Prologue

18 2 0
                                    


"Stop chasing me. Wala ka ng mapapala sakin at kahit kailan hinding hindi kita mapapatawad." madiing wika ko sa kanya.

Nakita ko ang sakit na gumuhit sa kanyang mga mata kasabay ng bahagyang pagkatulala. Gustong gusto kong bawiin ang aking mga sinabi ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayoko ng masaktan.

Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang iwanan siya. Ayoko nang muling makita ang kanyang pagmumukha dahil baka bumalik ang nararamdaman ko sa kanya, kung may babalik dahil pakiramdam ko, kahit kailan ay hindi ito nawala.

"Let me explain please." hinihingal na wika niya. Damn! Hinabol niya pala ako.

"What do you want from me? Di pa ba sapat na niloko mo ko?" naramdaman ko ang pag init ng gilid ng aking mga mata. Sariwang sariwa parin sa aking alaala ang mga nangyari na akala mo'y kahapon lang.

"I'm sorry." akmang hahawakan niya ang aking kamay ngunit hindi ko ito hinayaan. Pakiramdam ko mapapaso ako pag naramdaman kong muli ang kanyang haplos.

A second chance (REVISING)Where stories live. Discover now