"bakit tuwing kinikilig ka nag wo-walk out ka honey? HAHA. Flowers for you, alam kong kinikilig ka habang binabasa mo to. Wag ka ng mag walk out please? :) "
Yan mismo nakalagay sa letter na binigay ng unggoy. Oo tama ang hinala ko siya nga ang nag bigay. Napakayabang talaga niya. Bakit naman ako kikiligin? Makakain ko ba tong bulaklak na binigay niya psh.
Napaikot nalang ang mata ko sa inis ngunit di ako makapaniwala sa nakikita ko sa salamin. Why i am smiling like an idiot? Kinikilig ba ko? Ofcourse..... Not!
Nilamutak ko ang mukha ko ngunit ayaw parin matanggal ang ngiti sa aking labi. Damn nababaliw na ako.
"Hello?" tanong ko sa kabilang linya. Wala ako sa mood tignan kung sino ang tumatawag dahil kahit ako wala sa sarili.
"Nagustuhan mo ba?" wika sa kabilang linya na siyang nagpagising sa katawang lupa ko.
"SAN MO NAKUHA ANG NUMBER KO?" hiyaw ko. These past few days nagiging bipolar na ako.
"Chill honey. Alam kong kinikilig ka pero wag mo namang idaan sa galit ang kilig mo. Nakakapangit yun." humahalakhak na wika niya sa kabilang linya.
"Shut up. Kiligin mo mukha mo. Bye!" inis na sambit ko tsaka ko siya pinatayan ng cellphone. Ngunit ng dumako ulit ang tingin ko sa salamin ay nakita kong napakalawak ulit ng ngisi ko. Damn masama na to.
--
"Good morning bes." wika ni Tamara pagkarating ko sa seat ko sa room."What's good in the morning?" mataray na wika ko. Well alam niya na kung bakit badmood ako eh kaagaaga.
"Oww bakit di ka nakatulog ng maayos?" humahalakhak na wika niya. See? She knew why i'm acting like this.
"Epal kasi ng pinsan mo." iritado kong wika na nagpahalakhak lalo sa kanya. Pareho talaga sila ng pinsan niyang unggoy,ang hilig mang asar.
Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog. Nakakainis! Fcksht. Mukha tuloy akong zombie.
"Nandiyan na si Ma'am." narinig kong sigaw ng isa kong kaklase kaya mabilis na nag transform ang lahat, ang kaninang napakagulong upuan ay bigla nalang naayos.
"Since graduating na kayo napagmeeting-an namin na magkakaroon kayo ng fieldtrip na magsisilbing bonding niyo bago kayo magtapos ng highschool. " mahabang lintanya ng aming adviser pagkapasok na pagkapasok sa room. Di kasi uso sa kanya ang bumati muna bago mag salita. Psh.
Nagtilian naman ang mga classmates kong maaarte na akala mo ngayon lang mag pi-fieldtrip ngunit wala ang atensyon ko don dahil nagtataka ako kung bakit wala pa si Zach na unggoy.
"Saan po tayo pupunta ma'am? Lahat po ba dapat sumama?" rinig kong tanong ng kaklase kong nerd malamang ayaw nito ng mga ganitong pakulo, nerd nga eh.
"We'll go to baguio and yes lahat kayo ay dapat sumama." sagot nito.
Nasundan pa nang maraming tanong regarding sa fieldtrip thingy.
May sakit kaya siya kaya wala siya? Salamat naman walang mang iinis sa---
"Sorry ma'am, I'm late." speaking of the monkey. Kasasabi ko lang na walang mang iinis sakin pero eto siya at nakangisi nanaman sakin. *frown*
"Okay. Come in." wika naman ng teacher ko.
Ngayon ko lang narealize na pano siya nakatransfer dito? Ang alam ko kasi pag malapit na ang graduation hindi na pwede? Hmm sa bagay stockholder ang tita niya. What do i expect?
"Since wala ka pang upuan dahil nandito na si Ms Tamara kumuha ka sa bakanteng room at dun ka maupo sa likod."
Whaaaaat? Sa likod? It means sa likod ko siya? Hindi ba titigil ang kamalasan ko at kung saan ako ay nandoon siya!?
Lumabas siya saglit sa room para kumuha ng upuan niya.
