanliligaw na ako sayo for real." seryosong wika pa nito. Walang bahid na pag sisinungaling.
"No need." mabilis na wika ko na syang ikinagulat niya.
"What? Busted naba agad ako?" kunot noong tanong niya.
Napahalakhak ako sa kanyang sinabi na mas ikinagulo niya. Well idadaan ko nalang sa tawa ang kaba ko.
"Hey. Why are you laughing?" kunot noong tanong parin nito.
"nothing." wika ko ng nakangiti.
"totoong liligawan na kit--"wika nito.
"No need to court me Zach. Dahil sinasagot na kita ngayon." pag putol ko sa sinabi niya.
Alam kong kakakilala palang namin ngunit sabi nga sakin ni mom hindi nasusukat ang pagmamahal sa panahon.
"What?" tanong nito ng di makapaniwala. Literal na nanlaki ang mga mata niya.
"We're couple now." wika ko sabay halik sa kanyang pisngi at mabilisang bumaba ng bus.
Ghaaad nakakahiya na hindi manlang ako nagpakipot pero natatakot kasi ako na baka pag pinaghintay ko siya ay magsawa siya and besides ngayon ko lang naamin sa sarili ko na mahal ko siya. Una palang na pagkikita namin.
Kaya lagi akong naiinis sa kanya para maitago ang nararamdaman ko.
Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.
"Bes bakit pulang pula ang mukha mo?" nag aalalang wika ni Tamara.
"Don't mind me. Naiinitan lang ako." wika ko sabay iwas ng tingin. She know me too well kaya dapat kong iwasan ang titig niya. Baka malaman niya ang nangyari kanina.
"Btw, tita and tito texted me. Kinakamusta ka dahil di mo daw sinasagot tawag nila." wika niya.
"Shoot. I forgot to call them." wika ko at nagpaalam muna para tawagan sila.
I'm sure na nag aalala na sila. Medyo Oa pa naman sila pag di ko sila kasama.
"Hello mom." panimula ko sa kabilang linya.
"Iha bakit ngayon kalang tumawag? How's the ride? Are you okay?"
"I'm okay mom sorry for making you two worried about me. Please tell to dad that i'm okay." paumanhin ko. Nangako pa naman ako sa kanila.
"It's okay darling. Take care always okay? I love you." malambing na wika ni mom.
"I will mom. I love you too. Bye." mabilisang sagot ko dahil baka hinahanap na nila ako.
"Hey bakit mo ko tinakbuhan?" narinig kong wika ng isang lalaki sa likod ko.
Geez kinakabahan nanaman ako. Basta nandyan siya lagi nalang ganito ang nararamdaman ko.
"uhm... Kasi ano.. "utal na wika ko. Alangan naman sabihin kong nahihiya ako diba? Shocks naman kasi e.
"Nevermind. Let's go. Hinahanap ka na." wika niya at umakbay sakin.
"Dito sa Burnham Park ang first stop natin. Make sure na magpipicture kayo. You guys going to do a documentation about this fieldtrip. Understood?" wika ni ma'am pagkarating namin sa may harap ng bus kung saan nagtipon tipon. Kami nalang pala talaga ang hinihintay. Geez nakakahiya.
"Yes ma'm." we said in chorus.
"Group yourselves into three para sa documentation na gagawin niyo. At exactly 5 pm bumalik kayo dito dahil pupunta na tayo sa hotel kung saan tayo tutuloy. Ang second and last stop ay bukas na para makapagpahinga muna kayo. You may all go now." patuloy nito.
"Guys tayo na ang magkakasama." tumitiling wika ni Tamara. (referring to me and Zach)
"ano pa nga ba?" sabay na wika namin ni Matthew na may halong pang aasar. Nahawa na ko sa pagka pang asar niya.
---
"Wooooh finally makakapagpahinga na rin.""Sa wakas makakaligo na rin."
"Sht i'm so damn tired."
Kanya kanyang reklamo ang lumabas sa aming mga bibig pagkarating sa hotel. Sobra kaming napagod sa pagkuha ng mga pictures at pag libot sa buong burnham park.
Magkakahotel room kaming tatlo dahil kami ang magkakagrupo.
"Ako na mauunang mag shower."wika ni Tamara sabay takbo sa CR nitong hotel.
Nanlalagkit narin ang pakiramdam ko kaya humiga muna ako sa bed na naka-assign sakin. Tatlo kasing bed per room ang kinuha ng mga teachers para sa mga mag kakagroup.
"Hey." pag pukaw ni Matthew sa aking attention.
Muling nabuhay ang kaba sa aking dibdib. Di pa kasi namin napaguusapan ang nangyaring aminan sa pagitan naming dalawa mula nung nasa bus kami. Naging busy kasi kami sa burnham kanina.
"Hey." balik wika ko nalang dahil naramdaman ko ang muling pagtambol ng aking puso kasabay nang pag init nang aking pisngi.
"You're blushing again." humahalakhak na wika nito.
"Look at me." wika niya sabay hawi sa mukha ko upang maiharap sa kanya.
Nahihiya kong sinalubong ang titig niya. Di ko alam kung bakit nahihiya pa ko sa kanya e kami naman na.
"I love you." he said in a sincere tone.
"I love you too." nahihiyang tugon ko na nagpalawak ng ngiti sa mukha niya.
"I love you three, four, five and so on."humahalakhak ng wika nito.
Sino magaakala na ang isang playboy na kagaya niya ay magiging corny?
Paano ko nasabing playboy siya? 'cause he told me na bago maging kami ay may ka-fling siyang dalawang babae.
"I thought you love me?" nakanguso kong wika. May naiisip kasi akong kalokohan.
"Yes. Why?" naguguluhang wika niya marahil sa tanong ko gayong kasasabi niya lang na mahal niya ko.
"But i'm not the only one you love. Napakarami namin sa puso mo." i said.
"Where you get that idea? I'm loyal to you ofcourse." wika nito ng nakakunot noo parin. Akala ko puro kalokohan lang alam niya masyado pala siyang seryoso sa isang relasyon.
"From you." sagot ko.
"What?when did i say that?" naguguluhan paring tanong nito.
"Ngayon."
Itutuloy.......
YOU ARE READING
A second chance (REVISING)
RomanceWill you give a second chance to the person who hurt you? Will love be sweeter the second time around? Can two broken hearts can be as one again?