"That's all for today. Maaga ko kayong ididismiss dahil may meeting pa ulit kami. " wika nito sabay alis. Pagkatapos pakuhanin ng upuan yung unggoy aalis din? Sabagay magagamit naman niya yun sa next na klase.
Bakit ko ba siya pinoproblema?
"Bes tara na kumain." wika ni Tamara. Woah nandito pa pala siya? Masyado akong na preoccupied kaya di ko namalayan na kasama ko pa pala siya.
"Okay tara." wika ko dahil gutom nadin ako.
Papalabas na sana kami ng makasalubong namin si Zach na kararating lang dala ang upuan.
"Oy wait for me. Sama ako sa inyo, ibababa ko lang to." nagmamadaling wika niya dala ang upuan.
"Sunod ka nalang samin cous." wika ni bes.
Iniwan na namin siya at nagpatuloy sa paglalakad nang maramdaman kong may umakbay sakin. Amoy palang alam ko ng yung unggoy to.
"Ouch. Kahit kailan talaga amazona ka." tumatawang wika niya. Siniko ko lang naman, manyak e. Di manlang ata nasaktan dahil nakuha pa nitong tumawa.
"Whatever." wika ko sabay irap. Di ko parin nakakalimutan na siya ang may kasalanan kung bakit mukha akong zombie ngayon dahil hindi ako makatulog dahil sa pesteng bulaklak na yon.
"Hello? Kasama niyo ko. Nagsasarili nanaman kayong dalawa." galit galitan na wika ni Tamara. Nakangisi kasi siya habang sinasabi niya kaya alam kong nang aasar lang to.
Humalakhak na lamang ang unggoy sa sinabi ni Bes kaya inirapan ko silang dalawa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
"O ayan na mahal ko este mahal na reyna." wika ni Zm habang binibigay sakin ang meryenda ko. Well nilibre niya ako dahil napawalk out nanaman niya ako kanina. Mukhang marami akong maiipon dahil sa libre.
"Don't call me like that." i said. He call me mahal ko e. It's so corny. Nung una honey ngayon mahal ko, I prefer honey nalang. Damn bakit ba pinoproblema ko pa ang tawag niya sakin? Sht!
Ngiti nalang ang sinukli niya sakin marahil alam niyang maiinis nanaman ako. Nakakapanibago parang mas okay yung dating mapang asar kaysa ngayong akala mo napakahinhin.
"Excited na ko sa fieldtrip." masayang wika ni Tamara na siyag bumasag sa katahimikan.
"Same here." me and Zm said in unison. Kaya nagkatinginan kami at natawa na lamang.
"Ayie sabay sila." pang aasar samin ni Tamara.
Napailing nalang kaming dalawa ng uggoy.
Ngayon lang kami nagkasundo. siguro naman tama na ang away muna. Nakakapagod din. Bukas nalang ulit. Napatawa na lamang ako sa aking naiisip.
"Hello mom?" pagsagot ni Tamara sa kabilang linya.
"Uhm okay mom. See you in a bit." balik sagot ni bes sa kausap niya sa kabilang linya.
"Alis muna ko. Tumawag kasi si mommy eh. May pupuntahan daw kami." wika niya sabay halik sa pisngi namin ni Zach.
"Hmm may pupuntahan ka? " ilang na tanong ni Zach. Mukhang magiging awkward to a. Hindi kasi kami nag aaway eh.
"Wala naman." wika ko habang pinagtutuunan ng pansin ang pagkain para may magawa ako lalo na at kaming dalawa nalang.
"Tara sa mall?" nagdadalawang isip na aya niya. Wala naman din akong gagawin kaya pumayag na ko.
"So, let's consider this as a date." wika niya pa.
"A friendly date. But still a date." dugtong niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. I dunno why.
"Let's go." wika niya sabay hatak sakin.
Hobby niya na talaga hatakin ako *pout*
Itutuloy.......
OMG LUTANG AGAIN SI AUTHOR. 10 CHAPTERS WILL DO RIGHT? HAHA HAPPY ENDING OR NAH?
YOU ARE READING
A second chance (REVISING)
RomanceWill you give a second chance to the person who hurt you? Will love be sweeter the second time around? Can two broken hearts can be as one again?